Chapter 5 - The Third Guy In The House

242 19 1
                                    

Published - Feb 26, 2017

CHAPTER 5 - The Third Guy In The House

~ULYSSES POV~

Nangunot ang noo ko nang makita ang mga estudyante na nagtatakbuhan papunta sa kung saan.

Bigla akong kinabahan kung kaya't nangharang ako ng isa. "Brod, anong problema? Ba't mukhang may gulo yata?"

"Meron nga! Unang beses sa unang araw ng pasukan. Exciting 'to! Punta kayo sa Gym."

"Sa Gym? Di ba nando'n si Pare?" Gulat na tanong ni Leander.

Nagkatinginan lang kami at sabay naming tinakbo ang kinaroroonan ni Kris.

Pagdating namin sa umpukan ay hinawi namin ang mga nakikiusyoso.

Sabay kaming napatda ni Leander.

"PARE..." Magkapanabay naming sigaw.

Agad naming tinakbo ang mga ito. Itinulak ko't binigyan ng malakas na suntok sa panga ang lalaking nagtatangkang bastusin ang Pare ko.

Agad namang dinaluhan ni Leander si Kris. "Okay ka lang ba, Pare?"

Tumango si Kris at agad na namasa ng luha ang mga mata nito. Animo'y paslit na nakahanap ito ng kakampi.

Natigilan ako nang makita kong bigla itong napayakap kay Leander.

Hindi ko maintindihan, may kurot sa dibdib ko ang eksenang nakikita ko sa dalawa.

Isang suntok ang hindi ko agad napaghandaan nang makabangon ang lalaking nasuntok ko kanina kung kaya't napasadsad ako sa sahig.

"Ulysses." Sigaw ni Kris.

Agad naman akong dinaluhan ni Leander. "Bro, okay ka lang?"

"Ilag!" Sigaw ko nang makitang may papalapit dito upang sumugod.

Hindi agad ito nakailag, pasalamat nalang at may maagap na kamaong sumuntok sa susugod kay Leander.

Tinulungan akong makatayo nang dalawa.

Napansin namin ang apat na lalaki na magkakasamang nakatingin saming lahat at ang isa ay nakangising nakatingin kay Pare.

Agad kaming lumapit kay Kris at humarang sa dalaga.

Napasulyap ako sa isang lalaki na dumamay sa amin upang bigyan ng proteksyon ang pare ko upang hindi ito masaktan.

"Mamaya na 'ko magpapakilala." Saad nito sa'kin.

Tumango ako dito bago binalingan si Pare. "D'yan ka lang sa likod namin."

Tumango itong umiiyak.

Akmang susugod na ang apat nang bigla kaming mapahintong lahat sa lakas ng pagpito na nagmula sa guardiya ng eskwelahan.

This Guys Inlove With You, Pare! [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon