Chapter 15 - My First Kiss

193 13 3
                                    

Published: April 19,2017

CHAPTER 15 - MY FIRST KISS

~KRISTINA'S POV~

Agad kong hinila palayo si Jessa sa mga ito upang makausap ng sarilinan.

"Hey! Sa'n kayo pupunta?" Tanong ni Tristan.

"D'yan lang muna kayo at walang susunod." Saad ko sa mga ito. "May alam ka ba dito, bes?" Tanong ko agad kay Jessa nang makalayo kami sa mga ito.

"Anong alam ko?" Kunot noong balik tanong nito.

"Yung sa kiss? Paano na 'yan? Baka naman hindi totoo yung hula dahil sabay-sabay na humalik sa'kin yung apat."

Binatukan muna ako nito bago ako sinagot.

"Ang gandang birthday gift non bes."

"Maraming klase ng halik. Siguro ang tinutukoy nung manghuhula, e yung unang makakahalik sayo sa lips."

"S-sa lips?" Bahagyang napahawak ako sa gilid ng labi ko. Nanlaki ang mga mata ko. "Si-sigurado ka ba?"

"Siguro." Napatitig ito sa'kin. "Bakit ganyan ang reaksyon mo? May humalik ba sa lips mo?"

"H-huh? Ah, w-wala." Sa halip ay sagot ko. Napakagat labi ako. May pilyong nanamantala sa pagkakataon. Ang halik na dapat sana'y sa pisngi lang ay umabot sa gilid ng aking mga labi.

"Halika na. Huwag mo munang isipin yan, okay? Just enjoy your day. Sayang efforts ng mga guys."

Pagbalik namin sa loob ng bahay ay saka ko lang napansin ang surpresang tinutukoy ni Jessa kanina.

Puno ng iba't ibang pagkain ang may di kalakihang lamesa namin. May mga lobong iba't iba ang kulay at may banner din nang pagbati para sa akin.

Hindi ko napigilan ang pangingilid ng luha ko sa galak. Sobra-sobra akong na-touch sa ginawa ng mga ito para sa akin.

"Happy birthday, Pare." Isa-isang pagbati ng mga kasama naming lalaki.

"O, s'ya! Halina kayo mga anak at tikman natin itong mga inihanda ninyo." Sabi ni mama.

Dinampot muna ni Dylan ang cake at sinindihan naman ni Jessa ang kandila sa ibabaw niyon.

Nakangiting nilapitan ako ng mga ito. "Make a wish." Nakangiting saad ni Ulysses.

Pumikit muna ako saglit bago hinipan ang candle sa cake.

Agad akong pinahiran ni Leander ng icing sa pisngi. "Aahhh.. loko ka!" Reklamo ko.

"Happy birthday." Nakangiting saad muli nito.

Napangiti ako. Sana'y hindi ito ang una't huling pagkakataong makakasama ko ang mga ito sa espesyal na araw kong gaya nito.

Matapos kumain ay nagpaalam na sa amin si mama na magpapahinga na muna daw ito at medyo napagod sa lakad namin kanina. "Happy birthday anak." Bati muna sa'kin ni mama bago kami nito iniwan.

This Guys Inlove With You, Pare! [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon