Magkasama kaming pumasok sa kompanya ni Travis and as usual all eyes agad ang sumalubong pagpasok namin sa building. Hindi ko alam kung nasobrahan sa sarap nang pagtatalik namin kanina si Travis o sadyang gusto na talaga ng nobyo na malaman ng lahat ng nagtatrabaho dito sa kompanya nito na may namamagitan sa amin. Dati pormal lang kami kung maglakad kapag magkasabay sa pagpasok. Ngayon, daig ko pa ang babasaging gamit kung alalayan ako kaya ang mga mata ng mga empleyado ay parang anino na nakasunod sa aming dalawa.
Binalewala ko na lang ang mga matang nakasunod sa amin ni Travis. Alam kong dati pa man ay pinag-uusapan na kami ng mga empleyado dito. Nalaman kasi nina Mylene at Carol na sabay at magkasama kami ni Travis na kumakain ng tanghalian sa office ng binata araw-araw. At isang beses noong nasa meeting kami with his employees bigla niya akong tinawag na baby ng tanungin niya ako ng papers na kailangan niya sa meeting na yun. Buong meeting tuloy nag-iinit ang mukha ko dahil sa maya't mayang pagsulyap ng mga kasama namin na present sa meeting na yun.
Pagdating namin sa opisina dumeretso kaagad ako sa cubicle office ko samantalang si Travis ngumuso sa akin at parang ayaw pang pumasok sa office nito. Napaka clingy talagang nobyo gusto pa nitong halikan siya bago ito papasok sa office nito na tinanggihan niya agad dahil di siya sanay ng maraming mata ang nakamasid sa bawat galaw nila.
Nakasimangot tuloy ang nobyo na pumasok sa office nito. Nakikita niya kay Travis ang hitsura ni Aciano kapag sumisimangot ito sa kanya sa tuwing may gustong gawin na hindi niya pinagbibigyan. Mag-ama nga talaga pati ekspresyon ng mukha pag galit o disappointed kuhang-kuha ng anak sa ama. Napapailing na lamang siya na binuksan ang computer niya.
Busy siya sa pag-aayos ng mga papers na kailangan ng perma ni Travis. Sobsob siya sa trabaho ng bigla niyang marinig ang boses ng anak na tumatawag sa kanya. Napaangat siya ng tingin at nanlaki ang mga mata ng makita ang tumatakbong si Aciano papunta sa kanya at nakasunod dito ang lola Mavisse nito.
"Mommy....!"sigaw ni Aciano. Napatayo siya sa upuan at sinalubong ang tabachingching niyang baby. Kaagad na niyakap niya ito at hinalikan sa magkabilang pisngi.
Saglit niyang inilayo si Aciano at tiningnan ang kabuuan ng bata. Ang cute ng baby niya sa outfit nitong kulay gray na tuxedo. He looks like a baby boss. Nakatie din ito ng medyo dark gray sa suot at naka office shoes. Inayos niya ang black sunglass na suot nito nawala na kasi sa ayos dahil sa pagtakbo nito at saka pinunasan ang pawis sa noo.
Nilapitan niya ang ginang at nagbeso dito. Nasulyapan niyang nakatingin sa kanila ang mga kaopisina niya at sina Mylene at Carol na napanganga. Mukhang nagulat ang mga ito sa nakikita ngayon. Siguradong kakalat na naman sa buong kompanya ang nakikita at naririnig ngayon ng mga kaopisina niya. Ang alam ng mga kaopisina niya ay dalaga siya at may namamagitan lang sa kanila ni Travis. Walang may nakakaalam na siya ang ina ng anak ni Travis. Kaya di niya masisi kung bakit ang ibang kaopisina niya ngayon ay natigalgal ng makita at marinig si Aciano na tinatawag siyang mommy.
"Napaaga po yata ang punta niyo tita?"
"Well, dapat nga hindi ka na pumasok sa trabaho ngayon. Kaso syempre dahil kailangan natin magkunwari para di makahalata ang anak ko sa surprise natin sa kanya mamaya kaya okay lang. But now kailangan na natin magpaalam sa anak ko at pupunta tayong salon. Gusto ko ikaw ang pinakamaganda mamaya sa party ng anak ko para lalong mabaliw sayo ang baliw na baliw na sayong anak ko."natatawa na sabi ng ginang. Namumula tuloy ang pisngi niya. Super close na sila ngayon ng ina ni Travis simula ng makilala nito si Aciano. Ang akala niya noon na istriktang ginang ay napakabait at napaka maalalahanin pala.
Biglang bumukas ang office ni Travis at mabilis na tumakbo si Aciano sa daddy nito. Kaagad na kinarga ni Travis ang anak pagkalapit at agad naman niyakap ni Aciano ang mga braso sa leeg ng daddy nito at humalik sa pisngi ni Travis na ikinangiti ng huli.

BINABASA MO ANG
The Boss
RomansaWarning:Mature Content⚠️⚠️ Rated🔞🔞🔞 Dahlia Perez ang babaeng palaban sa lahat ng hamon ng buhay. Lahat gagawin para sa kanyang may sakit na nanay. Kahit ang magbenta ng katawan ay gagawin niya basta mapagaling lang ang kanyang ina. At nangyari yu...