Chapter 41 - First Day Work

14 1 0
                                    

CHAPTER 41 - First Day Work

KRISTINA'S POV

"Good morning, Mama." Nakangiting bati ko kay Mama ng umagang iyon.

"Mukhang maganda ang gising ng anak ko ahh.."

Maganda? Well, masasabi ko ngang maganda dahil sa nangyari kahapon. Dama ko parin sa aking mga labi ang halik ni Leander, plus natanggap pa ako sa trabaho at makakasama ko pa siya parati.

"Siya nga pala anak. May bago tayong boarder. Pakigising mo at baka late na magising dahil hating gabi na nakapunta dito."

"Ma, nagpapapasok kayo ng bagong boarder nang hating gabi? Paano kung masamang tao yan?"

"Mukha namang mabait at gwapo pa." Sagot sakin ni Mama. "Sige na at katukin mo na sa taas."

I rolled my eyes. Ano pa nga ba ang magagawa ko kung narito na ito sa loob ng bahay namin? Ang kailangan ko nalang gawin ay kilatisin ito. Mahirap na lalo't nag-iisa si Mama dito sa bahay kapag nagtatrabaho na ako at walang ibang boarders dahil bakasyon ng mga estudyante ngayon.

Nagmartsa ako paakyat sa silid ng mga boaders. Nakailang katok na ako sa pinto ay hindi padin nagbubukas iyon kung kaya't mas nilakasan ko pa ang pagkatok doon bago iyon buksan ng nasa loob.

Isang napakagwapong nilalang ang bumulaga sa akin. Katatapos lamang nitong maligo at nakatapis ng twalya ang pang-ibaba nito. Awtomatikong natakpan ko ng palad ko ang aking mga mata. "B-bakit ba ganyan ka?" Bulyaw ko dito.

"Di ka makapaghintay e. Pasalamat ka nakapagtapis pa ko. May balak ka bang sirain ang pinto?"

"B-Bakit ka ba nandito?"

Sa halip na sagutin ako ay hinila ako nito papasok sa silid nito. He pinned me to the wall.  Umawang ang aking mga labi at awtomatikong napahawak ako sa matipunong dibdib nito. Agad na nag-init ang aking mga pisngi nang mapagtanto kung saan ako napahawak.

"Nagba blush ka, Pare. Di ba nakita mo na ito noon pa?" He smirk.

Akmang hahalikan ako nito nang takpan ko ng palad ko ang aking mga labi. "H-hindi pa ako nagtu-toothbrush."

Natawa ng malakas si Leander na ikinasalubong ng kilay ko. Inalis nya ang palad ko sa aking labi at kinintalan ng halik. "Still sweet. Good morning." He presses his forehead against mine. "Want to wait me dress up?"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nito. "H-hintayin na kita sa baba." I sttuter.

I started to step back my feet at nagmadali na akong bumaba. Nakakahiyaaa...

____

"Nasaan na yung boarder natin?" Nakangiting saad ni Mama.

"Maaaa... Pati ba naman ikaw kinuntsaba ng lalaking iyon?" I said while stomping my feet.

"Bakit? Anong masama kung narito siya? Tutal sabi niya sakin malapit ko na syang maging manugang." Panunukso pa ni Mama.

I pout. "Bahala na kayo dyan, maliligo na ko. Papasok pa ko sa trabaho."

Pagkatapos kong maligo at makagayak ay nadatnan ko na si Leander na nagkakape sa mesa na kakwentuhan si Mama. Naka white polo shirt na ito na tinernuhan ng slocks na itim. He look so manly. Kapwa sila nakangiti ni Mama habang nag-uusap. Ewan ko ba pero ang sarap sa feelings.

Dumampot lang ako ng isang pandesal at agad akong kumagat. "Tara na at baka ma-late tayo." Pag-aya ko kay Leander.

"I'm the boss, kahit ma-late tayo okay lang."

Naningkit ang mga mata ko sa sinabi nito. "Hoy, Mister. Hindi ako boss kaya kung ayaw mo pang umalis. Mauuna na ko sayo." Binalingan ko naman si Mama. "Ma, alis na ko. Ingat kayo dito sa bahay."

Habang hinagkan ko si Mama sa pisngi ay may ibinulong s'ya sa akin. "Anak, huwag mo na pahirapan ang mamanugangin ko."

"Maaa..." Naiirita kong sagot.

Tumawa lang si Mama.

"Ma, alis na po kami." Paalam naman ni Lean.

"Sige, mag-iingat kayo anak." Saad ni mama na kay Lean nakatingin. Nagpahabol pa ito ng AJA! sa binata at kumindat sa huli.

I rolled my eyes.

At dahil dala ni Leander ang kotse niya ay doon kami sumakay. Ipinagbukas pa ako nito ng pinto. Pag-ikot ni Leander sa Driver's side ay lumingon s'ya sakin. He lean forward to me and fix my seatbelt on. Napatitig tuloy ako sa kanya habang inaayos iyon. Napaka gentleman nito compared noong nasa kanila pa ako. At dahil abala ako sa mukha niya ay bigla ako nitong ninakawan ng halik sa aking mga labi. Nahampas ko tuloy ito sa balikat.

He just chuckled.

"Bakit nasa bahay ka? di ba may kwarto ka naman sa hotel?" Tanong ko habang abala ito sa pagda-drive.

"Hahayaan ko ba ang girlfriend kong magcommute at makipag siksikan sa mga bus at LRT?"

I raises my eyebrows. Pagdating sa lobby ng Royal Hotel ay tumalima agad ang mga valet parking assistant na naroon at pinagbuksan kami ng pinto at saka iniabot ni Leander ang susi ng kotse niya upang ito ang mag park ng kotse.

"T-teka. Bakit tayo dito dadaan?" Pigil ko kay Leander habang patungo na sa entrance ng lobby.

"At saan mo gustong dumaan?"

"Sa employee's entrance."

Hindi ako pinansin ni Leander sa halip, he grab my hand and walk straight towards the hall. Pansin ko ang mga taong nadaraanan namin na napapalingon sa amin. Napayuko nalang ako.

Pagdating sa elevator ay hinila ko na ang kamay kong hawak ni Leander. "Magbibihis pa ko ng uniform. Magkita nalang tayo mamaya." Hindi ko na hinintay na sumagot pa ito at dali-dali na akong nagtungo sa locker room ng mga empleyado.

Pansin ko ang bulungan ng mga naroong nakasabay ko. Marahil isa sila sa nakakitang kasama ko ang CEO ng hotel.

Hindi ko na sila pinansin at ipinagpatuloy ang ginagawa ko.

Nagpunta muna ako sa Housekeeping manager upang malaman ang mga areas na dapat kong puntahan.

"Leila, i-assist mo muna si Kristina sa office of the CEO habang nasa meeting si Mr. Sarmiento at ituro mo ang mga dapat at di dapat gawin." Utos ni Mrs. Ramona sa kapwa ko housekeeper.

Tumalima naman ito at inaya na ako. Habang Paakyat kami sa itaas sakay ng elevator na laan sa mga employees ay nagsalita si Leila. "Hi, ako nga pala si Leila." Nakangiting pagpapakilala nito sakin.

"Kristina." Simpleng sagot ko at tinanggap ang pakikipagkamay nito.

"Ahm.. Kaanu-ano mo si Mr. Sarmiento?" Tanong agad nito.

Napangiwi ako. Umpisa na ba ito ng spotlight sa mundo ng mga tsismosa? "Ahh.. Umm.. kaibigan ko lang." Alanganing sagot ko.

"Talaga? Napakaswerte mo naman." Alam mo bang mula ng mapabalitang dito magtatrabaho si Mr. Prince Leander Sarmiento ay marami ng babae ang kinilig at nag-aabang na mapansin n'ya. Karamihan mga empleyado dito sa Hotel. Maging sa ibang department."

"T-talaga?"

"Oo naman. Maraming nagkaka crush sa kanya. Napaka gwapo naman kasi." Kinikilig pa ito habang nagkukwento.

"Isa ka ba sa may crush sa kanya?" Tanong ko agad.

Kiming ngumiti ito. Confirmed.

Pagdating namin sa office ni Leander ay isa-isa nang itinuro sa akin ni Leila ang mga dapat kong gawin.

Hindi pa man kami masyadong nagtatagal ay bumukas na ang pinto at iniluwa noon si Leander na may kasunod na babaeng may hawak na mga Folders.

Nangunot bigla ang noo nito pagkakita sa akin. "What the hell are you doing?" He snap at me. Binalingan niya ang babaeng katabi niya. "Call the HR now!" He added angrily.

This Guys Inlove With You, Pare! [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon