Chapter 5

32.6K 405 5
                                    

Five days ng nagtatrabaho si Dahlia sa kanyang kompanya. Five days na rin siyang nagpipigil at nagkukunwaring hindi ito naaalala.

Katulad nang una niya itong makaharap bilang secretary niya hindi pa rin nagbabago ang ikinikilos nito ngayon sa harapan niya. Parang natatakot itong magkamali pag kaharap siya. Tutok na tutok ito sa trabaho at kapag may sasabihin o iuutos siya dito ay kaagad na isinusulat nito sa notebook na laging dala nito. At kapag kinakausap niya ito hindi ito tumitingin sa kanya. Nakayuko lang ito at nakatingin sa notebook na hawak nito habang naghihintay sa utos o sasabihin niya.

Inaamin niya naiinis siya sa inaasal ng babae sa kanya. Sa dami ng babaeng naikama niya ito lang ang hindi naghabol sa kanya. Pag ibang babae ito sigurado kung anu-ano nang paglalandi ang ginawa sa kanya para lang maulit ang ginawa nila pero ang babaeng ito parang walang pakialam. Parang hindi siya nito naalala pero alam niyang katulad niya naalala din siya nito. Impossible na makalimutan siya nito dahil siya ang nakauna dito at magdamag silang nagkaulayaw sa condo niya. Pero bakit kung umasta ito sa harap niya parang hindi siya nito na-meet noon?

Umigting ang panga ni Travis sa mga naisip. Maya-maya ay napa smirk din ito at tinawagan si Dahlia sa telepono.

"Come in to my office now."maotoridad na sabi ni Travis. At agad na ibinaba ang telepono kahit hindi pa nakasagot ang secretary.

Agad na nakaramdam na naman ng kaba si Dahlia. Sa tuwing tumatawag sa telepono niya ang kanyang boss at pumapasok siya sa opisina nito ay lagi siyang kinakabahan. Natatakot siyang maalala siya nito.

Paano na lang kung maalala nito na siya ang babaeng binayaran nito ng isang milyon kapalit ng magdamag na pakikipag sex?

Bumuga ng malakas na hangin si Dahlia bago pumasok sa opisina ng boss.

Katulad sa araw-araw na ginagawa niya tuwing may iuutos ito sa kanya. Pagpasok niya agad niyang niready ang kanyang ballpen at notebook. Nakahanda na siyang mag take notes sa mga sasabihin ng kanyang boss. Ngunit ilang minuto na siyang naghihintay na magsalita ito pero hindi pa rin ito nagsasalita.

Naguguluhang napatingin siya dito. At bigla parang nanuyo ang kanyang lalamunan pagtingin niya sa kanyang boss. Napakaseryoso nito at nakakapanghina ng tuhod ang mga titig nito.

Ilang beses siyang napalunok bago nagsalita.

"U-hm m-may ehem! May k-kailangan po ba kayong sabihin sir?"nauutal niyang tanong. Hindi man lang ito kumurap o nag-alis ng tingin sa kanya. Seryoso pa rin ang mukha nitong nakatitig sa kanya.

Napa-smirk si Travis nang makitang parang naiilang na naman ang dalaga sa mga titig niya. Sumandal siya sa kanyang swivel chair nang hindi inaalis ang tingin sa dalaga.

"How about you? Do you have something to tell me?"balik-tanong niya sa dalaga.

Biglang nabitawan ni Dahlia ang dalang notebook pagkarinig sa tanong ni Travis. At kaagad din nitong pinulot at kinakabahang napapalunok. Di magawang tumingin ni Dahlia ng deretso sa boss niya dahil natatakot siya.

Tumaas ang dulo ng labi ni Travis ng makitang kinakabahan ang dalaga. Tumayo ito at pumunta sa likuran ni Dahlia. Dahan-dahan nitong inilapit ang bibig sa tainga ng dalaga at bumulong dito.

"You think i will not remember you? A girl who asked me one million pesos in exchange of a one night hardcore sex four years ago? A girl who doesn't want to give her name to me though she enjoyed the whole night steamy sex with me. And i thought she'll change her mind and will tell me her name but she does not. And a girl that i never thought will leave me after those hardcore sex she'd experience for the first time in her life."paos ang boses na bulong ni Travis.

The BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon