Published: Nov. 11,2017
CHAPTER 23 - FORGIVE
KRISTINA'S POV
"M-mama, ang sakit ng ulo ko." Daing ko nang makaramdam ng pagkirot sa ulo ko.
Agad namang nakabalik si Ulysses na may kasunod na nurse.
May itinurok itong gamot sa dextrose ko. I guess it's a pain killer.
Makaraan nga ang ilang sandali ay nawala na ang kirot na nararamdaman ko.
"Nagugutom ka ba, anak? Gusto mong kumain?" Alalang tanong ni Mama.
Tiningnan ko silang lahat. Bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala para sakin. "Tubig lang, Ma."
"Here!" Agad namang pag-abot ni Leander sa akin ng tubig. "Okay ka lang ba, Pare?"
I slowly nod.
"Ahm.. Mama, umuwi na muna kayo, mukhang napagod po kayo. Kami na po ang bahala kay Pareng Kris." Saad ni Ulysses. His look was giving my mom's assurance na hindi ako iiwan ng mga ito.
"Okay lang ako anak. Salamat. Kayo ang umuwi na at nang makapagpahinga. May mga pasok pa kayo."
"Huwag nyo po kaming intindihin." Si Tristan. Bumaling ito sa akin. "Pare, sorry. Hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa inyo dahil sa ginawa ni Angela." Nakayukong saad nito.
"P-pareng Tristan, hindi ka na ba galit sa akin?" Bagkus ay namutawi sa bibig ko.
"Sa palagay mo ba, kaya kitang tiisin?" He sigh. "Masama lang ang loob ko. Oo nagalit ako sa ginawa mong paglilihim pero hinding-hindi kita kayang tikisin."
Napatitig ako sa tinuran nito kasabay ng paglingon din kina Dylan at Ulysses. Kapwa nakangiting tumango rin ang mga ito.
Nangilid ang luha sa sulok ng aking mga mata kasabay ng pagsilay ng ngiti sa aking mga labi.
Iyon lang. Sapat na sa akin ang mga narinig ko.
"Sino nga pala ang nagdala sa akin dito?" Kapagkuwan at naitanong ko.
"Kami ni Angela. Pinuntahan nya ko sa klase ko." Sagot ni Tristan.
"Speaking of Angela. Ano nang balak mong gawin sa kanya?" Tanong naman ni Dylan.
"Wala."
"Wala?" Kunut noong pag-uulit ng mga ito.
Ngumiti akong tumangu-tango.
"Naalog ba utak mo dahil sa pagkakaumpog mo? Alam kong mabait ka, Kristina, pero iba ang kabaitan sa katangahan." Inis na saad ni Dylan.
"Pareng Kris, kung inaalala mo lang ako dahil pinsan ko si Angela. Sinasabi ko sayo ngayon palang. Hindi ko ito-tolerate ang pananakit na ginawa sayo ng pinsan ko." Gagad naman ni Tristan.
Ginagap ni Leander ang kamay ko. "Magpahinga ka na muna, pare. Huwag kang mag-alala, babantayan kita para wala ng makapanakit ulit sayo."
Napabuga ng hangin si Jessa bago magsalita. "Iyan ang gustong mangyari ni kris na hindi nyo agad maunawaan."
Napabuntong-hininga na lamang ang mga ito.
"Mga anak, halina muna kayo sa labas para makapagpahinga si Kristina." Sabi ni mama sa mga ito bago ako binalingan. "Anak, magpahinga ka na muna at maya-maya ay darating na ang doktor para mapa CT SCAN ka."
"Okay lang po ako mama."
"Basta, pahinga ka na muna." Pagkasabi niyon at sinenyasan ni mama ang lahat palabas ng silid. "Jessa, anak. Pwede bang samahan mo muna si Kristina dito?"
"Opo mama."
LEANDER'S POV
"Bida ka na naman." Sarkastikong saad ni Tristan sa akin paglabas namin sa silid ni Kristina.
"Anong gusto mo, gumanti si Pareng Kris sa pinsan mo para wala narin syang ipinagkaiba sa inyo?"
Nag-init ang mga matang nagsukatan kami ng tingin.
"Tristan, Leander, ano ba naman kayo? Dito pa talaga kayo mag-aaway? At sa harapan ko pa?"
"S-sorry Mama." Hinging paumanhin ko.
"Sorry po." Nakayukong saad din ni Tristan.
Napabuntong-hininga si mama. "Mga anak. Hindi sa may kinakampihan ako o pinapaboran. Tama naman si Leander. Intindihin ninyo kung ano ang gustong mangyari ni Kristina. Unang-una, Tristan. Tinanong kayo ng anak ko kung sinong nagdala sa kanya dito sa ospital. Dahil sa sinabi mong kayo ng pinsan mo ang nagdala sa kanya dito, iyon lang ay sapat na para makita nyang hindi ganon kasama ang pinsan mo. At isa pa, napakabata pa ni Angela para magkaroon ng record sa pulis. Ang mainam niyan, kausapin nyo yung dalaga kung bakit nakakagawa sya ng mga ganung bagay sa kapwa niya. Kaya tama si Leander, kung ayaw ninyong maulit ang ganitong pangyayari, nakikiusap ako. Bantayan nyo sya." Mahabang saad nito. "Kung naglihim sa inyo ang anak ko na ikinagalit ninyo, sana'y unawain ninyo kung bakit at anong dahilan niya, at sa tingin ko naman ay napatawad nyo na sya. Sana lang, kung talagang napatawad nyo na sya, igalang nyo kung bakit si Leander ang napili at minahal niya."
Pagkasabi niyon ay pumasok na si mama sa silid nang makitang parating na ang doktor. Nanatili naman kaming apat na lalaki sa harap ng silid dahil hindi muna kami pinapasok sa loob.
"Pre, pasensya na." Narinig kong saad ni Tristan sa akin.
"Ayos lang."
"Huwag mo lang paiiyakin si Pareng Kris dahil hindi kami magdadalawang isip na maagaw sya sayo." Ani naman ni Ulysses.
Makalipas pa ang ilang sandali ay lumabas na ang doktor upang maghanda na marahil sa isasagawang pag CT SCAN Kay Kristina.
Habang nag-aantay ay nagpasya akong lumabas muna upang bumili ng makakain nang may taong biglang huminto sa harapan ko. Bigla ang kabang bumalatay sa dib-dib ko. "A-anong ginagawa mo dito?"
"Kamusta ka na, young master?"
ITUTULOY. . .
BINABASA MO ANG
This Guys Inlove With You, Pare! [Completed]
Teen FictionMEET THE CAST: *Jeon Jungkook as Dylan: Ang Campus heartthrob, playboy na torpe. - *Aaron Yan as Ulysses: Ang seryosong bestfriend. - *Huang Zitao/Tao as Tristan: Ang Fighter, maginoong bastos. - *Kim Taehyung/V as Leander: Ang Joker na sweet. - *IU...