Chapter 27 - His Family

85 7 2
                                        

Published: Jan. 12,2019

CHAPTER 27 - HIS FAMILY

KRISTINA'S POV

"Anak, may bisita ka." Bungad ni Mama sa akin paglabas ko sa sala.

Bahagyag nangunot ang noo ko pagkakita sa medyo may katandaan nang lalaki. Ito ba ang sinasabi ni Mama na bisita ko? "M-magandang araw po." Alanganing pagbati ko dito.

"Magandang araw din sayo, Ms. Kristina Amor." Ganting bati nito na tumayo at inilahad ang kanyang kanang kamay. "Ako nga pala si Peter. Ang tagapangalaga ni Prince Leander."

Umawang ang mga labi ko sa huling pangalang binanggit nito. Tagapangalaga ni Prince Leander?

Matapos kong tanggapin ang pakikipagkamay nito ay inumpisahan na nitong sabihin ang pakay nito. Napatingin ako kay Mama habang isinasalaysay ng ginoo ang nais nitong sabihin.

"P-pag-iisipan ko po." Sagot ko dito.

"Sige, hija. Narito ang numero ko kapag nakapagpasya ka na." Sabay abot sa akin ng papel na naglalaman ng number nito.

--

"Anak, gising ka pa ba?" Boses ni Mama mula sa labas ng pinto ng kwarto ko.

"Opo, Ma." Sagot kong agad na pinagbuksan ito.

Ngumiti ito sakin at diretsong pumasok sa silid ko at naupo sa kama ko. "Alam kong hindi kapa natutulog kaya pinuntahan na kita. Anong desisyon mo?"

Napabuntong hininga ako. Kabisado na talaga ako ni Mama. "Mama, malayo ang Bangtan atsaka hindi kita pwedeng iwan mag-isa dito."

"Anak, isipin mo. Napakalaking oportunidad sayo ang alok ng lalaking iyon. May trabaho kana, makakapag-aral ka pa sa isang prehisteryosong unibersidad sa isang malaking bansa na hindi mo kakailanganin ng panggastos. Hindi sa sinasabi kong hindi ko na kayang pag-aralin ka pero isipin mong tumatanda narin ako at may mga idinadaing narin sa katawan." Mahabang saad nito.

"Yun na nga mama, paano kita iiwan e tumatanda ka na nga."

Binatukan ako nito. "Loko kang bata ka."

"Joke lang mama." Sabi ko saka ko ito niyakap ng mahigpit.

"Alam ko din namang gustung-gusto mo na makita si Leander. Hindi ba't miss na miss mo na nga s'ya?"

"Pero, Ma. Paano ka? Oo nga't malaking opportunity para sakin yun pero ikaw ang inaalala ko."

"Anak, pwede naman ako umuwi muna sa mga Lola mo, alalahanin mong matatanda na din ang mga iyon. Para din makapagpahinga at makapagbakasyon ako." Sagot nito. "Hindi lang para sa iyo ang misyong iniaalok sa iyo kundi para din kay Leander. Alam kong hindi ka matatahimik sa kakaisip sa kalagayan niya ngayon. Kung madali mong matatapos ang misyon mo, makakauwi ka kaagad at matutulungan mo pa ang lalaking mahal mo." Mahabang paliwanag ni Mama. "Pag-isipan mong mabuti, anak."

This Guys Inlove With You, Pare! [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon