Published - March 1, 2017
CHAPTER 7 - THE SUSPENSION
~KRISTINA'S POV~
Na-shock ako nang biglang suntukin ni Ulysses si Tristan na agad namang tumilapon sa sahig.
Mabilis ko itong dinaluhan at pinahid ang pulang likidong naglandas sa gilid ng labi nito gamit ang sarili kong palad.
Masamang tingin ang ipinukol ko kay Ulysses. "Ano bang problema mo, Ulysses? Bakit mo sya sinaktan?"
"Tsinachansingan ka na nga, ipinagtatanggol mo pa 'yan?" Balik sigaw nito.
"Pre, tama na." Awat ni Leander dito na hindi nito pinansin.
"Hindi n'ya ko tsinachansingan. Tinakpan lang ni Tristan ang likuran ko."
Nagtangis ang mga bagang nito. "Bakit ka ba kasi nag-suot ng ganyang damit? Naglalandi ka na ba ngayon?"
Isang malakas na sampal ang agad na ipinadapo ko sa pisngi nito. "Wala kang karapatang pagsalitaan ako ng ganyan."
"Ulysses, tama na Pare. Ako ang nag-utos kay Pareng Kris na magsuot sya ng damit pambabae." Sabad naman ni Dylan.
"Isa ka pang mapaggawa ng gulo e." Galit na saad naman ni Leander na binigyan din ng isang suntok si Dylan.
"Tama naaa..." Natigilan ang mga ito sa lakas nang hiyaw ko. "Tumigil na kayo. Ako ang may kasalanan ng lahat ng ito. Kung gusto n'yong magpatayan sige. Pero unahin nyo muna ako." Hindi ko na napigilang maiyak sa tagpong ito. Nag-aaway-away sila ng dahil sa kagagawan ko.
Isang boses ang kaagad na umalingawngaw sa apat na sulok ng lugar na iyon. "All of you! Go to my office now!" Ma-awtoridad na saad ng babae na nagmumula sa speaker sa loob ng Hall.
Napakagat labi ako. Mukhang nahuhulaan ko na ang kahihinatnan nito.
-
"Sinasabi ko na nga ba na hindi kayo mapapakiusapan e. I am so disappointed with all of you." Galit na saad sa amin nang babae. "From now on, lahat kayo ay Kicked out na sa eskwelahang ito."
Lahat sila ay nagmakaawang h'wag patalsikin sa eskwelahan ito.
Napatingin ako sa kanilang lahat. Kay Ulysses, kay Leander, kay Dylan at kay Tristan. Kasabay ng pagbalong ng luha sa mga mata ko ay humarap ako sa babaeng matapang. "Ma'am, ako nalang po ang i-kick out ninyo. Kasalanan ko po ang lahat kung bakit humantong silang lahat sa gulong ito."
Napamaang ang mga ito. "Ano bang sinasabi mo, pare? Tumahimik ka dyan. Ako ang nagsimula ng gulo ngayon." Si Ulysses.
"Ako nalang po, ma'am. Huwag nyo na po silang idamay. Kung hindi ko po nai-date ang pinsan ni Tristan, hindi po magkakagulo." Sabad naman ni Dylan.
"Tita, ngayon lang ako makikiusap. Kung hindi namin pinagtulungan si Dylan wala po sanang ganitong gulo." Si Tristan.
"Ma'am, para fair sa amin. Tutal kaming mga lalaki naman po ang nagsuntukan. Kami nalang po ang sipain nyo palabas ng eskwelahang ito. Labas po ang babaeng ito sa away namin." Si Leander.

BINABASA MO ANG
This Guys Inlove With You, Pare! [Completed]
Teen FictionMEET THE CAST: *Jeon Jungkook as Dylan: Ang Campus heartthrob, playboy na torpe. - *Aaron Yan as Ulysses: Ang seryosong bestfriend. - *Huang Zitao/Tao as Tristan: Ang Fighter, maginoong bastos. - *Kim Taehyung/V as Leander: Ang Joker na sweet. - *IU...