MEET THE CAST:
*Jeon Jungkook as Dylan: Ang Campus heartthrob, playboy na torpe.
-
*Aaron Yan as Ulysses: Ang seryosong bestfriend.
-
*Huang Zitao/Tao as Tristan: Ang Fighter, maginoong bastos.
-
*Kim Taehyung/V as Leander: Ang Joker na sweet.
-
*IU...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
CHAPTER 37 - GOODBYES
KRISTINA'S POV
Nang makaalis si Mr. Chairman ay siya namang lumabas si Mr. Peter.
"Mr. Peter, anong ibig sabihin nito? Tama si Leander, gagamitin n'yo lang ako."
"Patawad Miss. Kristina. Ngunit ito na ang tamang panahon upang mamulat si Master Prince sa mga masasakit na ala-alang itinanim niya sa kanyang puso."
Napailing-iling siya. Pero bakit siya pa ang kinasangkapan ng mga ito? Ano nalang ang maihaharap niyang mukha kay Leander kung malaman nito na pumayag akong maging kasangkapan sa plano ng lolo niya? At paano kung may mangyaring hindi maganda kay Anna? Lalo siyang naiyak sa isiping iyon. Hindi makakayanan ng kunsensiya niya iyon. Dalangin niyang walang mangyaring masama kay Anna.
"Pakiusap Diyos ko, h'wag nyo pong pabayaan si Anna. Kung ang paglayo kay Leander ang magiging kapalit upang gumaling si Anna ay gagawin ko." Dasal niya.
Tumakbo si Kris at hinabol ang Lolo ni Leander. Itinaas naman ni Mr. Peter ang isang kamay upang hayaan ako ng mga lalaking kumidnap sa akin.
Pasakay na ang lolo ni Leander sa kotse nito ng abutan ko. "Mr. Chairman. A-ayoko na po. Gusto ko na pong umuwi ng Pilipinas."
Ngumiti lamang ang matanda at tinapik ako sa balikat. "Halika at ipapahatid kita."
Nangunot ang noo ko sa sinabi nito. Iyon lamang iyon? Tapos na ba ang papel ko?
Pagdating sa bahay ng mga Sarmiento ay isang puting envelope ang iniaabot sa akin ni Mr. Chairman. "Iyan ay kabayaran sa pagtulong sa amin."
Kabayaran? Kabayarang lokohin si Leander? "Hindi ko po matatanggap iyan. Sapat na po sa akin ang makauwi na ako."
Nagpasalamat parin ako sa matanda at nagpaalam sa Papa at Step Mom ni Leander. Nagtataka man ang mga ito sa bigla kong pamamaalam ay iginalang nila ang pasya ko.
Hindi na ako nagpaalam pa sa mga kasama ko. Ayokong abutan pa ako ni Leander sa pag-uwi nito. Ayokong makita ang galit sa mga mata niya sa oras na malaman nitong ginamit lang nila ako. Binalaan na niya ako, ngunit hindi ako nakinig. Ipauubaya ko na siya kay Anna. Mas kailangan siya nito. Muli na namang bumalong ang mga luha sa mga mata ko.
I'm sorry Leander. Paalam.
LEANDER'S POV
Humahangos akong dumating sa lugar na sinabi sa akin ng mga kumidnap kay Kristina. Ngunit pagdating ko doon ay wala akong nadatnan. "Kristina." Sigaw ko. Ngunit ang lumabas ay si Peter. Agad ko itong nilapitan. "Peter, nasaan si Kris?"
"Wala na siya dito Young Master. Umuwi na po siya."
Napailing ako. "A-anong ibig mong sabihin? Pakana n'yo ba ito? Sino ang may kagagawan nito?" Sigaw ko dito, ngunit hindi ito sumagot. Mariin kong hinablot sa kwelyo si Peter sa galit ko. "Alam n'yo bang isinugod sa ospital si Anna ngayon? Pero dahil dito hindi ko s'ya pinuntahan dahil sa pag-aalala ko kay Kristina?"
Pasalya ko itong binitiwan at dali-daling nagtungo sa ospital upang puntahan si Anna. Kapag may nangyaring masama kay Anna ay hindi ko sila mapapatawad.
Pagdating sa ospital ay nasa ward na si Anna. Pinapasok ako ng mga magulang nito at iniwan kami upang makapag-usap.
Hinawakan ni Anna ang kamay ko ng makalapit ako sa kama nito. Ngumiti sa akin ang dalaga kahit bakas sa mga mata nito ang paghihirap. "S-salamat at dumating ka, Prince."
"Sorry." Iyon lamang ang namutawi sa bibig ko.
"H'wag kang magsorry. Ako ang dapat magsorry sa mga nangyari, patawad. Marahil ito na ang huling hiling ko sayo. Buksan mo ang puso mo sa pagpapatawad, mas magiging magaan ang loob mo at liligaya ang puso mo. Alam kong wala akong karapatan sabihin ito sayo, pero nahihirapan din ang mga mahal mo kung nakikita nila ang bigat sa iyong puso." Pinisil nito ang aking kamay. Nagpatuloy ito sa pagsasalita kahit nahihirapan. "Puntahan mo si Kristina. Alam ko kung gaano mo siya kamahal at kung gaano ka nasasaktan sa tuwing nakikita mo siyang nahihirapan. Napakabuti mo parin sa akin kahit tinalikuran kita noon. Masaya na ako na makitang may nagmamahal na sayo at handang magsakripisyo para sayo. Please, bumawi ka kay Kristina at pakisabi, salamat sa pagpapahiram niya sayo para sa akin." Mahabang saad nito.
"Sshhh... Huwag mong isipin iyan. Ang gawin mo ay magpalakas. hmm?" Naluluhang saad ko.
Ngumiti ito at saka pumikit. "Salamat sa lahat, Mahal kita, Prince."
Pagkasabi niyon ay kusang bumagsak ang kamay ni Anna na may hawak sa kamay ko kasabay ng pagtunog ng aparato sa silid na iyon.
Mabilis na nagdatingan ang Doctor at Nurse upang isalba pa si Anna. Makalipas ang ilang saglit ay umiling-iling na ang Doctor. Hudyat na wala na si Anna.
Kusang kumawala ang mga luha sa aking mga mata kasabay ng malakas na paghagulgol ng mga magulang ng dalaga.
_____
Matapos maiayos ang labi ni Anna sa punerarya ay sinamahan parin niya ang mga magulang nito na maiayos ang lahat sa lugar na paglalagakan ng lamay nito.
Lubos parin ang pagpapasalamat sa kanya ng mga magulang ng huli kahit wala na ang kanilang anak.
"Prince, Umuwi ka muna at magpahinga. Dalawang araw ka nang wala pang tulog. Kami na ang bahala kay Anna." Saad ng Mama ng dalaga.
Pumayag naman ako na umuwi muna upang makausap din si Kristina. Baka alam na nito ang nangyari kay Anna at sisihin niya ang sarili dahil batid na nito ang ginawang paggamit sa kanya ng pamilya ko.
Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Wala akong makapang galit sa dibdib ko kahit binalaan ko na ang dalaga.
PAGDATING SA KANILANG MANSION AY HINANAP KAAGAD NG MGA MATA NIYA SI KRISTINA. "KRISTINAAAA..." Tawag ko agad sa pangalan ng dalaga nang makapasok ako sa Mansion. Agad akong dumiretso sa silid nito ngunit wala na akong nadatnan. "Kristina?" Kinabahan ako. Hinalughog ko ang Cabinet ng mga damit niya ngunit bakante na iyon.
Nanghihinang napaupo ako sa sahig at unti-unting sumungaw ang mga luha sa aking mga mata. Tuluyan na ba akong iniwan ng Pare ko? "Kristinaaaa..." I screamed. Ang sakit. Napakasakit. Bakit ginagawa nila sa akin ito?
Nagngalit ang aking mga bagang at naikuyom ang aking kamao. Lumabas ako ng silid at hinanap si Papa.
"Papa!" Sigaw ko nang abutan ko ito sa opisina nito. "Hindi pa ba sapat na inilayo ninyo sa akin si Anna noon at ngayon ay kay Kristina n'yo naman ginawa?"
"Ano na naman ba iyang pinagsasasabi mo, Prince?" Nagtatakang tanong ni Mr. Leandro.
"Ako ang may pakana ng lahat."
Napaawang ang mga labi niya ng magsalita ang kanyang lolo.