Chapter 13 - The Guys Move

168 11 1
                                    

Published: April 9,2017

CHAPTER 13 - THE GUYS MOVE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 13 - THE GUYS MOVE

~KRISTINA'S POV~

"Oh! Asan si Pareng Tristan?" Tanong ko kina Ulysses, Dylan, at Leander paglabas ko sa sala.

"Nasa likod. Naghahalungkat ng marurumi sa washing machine." Sagot ni Ulysses.

"Bakit?"

"Naiwan daw nya sa maruming pantalon nya yung susi ng locker nya."

Napamulagat ako ng may biglang maalala kung kaya't agad kong tinakbo si Tristan sa washing area.

Pagdating ko dun ay naghuhukay nga ito sa loob ng washing machine ng maruruming damit.

"Pa-pareng Tristan." Tawag ko dito nang makitang may iangat itong maliit na tela.

Agad akong tumakbo palapit dito at hinablot ang hawak nito. Iniharang ko ang sarili ko sa harap nito. Huli na nang matanto kong halos magdikit na ang katawan naming dalawa dahil sa ginawa kong pagharang sa kanya.

Gosh! I felt something weird na biglang bumalatay sa kabog ng dibdib ko nang mapatitig ito sa'kin at agad na bumaba ang tingin nito sa dibdib ko.

Umawang ang mga labi kong napa cross-arm sa dibdib ko. "Bastos!"

"Bastos?" Napangisi ito. "Mukhang alam ko na kung kaninong bra yun."

"Hi-hindi akin 'yon."

"Talaga? Sobrang liit pala ng cup size ng bra ni Mama."

"So-sobrang liit?" May pagkairitang ulit ko sa sinabi nito.

Huh! Grabe lang makapanlait itong-- itong--

Ano bang term pwede kong gamitin dito? Aish!

Napatawa ito. "Nagkakaila pa kasi e."

"Oo na, sige na! Asar kang lalaki ka. Aga-aga mang-asar." Angil ko. "Lumayo ka nga at ako na maghahanap ng pantalon mo. Mamaya kung ano na naman mahalukay mo." Bahagya kong itinulak ang dibdib nitong palayo sa akin at umikot paharap sa washing machine.

Nanatili lang ito sa likod ko.

"I-ito ba yung pantalon mo?" Nauutal na tanong ko. I felt really awkward sa kamalayang halos nakadikit ang katawan nito sa likod ko habang tinitingnan ang paghahanap ko sa pantalon nito.

Aish! Ano bang nangyayari sa'yo Kristina? Saway ko sa sarili ko.

"Patingin nga." Saad nito at agad na dumako ang dalawang braso nito sa hawak kong pantalon.

Para tuloy akong nanigas sa pagkakatayo ko ng magdikit ang aming mga braso.

Simpleng tsansing ba 'to? O ako lang nag-iisip ng malisya?

Naalala ko tuloy bigla noong naglilinis pa kami sa osmeña hall. Yung time na pinagdamit babae ako ni Dylan. Upang hindi ako masilipan ay itinali nito sa baywang ko ang jacket nito na pinagmulan ng away muli nang apat.

This Guys Inlove With You, Pare! [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon