Chapter 4

28.1K 383 10
                                    

Kaagad na huminga siya ng malalim pagkalabas nila sa opisina. Natawa si Mae Ann sa kanya.

"Kinabahan ka no?"tanong nito.

Tipid lang na ngiti ang sinagot niya dito.

"Ganyan na ganyan din ako noong una. Halos maihi pa nga ako noong unang nakaharap ko si Mister Smith. Kahit hanggang ngayon kinakabahan pa rin ako sa tuwing kaharap ko siya. Sino ba naman kasi ang hindi kakabahan? Napakaseryoso niya at parang hindi marunong ngumiti. Parang nakakatakot magpatawa kapag siya ang kaharap mo dahil magmumukha ka lang tanga sa harap niya."

Napangiwi ako sa sinabi niya.

"Siya po ba ang big boss nitong kompanya?"

Natawa ito sa tanong ko at tiningnan ako na para bang nababaliw na ako.

"Seryoso ka na hindi mo talaga kilala ang may-ari nitong kompanyang pinasukan mo? I thought sa interview nagkunwari ka lang na hindi mo kilala ang boss dito? Akalain mo nga naman oh mayroon pa palang hindi nakakakilala kay Mr Smith?"hindi makapaniwalang sabi nito.

Sobrang sikat kasi ng lalaki sa mga kababaihan at lalo na sa business world.

Napakagat labi ako sa sinabi niya.

Kung alam mo lang miss Mae Ann hindi ko lang nalaman ang pangalan niya pero sobra pa sa pagpapakilala ang nangyari sa amin.

"Ang totoo alam kong si Mister Travis Smith ang may-ari nitong kompanya. Pero pangalan niya lang ang kilala ko at hindi ang hitsura niya. At akala ko matanda na si mister Smith. Karamihan kasi sa mga may-ari ng kompanya may mga edad na."napangiwi kong sabi.

Natawa si miss Mae Ann.

"Alam mo ba na lahat ng nakasabay mong mga babae sa interview ay kilalang-kilala si Mister Smith? Ang iba nga dun may mga kaya pa sa buhay. Pero nagpakahirap sila na pumila dito dahil pangarap daw nila ang makapasok dito at makita araw-araw si mister Smith. At alam mo sinasabi nila pangarap daw ng maraming babae ang maka one night stand si boss."napaubo ako sa huling sinabi niya.

"Kahit nga mga bakla nagkaka-crush din kay boss. Kaya alam ko na hindi talaga trabaho ang inapply ng mga yun dito kundi ang makipag flirt kay boss. Kaya di ko sila hinire. At mabuti na lang talaga at nag-apply ka dito dahil kung hindi baka hanggang ngayon naghahanap pa rin ako ng kapalit ko. Ayoko kasi kumuha ng kapalit ko na matatanggal lang din kaagad dito. Baka malintikan lang ako. Kahit na paalis na ako dito syempre gusto ko pa rin magkaroon ng satisfied rate mula kay boss."

"Mabilis po ba siyang magtanggal ng employee?"

"Naku! Oo. Kapag hindi niya magustuhan ang trabaho ng isang tao o kaya tatanga-tanga sa trabaho. Syempre kasi bawat pagkakamali dito katumbas ay malaking pera lalo na kapag nasa electrical ka naka assign. Pero hindi ka naman doon nag-apply kaya safe ka. Kaya nga kung makikita mo halos mga nerd ang mga nagtatrabaho dito."pabulong na sabi nito.

"At ito pa pala wag na wag kang magpapakita ng motibo kay boss. Kapag makaramdam ka ng paghanga sa kanya alisin mo kaagad ang pakiramdam na yan. Sa lahat kasi ng pinakaayaw ni boss pagdating sa trabaho ay ang nakikipagflirt sa kanya. Marami ang natanggal dito dahil diyan. Nagugulat na lang kami paglabas nila sa office ni boss umiiyak na at pagkatapos nagliligpit ng mga gamit. Kaya mag-ingat ka sa mga kilos mo kapag siya ang kaharap mo."

"Nakakatakot pala siya."wala sa sarili na sambit ko.

"Sinabi mo pa. Kaya nga tips ko sayo pag-igihan mo ang trabaho mo dito. Lagi mo pakinggan ang mga sinasabi niya para di ka magkamali. At ang huli wag na wag kang magpapakita ng motibo sa kanya dahil baka bigla ka niyang sesantehin. Bagohan ka pa naman sa trabaho at isa pa kilala ang kompanyang ito. Kapag sinesante ka dito sigurado mahihirapan ka nang makahanap ng mapapasukan."

The BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon