"Who's your talking to?"matigas na tanong ni Travis.
Nanginginig ang kamay ni Dahlia na pinulot ang nahulog na cellphone.
Kahit nakatalikod ang dalaga ramdam niya ang nagbabagang tingin ni Travis sa kanyang likuran.
Marahas at malakas na bumuntong-hininga ang binata. Nagngangalit ang mga panga na naghihintay sa sagot ng dalaga. Mariin at malakas na nakakuyom ang mga kamao. Pinipigil ang sarili na wag masuntok ang mesa o glass wall ng opisina.
"Baby i'm asking you again. Who's that you're talking to on your phone?"mahinahon na tanong nito pero ramdam ang galit sa boses ng binata.
Dahan-dahan na tumayo si Dahlia at nakayuko na humarap sa binata. Sunod-sunod na lumunok habang nanginginig ang mga tuhod at kamay. Hindi magawang tumingin sa mukha ng binata.
"M-may ipagtatapat ako s-sayo."nauutal na sabi ni Dahlia. Palakas ng palakas ang kaba sa dibdib ng dalaga.
Biglang napatigil sa paghinga si Travis at napamura ng marinig ang sinabi ni Dahlia. Parang ayaw niya nang pakinggan ang sasabihin ng dalaga. Pakiramdam niya hindi maganda ang karugtong ng sasabihin nito pero kailangan niya pa rin itong pakinggan at alamin ang katotohanan para sa katahimikan ng isipan niya. Ramdam niya ang kaba at takot ng dalaga.
Umangat ng tingin si Dahlia at kita ang panginginig ng mga labi ng tumingin ito sa mga mata ni Travis.
"I'm sorry." tumutulo ang luha na sabi ng dalaga.
Kumuyom ng mariin ang mga kamao ni Travis at umigting ang mga panga. Dumilim ang kulay asul nitong mga mata. Nagtagis ang mga ngipin at any moment ay parang gustong magwala pero pinipigil ang masamang emosyong gustong kumawala. Kailangan niyang marinig ang paliwanag ni Dahlia.
Umiiling at tumutulo ang luha ng dalaga habang nakatingin sa kanya.
"Hindi ko gustong ilihim sayo 'to. Noong una tayong nagkita dito sa opisina hindi ko inasahan na ikaw ang magiging boss ko. Sa totoo lang hindi ko inasahan na magkukrus ulit ang landas natin pagkatapos ng gabing ipinagkaloob ko sayo ang katawan ko kapalit ng malaking halaga. Pero heto at nagkita ulit tayo. Ang totoo may lihim ako na hindi ko masabi-sabi sayo kahit pa gustong-gusto ko na sabihin sayo. Lagi kasi akong nauunahan ng takot at kaba na baka magalit ka sa akin kapag nalaman mo. Sana maintindihan mo ako kung ba't ko nagawa sayo 'to."umaagos ang luha na sabi ng dalaga.
Mariing tinikom ni Travis ang mga bibig at seryosong hinanda ang sarili sa kung anuman ang ipagtatapat ng dalaga kahit pa sa puso niya ay may kirot na nararamdaman at kaba.
"Noong four years ago na may nangyari sa atin.... n-nakabuo tayo."
Nakabuo tayo! ulit ng isip ni Travis saka napanganga at napatitig sa mukha ng dalaga.
"W-what do you mean?"kunot-noong tanong niya kay Dahlia. Ayaw magsink-in sa isip niya ang sinabi nito at naguguluhan siya.
"Nabuntis mo ako four years ago. At ang narinig mong tinawag kong baby kanina ay anak natin. I'm sorry kung hindi ko kaagad sinabi sayo at ipinaalam."lakas loob na sabi ni Dahlia saka mabilis namalisbis ang mga luha sa pisngi niya.
Napahawak sa mesa si Travis dahil sa pagkabigla sa nalaman. Ang buong akala niya ay may ibang lalaki ang dalaga pero hindi niya napaghandaan na mas malaking pasabog pala ang malalaman niya.
Seryoso siyang napatitig sa mukha ng dalaga na nakatitig din sa kanya. Bakas ang pakiusap at paghingi ng tawad sa mga mata nito. Naguguluhan pa ang isip niya at parang ayaw mag sink-in sa utak ang nalaman.
"Paanong nangyaring may anak ta---. I mean ilang beses na akong pumupunta sa apartment niyo ba't wala akong nakita----" hindi na ni Travis ipinagpatuloy ang sasabihin ng biglang may maalala. Nandidilim ang mga mata na tinitigan si Dahlia.

BINABASA MO ANG
The Boss
RomanceWarning:Mature Content⚠️⚠️ Rated🔞🔞🔞 Dahlia Perez ang babaeng palaban sa lahat ng hamon ng buhay. Lahat gagawin para sa kanyang may sakit na nanay. Kahit ang magbenta ng katawan ay gagawin niya basta mapagaling lang ang kanyang ina. At nangyari yu...