Chapter 10

28.8K 308 6
                                    

Mature Content! SPG!

Katulad ng araw-araw kung ginagawa tuwing tanghali. Umorder ako ng lunch sa restaurant na pang dalawahan. Mabuti na lang talaga nang sinabi ko kay Ramer at Lorly na hindi na ako makakasama tuwing lunch sa kanila ay naintindihan nila ako. Mabuti na lang at naniwala sila sa sinabi ko na nagbabaon na ako nang lunch ko dahil kailangan kong magtipid. Araw-araw kasi bumibili kami ng lunch namin sa canteen ng office. Mabuti na lang at naniwala sila sa pagsisinungaling ko.

Maliban sa shoulder bag ko araw-araw din ako nagdadala ng eco bag na kunwari ay may lamang baonan ko. Mahirap na baka magkasalubong kami ni Ramer at Lorly sa pagpasok dito sa umaga at makita nilang wala naman akong baon na dala. Maliit lang itong shoulder bag ko at hindi magkakasya ang baonan dito.

Nag-aayos ako ng mga papel sa table ko ng lapitan ako ni Ramer.

"Hi!nagbaon ka ba ngayon?"nakangiti niyang tanong sa akin.

Nginitian ko siya at saka tinanguan sabay kunwari tingin sa eco bag ko. Napatingin din siya doon at nakangiting tumango.

"Ah okay. Nagbabakasakali lang ako baka di ka nakapag baon ngayon. Na miss ka na kasi namin kakwentuhan tuwing lunch."nakangiting sabi niya.

Parang gusto kong ngumiwi dahil sa pagsisinungaling ko. Mabait naman kasi silang kasama at masayang kakwentuhan. Gustong-gusto ko na din na sumama sa kanila tuwing lunch dahil nakaka relax ako kapag sila ang kasama ko kaso may kontrabido. Mahirap na baka pag sinuway ko ang utos ng supladong boss ko mapaparusahan ako. Kahit di niya sinabi kung ano ang magiging parusa niya sa akin pakiramdam ko hindi maganda ang ipaparusa niya.

Napabuntong hininga ako saka ngumiti kay Ramer.

"Pasensya na kailangan ko kasi talaga mag tipid. At saka mas gusto ko rin itong nagbabaon ako kasi pagkatapos kong kumain dito sa table ko nagagawa ko kaagad ang dapat kung tapusin. Kaya tuwing oras ng uwian ay tapos ko lahat ng trabaho ko at hindi ko na kailangan pang ipagpabukas o mag overtime."pagsisinungaling ko.

"So it means hindi ka na nakakapagpahinga niyan dahil after you eat your lunch you go back to your work? Sayang naman ang thirty minutes lunch break mo para makapag relax saglit sa trabaho."

"Okay lang naman sa akin yung ginagawa ko. Mas gusto ko na dere-deretso ang trabaho ko para hindi ako natatambakan ng trabaho."saka pilit na ngumiti.

Ano ba yan parang wala pang balak na umalis baka mamaya makita kami ng boss namin baka kung ano na naman ang gawin sa akin. Sana nakatulog siya ngayon sa table niya o kaya nakasara ang tinted glass wall niya. piping dasal ko.

Nagkunwari akong busy sa harap ng computer para isipin niyang busy ako. Naalala ko na naman kasi ang sinabi ni Travis na ayaw nitong makita ako na nakikipag-usap kay Ramer. Mahirap na baka totohanin niya ang sinabi niyang paparusahan niya ako. Hindi ako handa sa kung anong magiging parusa niya. Wag niya sana ako sesantihin agad sa trabaho. Siya pa naman ang tipong mabilis magtanggal ng employee.

"Sige enjoy your lunch na lang aalis na ako mukhang busy ka pa sa trabaho mo."

Tinanguan ko lang siya saka inangat ko ang tingin sa kanya at ngumiti.

"Kayo din enjoy your lunch."

Tama lang pagkaalis ni Ramer saka naman dumating ang inorder ko. Agad ko itong dinala sa office ni Travis. Kumatok muna ako bago ko binuksan ang pintuan office niya. Mukhang hinihintay niya ako dahil pagpasok ko ay nakasandal siya sa swivel chair niya at deretso at seryoso ang gwapong mukha na  nakatingin sa akin.

Shit! Mukhang hindi maganda ang mood niya at nakakunot ang noo nito habang umiigting ang mga panga.

Wew! Ang hot niyang tingnan kahit pa nakakapanghina ng buto sa tuhod ang titig niya. Grabe ang gwapo niya talaga. Parang gusto ko nang matunaw sa mga titig niya. Kahit nakatalikod na ako sa kanya dahil nilapag ko sa table na kinakainan namin ang pagkaing inorder ko ay ramdam ko pa rin ang malalagkit niyang titig sa akin.

The BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon