"Is he our grandson hija?"seryosong tanong ng ginang.
Marahan akong napapikit at tumango. Malakas na napasinghap ang ginang habang ang asawa nito ay masayang ngumiti. Hindi mo mababakas ang sumbat sa mukha ng lalaki habang wala naman reaksyon ang mukha ng ginang maliban sa nagulat ito kahit pa may pakiramdam na ito kanina na apo nito ang bata.
"Mommy let's go. Iwant to eat Jobee."biglang basag ng anak ko sa katahimikan naming tatlo. Hinihila niya ang kamay ko. Napangiti na bumaba ang tingin ng mag-asawa dito.
"Hey little guy you hungry already?"tanong ni mister Smith kay Aciano.Mabilis na tumango ang anak ko at nginitian ito ng lalaki.
Tumingin si mister Smith sa akin at nakangiting nagpakilala.
"By the way, I'm Geoffrey Smith hija husband of this beautiful woman beside me and Travis' father."saka nilahad nito ang kamay sa akin. Nahihiya kong tinanggap ang pakikipagkamay nito.
"I'm Dahlia Perez po sir."
Mabait na tumango si mister Smith sa akin. Magsasalita sana ito pero naunahan siya ng anak ko.
"Mommy hungey na ako."nakasimangot na reklamo ni Aciano na ikinatawa ng mag-asawa.
"Oh this little guy is really very hungry now. Pakainin muna natin and can we talk hija if it's okay with you?"mabait na tanong ni maam Mavisse.
"Okay lang naman po sa akin."magalang na sagot ko.
"Mommy buhat."biglang sambit ni Aciano ng maglalakad na sana kami. Nakataas ang dalawang kamay nito at gustong magpabuhat. Palihim akong napangiwi at inayos ang bag na dala ko para mabuhat siya.
"Ako na lang ang bubuhat sa kanya hija okay lang ba?"biglang sabat ni mister Smith. Nagulat ako dahil marunong itong magtagalog pero slang magsalita.
"Ah...sure po ba kayo? He's very heavy po kasi."nag-aalangan kong sabi at nahihiya.
"Don't worry hija my husband is very athletic. Wala lang yan sa kanya ang bigat ng apo namin."nakangiti na sabi ni ma'am Mavisse.
"Sige po kayo po ang bahala."
"Baby si lolo Geoffrey daw ang mag carry sayo okay?"
Palipat-lipat na tumingin si Aciano kay mister Smith at sa akin.
Tumawa ang mag-asawa dahil parang naging curious bigla si Aciano sa dalawa.
"Is it okay if we introduce ourselves to our grandson hija?"pakiusap ng ginang.
Tumango ako at hinayaan ang mag-asawa. Nakahawak sa kamay ko si Aciano pero ang tingin ay nasa dalawang mag-asawa na nasa harapan nito.
"Hey little guy i am your grandpa Geoff and this woman beside me is your grandma Mavisse. Can you give a hug to grandpa Geoff?"saka ibinuka ni mister Smith ang mga braso.
Tiningnan lang ni Aciano ang lolo niya.
"Give grandpa a hug daw baby." Agad na lumapit si Aciano sa lolo nito.
Mabilis na kinulong ni mister Smith ang anak ko sa kanyang mga braso saka hinalikan ito sa noo at ulo. Pagtingin ko kay ma'am Mavisse may malapad itong ngiti sa mga labi habang pinapanood ang mag-lolo at kumikislap ang mga mata nito na parang may luhang gustong kumawala.
"How about me? Can you also hug lola sweetheart?"naiiyak na sabi ng ginang.
Pinakawalan ni mister Smith si Aciano sa mga bisig nito at mabilis naman na pumunta ang anak ko sa lola Mavisse niya at yumakap. Di ko napigilan ang pagtulo ng luha ko. Ramdam ko ang pangungulila ng mag-asawa sa anak ko kahit pa ngayon lang nila ito nakita at nakilala. Kahit ngayon lang nila na meet ang anak ko ramdam ko kaagad ang pagmamahal na meron sila sa baby ko. Napatingin ako sa paligid namin may ilang mga tao na napapatingin sa banda namin.
BINABASA MO ANG
The Boss
RomanceWarning:Mature Content⚠️⚠️ Rated🔞🔞🔞 Dahlia Perez ang babaeng palaban sa lahat ng hamon ng buhay. Lahat gagawin para sa kanyang may sakit na nanay. Kahit ang magbenta ng katawan ay gagawin niya basta mapagaling lang ang kanyang ina. At nangyari yu...