Chapter 31

24.5K 295 5
                                    

Nagmamadaling tumayo sa kama at tumakbo papunta sa banyo si Dahlia nang pagmulat ng kanyang mga mata nakita niyang alas nuebe na ng umaga.

Kaagad na nagsepilyo at naghilamos. Di na siya naligo mamaya na lang pagdating galing sa trabaho. Deretso siyang nagsuot ng kanyang damit pang opisina saka nagmamadaling kinuha ang sapatos.

'Shit! Shit! Super late na talaga ako. O my god! Tanghali na. Bakit hindi man lang ako nagising sa alarm ko?' naiinis niyang usal sa sarili.

Bitbit ang isang pares ng sapatos. Nakaipit ang shoulder bag sa kili-kili. May nakasabit na suklay sa magulong buhok at bukas ang ilang butones ng kanyang blouse. Nagmamadali siyang lumabas sa kanyang kwarto.

Pagkalabas niya ng kwarto malakas niyang tinawag ang kanyang kaibigan. Nawala sa isip niya na nasa apartment ngayon si Travis at dito natulog kaya hindi siya nag-abalang tumingin sa kanyang paligid basta nagmamadali niyang isinuot ang kapares ng sapatos habang nakayuko. Hindi niya alintana na sa kanyang pagyuko ay makikita ang kanyang dibdib dahil nakabukas ang mga butones sa taas ng kanyang blouse.

"Be---"naputol ang pagtawag niya sana sa kanyang kaibigan ng matapos niyang maisuot ang pares ng kanyang sapatos ay tumayo siya at napatingin sa kanyang harapan. Nanigas siya ng makitang nakatulalang nakatingin sa kanya si Travis habang ang kaibigan namang si Mariyah ay nakatigalgal dahil sa hitsura niya ngayon. Bigla parang sinindihan ng apoy ang kanyang mukha sa sobrang pagkapahiya lalo na ng masulyapan niya si Travis na sunod-sunod ang pagtaas-baba ng adams apple habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Napangiwi siya at parang gusto niyang kumaripas ng takbo palayo sa mga matang nakakalunod ang tingin at mariin na nakatitig sa kanya.

"Good moyning mommy!"biglang sigaw ni Aciano. Nawala bigla ang pagkagulat niya at mabilis na tumalikod sa mga nasa harap at nagmamadali na binutones ang blusa.

Parang gusto niya na lang pumasok pabalik sa kwarto sa sobrang hiya. Siguradong kahindik-hindik ang hitsura niya paglabas niya sa kwarto. Bakit ba kasi nawala sa isip niya na dito pala natulog kagabi si Travis?

"Mommy hindi ko ikaw nigising. Sabi po ng daddy ko bawal po kasi tied(tired) daw po ikaw."sabi ni Aciano ng lumapit ito sa kanya.

Mariin muna siyang pumikit bago hinarap ang anak na nasa kanyang likuran.

"Good morning baby ko."bati niya kay Aciano saka ito hinalikan sa mukha pagkatapos mabilis niyang sinuklay at inayos ang magulo niyang buhok.

Narinig niyang tumikhim si Travis. Tiningnan niya ang binata sa gilid ng kanyang mata dahil nahihiya siyang magkasalubong ang paningin nila. Ramdam niya pa rin ang sobrang hiya dahil nakita ng binata ang tarantang side niya. Narinig niyang nagpaalam ito kay Mariyah na magbabanyo daw muna.

Pagpasok ni Travis sa banyo lumapit siya sa kaibigan. Halatang tawang-tawa na ang bestfriend niya sa kanya at pinipigil lang nito dahil nasa banyo lang si Travis. Pero ang pasaway hindi napigil ang mapahagikhik sa kanya kaya sinimangutan niya ito na lalong nagpatawa sa kaibigan.

"Grabe bes ang aga mo naman nagpa showing ng mga cocomelon mo sa daddy ng anak mo ayun tuloy napabanyo ng wala sa oras."bulong ng pasaway na kaibigan saka humagikhik.

Mahina niyang kinurot sa tagiliran si Mariyah dahil ang pasaway ayaw umawat sa katatawa.

"Bakit hindi ka man lang nagsalita na na nandito pa pala si Travis. Nakalimutan kong dito pala siya kagabi natulog. Alam mo naman na natataranta ako palagi pag late na ako sa pagpasok sa trabaho."nakasimangot kong sisi sa kaibigan ko.

"Aba'y bes paano kita masasabihan sa ganung hitsura mo. Hindi ko nga alam kong matatawa ba ako o mahihiya dahil kahit ako na shock pagkakita sayo. Naumid bigla ang dila ko at di makapagsalita. Alam mo bang mukha kang bold star na bruha kanina."saka biglang humalakhak ang baliw at may pahampas pa sa sofa habang tumatawa ng malakas.

The BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon