Chapter 4 - Trouble With The Fighter

225 17 1
                                    

Published - Feb 25, 2017

CHAPTER 4 - TROUBLE WITH THE FIGHTER

~KRISTINA'S POV~

"Bhe, thank you sa pagliligtas mo sa'kin sa kamay ng dalawang bruhang 'yon ha." Saad sakin ng babaeng natulungan ko.

"Oks lang 'yun. Grabe, lalaki lang pinag-aawayan n'yo."

"Hindi s'ya basta lalaki lang noh. Super sikat si Dylan dito sa school natin at sobrang bait pa."

"Talaga? Tingnan nalang natin kung gaano kabait 'yang sinasabi mo."

"Hmm, talaga." Confident na sagot nito. "By the way, ako si Jessa. Jessa Estaca." Pagpapakilala nito.

"Kris." Nakangiting pagpapakilala ko din dito.

"Magkaibigan na tayo ngayon ha, Kristina Amor? Ang ganda ng pangalan mo, parang pang telenovela sa TV." Natutuwang saad pa nito.

Nagulat ako dahil alam nito ang buo kong pangalan.

Mukhang nabasa naman nito ang nasa isip ko. "Nagpakilala ka kanina sa klase di ba? Kaya alam ko." ^_^

"So, magkaklase pala tayo?"

"Oo, tutulug-tulog ka kasi."

--___--

Pabalik na sana kami ni Jessa para sa susunod naming klase nang biglang makita ko si Dylan na makakasalubong namin.

Bigla akong napaupo sa likuran ni Jessa at nagtago upang huwag akong makita ng lalaki.

"Hoy! Anong ginagawa mo d'yan?"

"Basta, hwag kang maingay." Sagot ko dito.

Biglang lumawak ang pagkakangiti nito nang makita si Dylan.

Umawang ng malaki ang bibig ko nang mapagtanto ang susunod na gagawin nito ngunit bago ko pa ito mapigilan ay nakasigaw na ito ng --

"DYLAAAAAN!"

~DYLAN'S POV~

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na tumawag sa'kin. Si Jessa.

Nangunot ang noo ko nang mapansin na parang may taong nagtatago sa likod nito.

Wow! Mukhang may tao na balak akong takasan ahh..

Agad akong lumapit sa mga ito. "Kamusta, pare. Takot ka bang umitim kaya nagtatago ka sa lilim ni Jessa?"

"H-huh? Ahaha, naku hindi. May ano kasi, ahm.. may tinatanggal akong himulmol sa palda nya."

Nanlaki ang mga mata ni Jessa at binatukan ang kasama nito. "Anong himulmol ang tinatanggal mo sa pwitan ko?"

"Aray naman!" Pandidilat ni Pare sa kasama. "Ba't ka ba nangbabatok? Ang slow mo din no! O, sige. Kuto nalang! Kutuhan na lang kita kung bakit ako nagtatago sa likod mo. Akala ko ba magkaibigan na tayo?" Napapakamot ulong sagot nito. "Hina ng pick-up!" Bulong nito.

"Tinataguan mo ba ko, Pare?"

"H-ha? H-hindi no. Ang totoo n'yan, hinahanap nga kita kasi ---" Bahagyang nag-isip ito. "Ah! Hinahanap kita kasi gusto kong sumali sa team nyo."

"Ah, talaga? Akin na cellphone mo?"

Nangunot ang noo nito. "Anong gagawin mo sa cellphone ko? Wala akong load."

Naningkit ang mga mata ko. "Baka nakakalimutan mo yung usapan natin?"

"B-bakit? Nagawa mo na ba? Agad-agad! Ganon kabilis?"

"Ang usapan, half hour ko lang sasamahan yung babaeng 'yon. Sa palagay mo, ilang oras na pagkaraan ng pag-uusap natin sa gym?"

She rolled her eyes. "Heto!" Sabay abot ng cellphone nito.

Napangisi ako. "Kunin mo sa'kin mamayang uwian. Antayin kita sa gym."

~KRISTINA'S POV~

"Grabe ka Jessa, hindi mo man lang ako tinulungan kanina."

"Bakit? Wala namang umaaway sayo ahh.."

Napangiti ako ng pauyam. "Oo nga naman." Naiiling na sagot ko dito.

Pagdating namin sa room ay pinalabas kami agad ng prof namin at pinatayo sa labas ng pinto habang nakataas ang dalawa naming kamay.

Kung bakit?

Pasalamat ako sa lahat ng kamalasang natanggap ko sa pakikiusyoso ko kaya na-late kami sa klase.

Okay lang! Atleast may napulot akong aral.

Huwag nang makiusyoso kung naiihi ka.

Matapos ang halos kalahating oras na pagkakatayo ay hinarap kami ng propesor namin. "Don't be late again or else, isususpinde ko kayo ng isang linggo sa klase."

Nakayukong tumango kami. "Opo. Sorry , Sir." Saad ko.

"Tss! Magbabanyo lang daw." Naiiling na saad sakin ni Leander. "Isumbong kaya kita sa Mama mo. Sinasayang mo lang ang ipinang-aaral sa'yo."

Namulagat ako sa sinabi nito. "Utang na loob, Pare hwag mong gagawin 'yan."

"Anong meron dito?" Bungad na tanong ni Ulysses nang malapitan kami.

"Ha? W-wala naman." Sagot ko dito. Binalingan ko ulit si Leander. "Usap tayo mamaya, okay?" Pilit na ngiting sabi ko dito.

"Tara na! Uwi na tayo. Ano pang hinihintay nyo?" Si Ulysses.

"Wait lang mga pare. Antayin nyo ko saglit. May pupuntahan lang ako sa Gym."

"Sino?" Si Leander.

"Basta, mabilis lang ako." Pagkasabi ko non ay mabilis ko nang tinalikuran ang mga ito.

Pagdating ko sa Gym ay nakita kong pinagtutulungan si Dylan ng mga kalalakihan. Hindi na ako nakapag-isip na daluhan ito ng makita kong sinuntok ito ng isang lalaki habang may nakahawak sa mga kamay nito.

Agad kong itinulak ang lalaking sumuntok dito at iniharang ang aking katawan upang bigyang proteksyon si Dylan.

"Hoy! Tomboy, umalis ka dito kung ayaw mong masaktan."

Nagpanting ang tenga ko sa itinawag sa'kin nito. Hinarap ko ito ng taas noo. "Ikaw na bakla ka, matapang ka lang kasi marami kayo." Wala sa sariling balik sagot ko dito.

"Anong sabi mo? Ako? Bakla?"

"Tristan, hwag mong patulan ang babae." Saad ni Dylan sa lalaki.

Umawang ang mga labi ko sa pangalang binanggit ni Dylan.

Tristan. Ang binansagang fighter ng university na ito.

Bigla akong kinabahan ng hawakan nito ang aking pisngi at unti-unting ilapit nito ang mukha palapit sa akin. Halos gahibla nalang ang pagitan ng aming mga labi. "Bakla pala ha!" Saad nito sakin. Naamoy ko tuloy ang mabagong hininga nito sa pagbuka ng kanyang bibig.

Napalunok ako ng sarili kong laway. Lagot na 'ko!

"Pare..."

TBC. . .

***-*

Huang Xitao as Tristan on multimedia.

This Guys Inlove With You, Pare! [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon