Chapter 37

30K 302 6
                                    

"Alam mo na ba ang balita na may anak na si Sir Travis?"narinig ni Dahlia na tanong ng isang babae sa kasama nito habang nasa loob sila ng elevator.

"Yes girl nakita ko nga. Nagkalat ang pictures nila ng anak niya. Grabe ang hot ni Sir tingnan habang karga-karga niya ang napakapogi at super cute na baby niya. Actually, ine-screenshot ko nga e kasi ang hot dito ni Sir. Tingnan mo oh!"saka ipinakita sa kausap nito ang cellphone.

"Oo nga e nakakainggit yung mommy ng baby ha. Ang swerte naman ng girl na yun sa dinadami ng nangangarap kay Sir siya ang napiling anakan." kinikilig na bulungan ng dalawa.

"Kaya nga e napakaswerteng babae. How i wish it was me na lang ang inanakan ni sir."humahagikhik na sabi ng isa di napigilang umirap ni Dahlia habang nakikinig lang sa dalawa.

"Hanggang wish lang tayo gerl wala nang pag-asa."natatawa na sabi naman ng isa.

Maya-maya pa ay bumukas ang elevator at lumabas na ang dalawang babae. Naiwan siyang mag-isa sa elevator. Pagdating niya sa office floor niya ay lumabas kaagad siya sa elevator at deretsong pumunta sa kanyang cubicle office.

"Dahlia! Alam mo ba na may anak na pala si sir?"hinarang siya ni Mylene habang naglalakad siya papunta sa cubicle office niya.

Nagkibit-balikat lang siya dito at ipinakita na hindi siya interesado na makipag chismisan. May kailangan pa siyang ayusin na papers para mamaya sa meeting ni Travis dahil may bagong projects na gagawin ang kompanya. Mabilis na nag-excuse siya kay Mylene at dumeretso sa kanyang mesa.

Halos buong araw tungkol kay Travis at Aciano ang pinag-uusapan ng mga tao sa buong kompanya. Di makapaniwala na may anak na ang boss nila at kinikilalang isa sa hottest bachelor ng bansa. Marami ang nadismaya at nasaktan na kababaihan, may iilan namang natutuwa para sa binata. May kumuha kasi ng litrato sa mag-ama habang namamasyal sila sa isang park na malapit sa condo na tinitirhan nila. At kumalat ang pictures ng dalawa. Ngayon marami ang naiintriga sa kung sino ang ina ng bata. Medyo kinakabahan siya dahil sigurado kapag nalaman ng mga tao na siya ang ina ni Aciano alam niyang marami ang hindi matutuwa. Pero hangga't maaari ayaw niyang magpa apekto sa bashing ng mga tao dahil ang importante ay tanggap na siya ng pamilya ni Travis at masaya sila.

Kilala si Travis sa bansa na isa sa batang negosyante na pinakamayaman. At sikat ito sa kababaihan hindi lang dahil ito'y sobrang mayaman kundi sa angkin din nitong kapogian at super hot na pangangatawan. Maraming nahuhumaling at naghahabol na kababaihan dito at karamihan ay katulad din ng binata na may mataas na antas ng pamumuhay sa lipunan.

Simula ng dinala sila ni Travis sa condo nito hindi na siya tinantanan nito na doon na tumira hanggang sa pumayag siya. Sabay sila ni Travis kapag papasok sila sa opisina tuwing umaga. At maraming beses na nale-late siya sa trabaho dahil sanay ang kasintahan na late na kung pumasok. Kaya sa tuwing tinatanghali sila nang gising katulad ngayon nauuna siyang pumapasok at nagtataxi na lang. Gusto niya kasi na maging propesyunal pagdating sa trabaho to be fair sa mga kapwa niya empleyado na sumasahod din.

Tuwing umaga hinahatid nila ni Travis si Aciano sa mansion ng lola at lolo nito bago sila pumasok sa kompanya. Ayaw kasi kumuha ni Travis ng yaya ng bata dahil sagabal daw ito pag mayroong ibang tao sa condo nila maliban sa kanilang tatlo. Napakahilig kasing lumandi ng nobyo. Basta may makukuha itong libreng oras na hindi nakatingin sa kanila ang anak ay talaga namang susunggaban siya kaagad. Pinipilit ng mga magulang nito na doon na sila tumira sa mansion para hindi na nila kailangan ihatid-sundo si Aciano doon ngunit hindi pumayag ang kasintahan at alam niya kung bakit. Kapag kasi doon sila tumira mahihirapan itong lumandi sa kanya sa tuwing sinusumpong ito ng kalandian nito dahil maraming katulong sa mansion at nakakalat ang mga ito doon. Hindi katulad sa condo na tatlo lang sila. Kapag gusto siya nitong landiin hihilain lang siya nito o kaya ay bubuhatin papunta sa kusina, banyo o kung saan man na makakapagtago sila saglit kay Aciano at doon siya pahihiyawin at pauungolin.

The BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon