4 years later
"Good moyning mommy ko."bati ng ka-katatlong taong gulang pa lang na baby boy ko. Kagigising lang nito at lumabas kaagad sa kwarto at pumunta sa akin sa kusina.
"Good morning to you too my baby." pinatay ko muna ang stove dahil nagluluto ako ng agahan namin.
Agad ko siyang nilapitan at kinarga saka nanggigil na hinalikan sa pisngi at leeg.
"Haa... mommy stop! Nikililiti ako."natatawa niyang sabi at tumulo ang laway niya sa katatawa.
Natawa ako ng marinig ang sinabi niya saka itinigil ang paghalik sa kanya. "It's nakikiliti anak."
"Nikililiti."ulit niya sa sinabi ko. Malakas akong natawa.
Binaybay ko ang bawat pantig ng salita at ginaya niya ako.
"So ulitin mo nga?"
"Ni-ki-li-li-ti nikililiti."
Natatawa at nanggigigil ko siyang kiniliti. Ang cute-cute niya kapag nabubulol. Hindi niya pa talaga kayang bigkasin ng tama ang mga mahahabang salita.
Tuwing umaga pagkagising ni Aciano ang masayang halakhak nito kaagad ang pumupuno sa tinitirhan naming bahay. Sobra ang pasasalamat ko na dumating siya sa buhay ko. Siya ang nag-iisang pumupuno sa buhay ko.
Makita ko lang ang anak ko at marinig ang matinis at masaya nitong tawa ay nawawala kaagad ang lahat ng pagod ko. Lalo akong ginaganahan na magpatuloy sa buhay kahit na minsan ay gustong-gusto ko nang sumuko. Siya ang nag-iisa kong lakas at pagmamahal.
"May naririnig akong maingay ah. Sino ba ang maingay na yan at ang aga-aga nag-iingay na?"biglang sumulpot si Mariyah sa kusina. Sabog-sabog ang buhok nito dahil kagigising lang.
Mabilis na tinakpan ni Aciano ang bibig ng marinig ang tita-ninang nito.
"Naku mukhang nagising natin ang tita-ninang lagot kakagatin ka na naman niya sa pwet."bulong ko sa baby ko.
Biglang inalis ni Aciano ang mga kamay na nakatakip sa bibig at itinakip sa pwet. At ang bibig naman nito ay itinikom ng husto.
"Ito ba ang batang maingay na naririnig ko habang natutulog ako?"kunwari ay seryosong tanong ni Mariyah.
Sasagot sana ako ng 'oo' pero agad na tinakpan ni Aciano ang bibig ko kaya natawa ako.
Inilapit ni Mariyah ang mukha kay Aciano at pinanliitan ito ng mga mata. Nagpumiglas si Aciano sa mga bisig ko at gustong bumaba. Dahil tabachingching ang baby ko agad ko siyang ibinaba. Di ko kasi kaya kapag nagpupumiglas siya dahil ang bigat niya na.
Pagkababa ko sa kanya ay agad siyang tumakbo palayo sa tita-ninang niya at bumungisngis.
"Aba! Ikaw nga ang maingay na nagpagising sa masarap kong tulog ha. Humanda ka sa akin dahil kakagatin ko yang mga pisngi at tiyan mo."
Umaksyon si Mariyah na hahabulin niya ito. Agad naman tumakbo ang tabachingching kong baby papunta sa kabilang bahagi ng mesa namin habang tumatawa. Natatawa na hinabol ito ni Mariyah at napapasigaw ang baby ko. Tawa ako ng tawa habang pinapanood si Aciano na tumatakbo. Parang hirap na hirap itong tumakbo dahil sa malusog nitong katawan.
"Mommy help! Mommmmyyyy..."sigaw nito ng madakip ito ng tita-ninang nito at panggigilan ng halik sa mukha at tiyan.
"T-tita n-ninang i cannot byeath na p-po nikililiti a-a-ako."tumatawa nitong sabi. Halos hindi ito magkandaugaga sa pagpupumiglas sa tita-ninang nito.
"Sinong nikililiti?"at hinalikan ulit ni Mariyah ang tyan nito at ginagawan nito ng tunog na parang umuutot kaya tawa ng tawa si Aciano.
"H-hindi na po a-ko ma-k-ka b-byeath."hapong-hapo na sabi ng baby ko.

BINABASA MO ANG
The Boss
RomanceWarning:Mature Content⚠️⚠️ Rated🔞🔞🔞 Dahlia Perez ang babaeng palaban sa lahat ng hamon ng buhay. Lahat gagawin para sa kanyang may sakit na nanay. Kahit ang magbenta ng katawan ay gagawin niya basta mapagaling lang ang kanyang ina. At nangyari yu...