Chapter 23

23.3K 287 5
                                    

Nasa isang sikat at pang mayamang mall ngayon sina Travis. Kanina pa niya gustong tawagan ang girlfriend niyang si Dahlia.

Shit! Maisip niya lang na girlfriend niya na ang dalaga ay iba na kaagad ang nararamdaman niya. Feeling niya para siyang baliw na napapangiti dahil sa effort na ginawa ng dalaga sa pagsagot sa kanya. Ayaw niya man aminin dahil pakiramdam niya nababakla siya pero talagang kinilig siya kanina. Pero dahil sa brat na adopted sister ng kaibigan niya wala pa man isang araw ang relasyon nila ni Dahlia mukhang magkakaproblema na agad sila ng dalaga.

Kailangan niyang tawagan ang kasintahan dahil baka kung ano na ang iniisip nito sa kanila ni Gayle.

Marahas siyang bumuntong-hininga. Napabaling ang ina niya sa kanya dahil nasa gilid niya lang ito at naglalakad sila papunta sa isang boutique ng sikat at mga mamahaling damit pambabae. Kinakausap ng ina niya ang brat nilang kasama.

"Why son? Is there a problem?"

Umiling siya sa ina.

"Nothing mom. Pwede bang dito na muna ako habang namimili kayo? May tatawagan lang ako."

"Sure. Take your time. Papasok muna kami ni Gayle sa boutique. Puntahan mo na lang kami sa loob pagkatapos."

Tumango siya sa ina at pumasok na ang dalawa sa boutique.

Kaagad siyang naghanap ng pwesto para makatawag sa kasintahan. Pagkakontak sa dalaga ay kaagad din nitong sinagot ang tawag niya.

"Hello?"

"Hello baby sorry if i disturb you. I know you're busy. I just want to hear your voice."

"Kaaalis niyo pa nga lang dito sa kompanya na miss mo ako kaagad?"nakahalukipkip na sabi ni Dahlia.

"Well, bilang boyfriend mo normal lang naman siguro na mamiss ko kaagad ang girlfriend ko."paos na sabi niya.

Napakagat labi si Dahlia at namula ang mga pisngi nito.

"Di ba kasama mo ngayon ang mommy mo at ang magandang babae? Okay lang ba sa kanila na tumatawag ka sa akin habang kasama mo sila?"

"Oo naman. By the way nasa mall pala kami ngayon at nasa loob ngayon ng boutique sina mom at Gayle. Baby i'm sorry at hindi ako nakapagpaalam sayo kanina. Bigla na lang kasi pumulupot sa braso ko si Gayle. Gusto pa sana kitang puntahan sa table mo at magpaalam sayo kaso mahigpit na pumulupot si Gayle sa braso ko kaya di ko na nagawang magpaalam sayo."

"Nakita ko nga."halos pabulong na sabi ni Dahlia.

"Are you angry at me baby because i let Gayle touch me and let her almost hug me?"kinakabahan na tanong niya sa dalaga.

"Ang totoo? Hindi ako nagalit pero nasaktan ako dahil hindi ko magawa ang hawakan ka at lambingin sa harap ng maraming tao. Natatakot kasi ako na husgahan ng maraming tao lalo na ng mga katrabaho ko. Sa totoo lang ng makita kong pumulupot sayo ang braso ni Gayle kanina gusto kong sabihin sa kanya na wag ka niyang dikitan dahil may girlfriend ka na. Kaso hanggang sa isipan ko lang masabi yun. At saka kasama niyo ang mommy mo at natatakot ako sa kanya. Natatakot akong matulad sa mga dating secretary mo na tinanggal ng mom mo."

Napabuntong-hininga si Travis sa sinabi ng kasintahan.

"I'm sorry baby if i make you feel that way. Ngayong alam kong nasasaktan ka pala kapag may humahawak sa akin na ibang babae next time i won't let any woman touch me as long  as it is you and my mom. And tungkol kay mom you shouldn't be scared of her . She's actually a sweet and caring woman. Mukha lang siyang nakakatakot dahil sa seryosong awra niya pag kaharap ang mga empleyado pero sa totoo malambing at mabait ang mommy ko."

The BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon