Maaga akong nakarating sa opisina dahil wala masyadong traffic. Inilapag ko muna ang shoulder bag ko sa table ko saka kinuha doon ang suklay at lipstick. Masyadong siksikan ang nasakyan kung jeep kanina tapos ang bilis pa ng takbo kaya nagulo ang buhok ko. Humarap ako sa salamin na nasa tabi lang ng computer ko habang sinusuklay ko ang aking buhok. Nang sa tingin ko ay maayos na ang buhok ko nag retouch naman ako ng lipstick ko sa labi.
Binuksan ko ang computer ko saka nagpunta sa office pantry. Maaga pa naman at di pa oras ng trabaho ko kaya pwede pa akong mag relax saglit at magkape dahil di na ako nakapag kape kanina sa bahay. Kumuha lang ako ng pandesal kanina at yun ang kinain habang naglalakad papunta sa sakayan.
Naabutan ko si Ramer na nasa harap ng coffee maker mukhang magkakape din ito.
"Hi good morning!"nakangiti kong bati ng lumingon siya sa akin.
Nginitian niya rin ako. "Good morning din. Coffee?"alok nito.
Tumango akong nakangiti sa kanya saka kumuha ng cup at nilagay sa coffee maker.
"Ang aga mo ngayon ah."sabi nito habang naghihintay ako sa cup ng coffee ko na mapuno.
"Wala kasi masyadong traffic at saka maaga kasi akong umalis sa bahay."
Tumango ito. "Oo nga e. Napansin ko nga wala masyadong traffic kanina. Siguro dahil maaga tayong pumasok. Ganyan kasi kapag maaga pumapasok iwas sa traffic lagi. Pero pagdating ng seven thirty nag-uumpisa na ang traffic." at natawa kami pareho.
"Tama ka nga. Naobserbahan ko rin yan kapag six-thirty ako pumapasok walang traffic pero kapag seven thirty ang bagal na ng sasakyan. Mabuti na lang sa tuwing papasok ako dito laging sakto sa oras. Yun lang parang lagi akong naghahabol dahil baka ma late ako dito kaya kung minsan nakikita mo ako parang bruha pag pumasok dito dahil tumatakbo ako."natatawa kong sabi kaya natawa din siya.
"Pareho pala tayo. Palagi din nangyayari sa akin yan sa tuwing malalate na ako lakad takbo din ang ginagawa ko."natatawa niyang kwento. "Pero okay lang na magulo ang buhok mo di naman halata na nagulo parang style lang naman dahil maganda ka pa rin kahit anong hitsura ng buhok mo."nakangiting sabi ni Ramer habang nakatitig sa mukha ko.
Ngumiti lang ako at nakaramdam ng pagkailang. "Ahm.. sige balik na ako sa table ko baka dumating na ang boss natin mapagalitan pa ako at baka akalain niya late ako dahil wala ako sa table ko."
Tumango siya sa akin habang nakangiti at nakatitig pa rin sa mukha ko. Kaagad akong tumalikod bitbit ang tasa ng kape ko papunta sa aking table. Ramdam ko kahit nakatalikod na ako ay nakasunod pa rin ang tingin ni Ramer sa akin. Kaya binilisan ko ang paglalakad papunta sa table ko. Bakit ba kasi puro salamin ang dingding dito.
"Miss Dahlia sabi nga pala ni boss kung tapos ka na daw makipag-usap kay Ramer punta ka daw sa office niya."sabi ng isang office mate ko ng dumaan ako sa table niya.
Napatingin ako sa relo ko. Shit! Ang aga niya naman ngayong pumasok. Alas otso pa lang nandito na siya?
Tinanguan ko lang ang kaopisina ko at nagpasalamat sa kanya saka dumeretso sa table ko. Kaagad kong nilapag ang tasa ng kape saka huminga ng malalim. Pagkatapos ay humigop muna ng kape bago kumatok at pumasok sa opisina ng boss ko.
Napalunok ako pagkapasok sa opisina niya.
"Good morning boss."bati ko pagkapasok.
Nakakunot ang noo niya na nakatingin sa akin. Di ko na pinansin ang hindi niya pagbati pabalik sa akin sanay na ako. Actually sa lahat ng mga nagtatrabaho dito wala naman siyang binabati pabalik sa tuwing binabati siya ng mga empleyado niya kapag pumapasok siya everyday.
BINABASA MO ANG
The Boss
RomanceWarning:Mature Content⚠️⚠️ Rated🔞🔞🔞 Dahlia Perez ang babaeng palaban sa lahat ng hamon ng buhay. Lahat gagawin para sa kanyang may sakit na nanay. Kahit ang magbenta ng katawan ay gagawin niya basta mapagaling lang ang kanyang ina. At nangyari yu...