Published: Jan. 14,2020CHAPTER 33 - Traitor Heart
KRISTINA'S POV
Bakas sa mukha ni Leander ang pagkagulat sa ibinalita ng kaibigan nito ngunit kagya't lamang iyon at nawalan na ng ekspresyon ang salitang binitiwan nito. "Eh, ano naman ngayon?"
Sumunod nalang ako Kay Leander nang maglakad na ito papasok sa gusali ng eskwelahan. Pagkarating namin sa 2nd floor ay pumasok agad ito sa unang pinto ng room na nasa kanang bahagi.
Huminto muna ako sa bungad ng pinto at chineck kung iyon ba ang tamang room na papasukan namin. Napangiti ako ng makumpirmang iyon nga. 'Talino talaga ng mahal ko.' Medyo napapangiti pa ako sa isiping iyon.
Nakita kong nakaupo na si Leander sa isang upuan na malapit sa bintana at may ilang bakante pa sa tabi nito. "Pare, pwede bang dyan ako sa may tabi ng bintana?" Pakiusap ko dito.
"Bakit hindi ka nalang dyan maupo." Inginuso nito ang katabing upuan.
I pout. "Sige na please..."
He sighed. Saka inilipat ang bag sa kabilang upuan.
Napangiti ako at agad pumwesto sa inalisan nito. Naalala ko tuloy yung panahong sa GAUF pa kami nag-aaral. Pero malaki na ang ipinagbago noon sa ngayon.
Kung dati ay ang binata ang nakatira sa bahay namin, ngayon ay ako naman ang nakatira sa kanila.
Makaraan ang ilang saglit ay dumating nadin ang professor namin kasunod ang isang magandang babae. Wala sa sariling pinagmasdan ko ito. Straight na straight ang mahabang buhok nito. Bilugan ang mga mata na pinarisan ng malalantik na eye lashes, manipis ang mga labi, maputi at balingkinitan ang pangangatawan.
"Miss Anna, please take your seat." Saad ni prof ng balingan ang dalaga.
Saglit na naglibot ang mata nito upang humanap ng pwestong mauupuan. Dumako ang paningin nito sa bakanteng upuang katabi ni Leader.
Napasulyap ako kay Leander. Hindi ko maipaliwanag ang kabang bumalatay sa dibdib ko sa mga sandaling iyon. 'Anna' ito ba ang dalagang minahal nito ng labis noon na naging dahilan ng away nila ng ama at ni Jake?
"Pwede bang maupo?" Malamyos na tinig nito ang kumawala habang nakatingin kay Leander ngunit nang hindi sumagot ang huli ay 'she take it yes for an answer' dahil naupo na ang dalaga sa tabi nito.
Nagsimula ng magdiscuss ang prof namin. We are in English literature and wala yatang pumapasok sa kukote ko.
Napansin kong tahimik lang si Leander at nakapikit ang mga mata. Tulog ba sya? Wow! Dati ako ang natutulog sa klase e.
Siniko ko ito nang matapos na din ang unang klase namin.
Agad na tumayo si Leander matapos magpaalam ni Mr. Choi. Ang professor namin.
BINABASA MO ANG
This Guys Inlove With You, Pare! [Completed]
Teen FictionMEET THE CAST: *Jeon Jungkook as Dylan: Ang Campus heartthrob, playboy na torpe. - *Aaron Yan as Ulysses: Ang seryosong bestfriend. - *Huang Zitao/Tao as Tristan: Ang Fighter, maginoong bastos. - *Kim Taehyung/V as Leander: Ang Joker na sweet. - *IU...