Chapter 2 - Meet The Second Guy

295 17 1
                                    

Published - Feb 22, 2017

CHAPTER 2 - MEET THE SECOND GUY

~KRISTINA'S POV~

"Parekoy, gumising ka na male-late na ta--- " Napaawang ng malaki ang bibig ko pagbukas ko ng pinto ng kwartong inuokupa ni Ulysses.

"Aaaahhh...." Magkapanabay na sigaw namin ng lalaki.

Agad kong kinabig pasara ang dahon niyon.

Dub-dub, dub-dub, dub-dub. Napahawak ako sa dib-dib ko. Dinig na dinig ko ang napakalakas na kabog niyon.

"Anong nangyayari? May magnanakaw ba?" Tarantang tanong ni Mama na bigla nalang sumulpot sa harap ko.

"Ay bakulaw!" Gulat na saad ko.

Binatukan ako nito. "Anong bakulaw?"

"Aray naman! Ba't ba kasi kayo nanggugulat? Aatakihin na ko sa puso nito e." Sigaw ko kay Mama.

"Ako ang aatakihin sa puso sa lakas ng sigaw mo. Ba't ka ba kasi sumigaw?"

Bago ko pa man masagot ito ay dahan-dahan nang bumukas ang pinto ng kwarto sa tapat naming mag-ina. Our jaws literally drop nang bumungad sa amin ang six packs abs ng lalaking iniluwa ng mahiwagang pinto.

Umawang ng malaki ang bibig ko at agad kong tinakpan ng dalawang palad ko ang mga mata ko.

~LEANDER'S POV~

Agad kong isinuot ang t-shirt kong nakasukbit sa balikat ko nang makitang luluwa na ang mga mata ng matandang kahera ng bahay na tinutuluyan ko.

"G-good morning po, M-mama." Magalang na bati ko sa Ginang.

Unti-unting inalis ng isang ---

O_O Tomboy!?

Ang mga palad nitong nakatakip sa mga mata nito.

"M-mama?" Gulat na sambit nito.

"Oo, Mama. Kasi para ko na din silang mga anak dahil hindi naman nalalayo ang mga edad ninyo." Mahabang paliwanag nito. Bumaling ito sa'kin. "Ah. Leander, anak. Heto nga pala ang kaisa-isang anak kong babae. Napagkaitan lang ng pusong babae." Natatawang pagpapakilala nito sa katabi. " Si Kristina."

"Mama, Kris po. At hindi ako babae, lalaki ako." Singhal nito sa ina.

"Tumahimik ka!" Pandidilat nito sa dalaga. "At ikaw Kristina, siya si Leander. Ang bago nating makakasama dito sa bahay."

"Kelan pa sya dumating?"

"Kahapon ng umaga pagkaalis nyo ni Ulysses. Working student sya kaya halos madaling araw na umuwi."

"Good morning." Bati ni Ulysses na katatapos lang din maligo at handa narin ito sa pagpasok sa eskwela.

"Good morning, bro." Ganting bati ko.

This Guys Inlove With You, Pare! [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon