Chapter 26 - Love For Real

71 7 1
                                    

Published: Jan. 11,2019

CHAPTER 26 - LOVE FOR REAL

KRISTINA'S POV

"A-anong pangalan mo?"

"Prince Leander Ramirez Sarmiento."

Muling dumaloy ang luha sa aking mga mata. Ngayon kunpirmado ko na, ang buong pagkataong ipinakilala sa amin ni Leander ay isang malaking pagpapanggap lamang. Ito ba ang sinasabing -- Hindi lahat nang nakikita ng aking mga mata ay totoo?

Habang nakatanaw kay Leander papunta sa kotseng magdadala dito sa airport ay hindi na maampat ang luha ko, ngunit bago pa Ito makasakay ay muli itong bumaling sa akin at patakbong bumalik sa kinaroroonan ko. Kusang kumilos ang mga paa ko patakbo upang salubungin ito.

Niyakap ako nito ng mahigpit na agad ko namang tinugon.

"Sorry. Sorry, pare kung naglihim ako sayo."

Kumalas ako sa pagkakayakap ni Leander upang tingnan ito sa kanyang mga mata. Ikinulong ko ang mga pisngi nito sa aking mga palad at pilit na ngumiti dito. "Alam kong may dahilan ka." Sinserong saad ko.

Mapait na ngiti ang iginanti nito sa'kin. "Sinungaling ako. Napakasinungaling kong tao. Sa lahat ng kabutihang ipinakita nyo sa'kin, ganun din si mama ay nagawa ko padin magsinungaling sa inyo." Saad nito. "Alam mo ba kung bakit mas pinili kong magsinungaling?"

Nagtatanong na mga mata ang itinugon ko sa tanong nito.

"Dahil iyon lang ang paraan para magtagal ako sa piling mo."

"Sorry. Sorry, pare dahil ang manhid ko. Napakamanhid ko dahil hindi ko naramdaman ang pinagdadaanan mo." Napahagulgol na ako.

"Ssshh... Hindi ka manhid. Magaling lang ako magtago." Saad nitong tinuyo ang aking mga luha. Napabuntong hininga ito. "Pero, hindi ako ganun kagaling dahil heto ako ngayon. Buking na."

"Hindi pa. Dahil hindi ko pa alam kung alin ang totoo sa lahat nang ipinakita mo."

"Lahat ng iyon ay pagpapanggap lang. Ang pangalang gamit ko ay sa Mama ko. ang trabaho? Hindi talaga ako nagtatrabaho. Ang kotseng iyon." Turo nito sa kotseng naghihintay dito. "Akin yun at hindi ko talaga inarkila."

Napaawang ang mga labi ko na napasulyap sa kotseng itinuro nito.

"Lahat man ng pakilala ko sa inyo ay hindi totoo." Pagpapatuloy nito na iniharap akong muli upang tumingin dito. "Isa lang ang totoo, Mahal kita. Mahal na mahal kita, pare ko." Madamdaming saad nito na unti-unting yumukod upang maglapat ang aming mga labi. Kasabay ng mainit nitong halik ang pagsungaw muli ng luha sa aking mga mata. "Hintayin mo ko. Babalikan kita." Ang huling katagang binitiwan sa akin nito.

--

Hindi na naman maampat ang luha sa aking mga mata habang tanaw si Tristan na pasakay sa kotseng sumundo dito.

This Guys Inlove With You, Pare! [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon