Chapter 11 - The Boys Jealousy

175 15 1
                                    

Published - March 29, 2017

CHAPTER 11 - The Boys Jealousy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 11 - The Boys Jealousy

~KRISTINA'S POV~

"Hindi ka talaga tibo, Kris?" Tanong agad ni Jessa pagkaupo namin sa sinakyang jeep.

Pauwi na rin kami matapos makabili ng libro at magpahula.

I sigh. "Front ko lang ang pagiging tomboy."

Napasulyap ito sa akin. "Bakit? Ang ganda-ganda mo kaya. Bakit ka nagpi-pretend na tomboy?"

"Naranasan mo na ma-bully, di ba? Yung pambubully sayo nina Angela, mas worse pa do'n ang dinanas ko. Saka naisip ko, sa pamamagitan nito makakaiwas ako sa mga ganoong klase ng mga tao kasi sawa narin ako na laging nabubugbog ng mga salbaheng tao, pati mga magulang ko nadadamay." Mahabang paliwanag ko dito.

"Alam mo, insecure lang ang mga iyon sa'yo. Sure ako d'yan."

Napatawa ako."Sira!"

"You mean, pati si Ulysses na boy bestie mo hindi alam na nagpapanggap ka lang na tomboy?"

"Yup! Malapit na kasi kami mag-graduate sa Elementary nung magkakilala kami. And I think, nagtransform ako bilang ganito bago ko pa sya nakilala."

Napabuntong hininga ito. "So, wala ka pa palang first kiss. Kawawa ka naman."

"Grabe s'ya!"

"Bakit, meron ba?"

"W-wala nga! E, ano naman?"

"Sabi kasi nung manghuhula, ang unang makakahalik sa'yo, iyon daw ang makakatuluyan mo? Paano kaya mangyayari 'yon? And take note, hindi isa at hindi rin dalawa, higit pa ang sabay-sabay na magkakagusto sa'yo. Ikaw na girl. Rapunzel ang peg?"

Nangunot ang noo ko sa sinabi nito.

"Haba ng hair. Slow nito."

Napasulyap ako sa unahan ng jeep. "Tss! Trapik pa, ginabi na tayo." Puna ko sa napakabagal na usad nang sinasakyan namin.

"So, ano? Magpapakababae ka na ba para malaman kung sinu-sino yung tinutukoy ng manghuhula?" Patuloy parin ni Jessa.

"Tss! Hindi no!" Nilingon ko ito. "Jessa, secret lang natin yung nalaman mo ha? Please?"

"Ang alin? Ang sinabi nung manghuhula na hindi ka totoong tomboy o yung unang lalaking makakahalik sa'yo?"

"Lahat. Please?"

Napabuntong hininga ito. "Okay. Challenge sa kanila pagkatao mo." Bahagyang dumungaw si jessa sa labas. "Bababa na pala ako. Mama, para po." Agad namang huminto ang jeep. "O, pa'no? Dito na 'ko. Ingat sa pag-uwi."

I nod. "Ikaw din. Salamat."

Napasulyap ako sa wrist watch ko. Mag-aalas otso na pala ng gabi.

~TRISTAN'S POV~

This Guys Inlove With You, Pare! [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon