Published: Jan. 16,2019
CHAPTER 28 - LIES
LEANDER'S POV
"Ummm..." Ungol ko habang nakapikit. Napaka-aga ng istorbong ito.
"Prince, gumising ka na at gumayak. Ipinapatawag ka ng lolo mo sa hapag." Saad ni Peter habang niyuyugyog ako nito sa aking balikat.
Kunut-noong napadilat ako. "What is he doing here?"
Kibit balikat lang ang isinagot sakin nito.
Napapakamot ulong bumangon na ako. Istrikto si Lolo at ayaw nang pinaghihintay ng matagal. Pero malaki ang paggalang at pagmamahal ko sa aking abuelo. Mas itinuturing ko pa itong ama kaysa sa ama ko.
Nag-umpisang ayusin ko na ang aking sarili. Matagal-tagal na din buhat nang huling umuwi dito sa bahay si Lolo. "Come on." Yakag ko kay Peter na hinintay akong makapag ayos.
"TIRIK NA ANG ARAW nakahilata ka pa sa higaan mo?" Bungad na salita sa akin ni lolo. "Kung ganyan palagi ang gawain mo, lahat ng palay ay nakalahig na ng ibang manok, sa palagay mo may matutuka ka pa?" Makahulugang dugtong nito.
Napayukong humingi lang ako ng paumanhin dito. "Sorry, Lo. Hindi na po mauulit."
Marahas na napabuntong hininga ito. "Maupo ka na."
Naupo ako sa katabing upuan ni Lolo katapat si papa na bahagyang umiling, si Jake naman ay nasa kaliwa ko, katapat ng mama nito.
"Leandro, nakausap mo na ba si Kristina?" Baling ni lolo kay Papa.
Bigla akong napalingon kay Lolo nang marinig ko ang pangalang binanggit nito.
"Yes, Papa." Sagot nito kay Lolo saka bumaling kay Peter. "Peter, pakisabi kay Marie na papuntahin dito si Kristina."
Yumukod lang si Peter at tumalima na sa utos ni Papa.
Nangunot ang noo ko. Mukhang nahuhulaan ko nang may bago na namang ipabubuntot-buntot sa akin ang mga ito. Hindi ba sila napapagod?
Bigla ko tuloy naalala ang Pare ko, kapangalan pa talaga niya. Napailing nalang ako sa isiping iyon.
"Sana naman ay tumagal na sa iyo ang assistant mo ngayon." Seryosong saad sakin ni Lolo.
"Lolo, I don't need an assistant at isa pa, hindi assistant ang tawag do'n, kundi Yaya. At hindi ko kailangan ng asong bubuntot-buntot sa'kin."
"Tumahimik ka! Ginagawa ko ito para sa'yo. Kaya sana'y magtino ka na."
Napapikit ako ng mariin. Eto na naman kami.
"M-magandang umaga po. Pinapatawag nyo daw po ako?" Unti-unti akong napalingon sa dalagang nagsalita. Napatitig ako sa mga mata nito. Ang babaeng ito, ibang-iba sa kilala ko. Mahaba ang hanggang baywang na buhok nito at nakasuot ng pulang bestida.

BINABASA MO ANG
This Guys Inlove With You, Pare! [Completed]
Teen FictionMEET THE CAST: *Jeon Jungkook as Dylan: Ang Campus heartthrob, playboy na torpe. - *Aaron Yan as Ulysses: Ang seryosong bestfriend. - *Huang Zitao/Tao as Tristan: Ang Fighter, maginoong bastos. - *Kim Taehyung/V as Leander: Ang Joker na sweet. - *IU...