Pareho kaming tahimik na nakasakay sa kanyang mamahaling sasakyan. Di ko alam kung anong brand ng sasakyan ito basta nasisiguro ko na mamahalin ang kotse niya. At kahit anong pagtutol ang ginawa ko na huwag niya na akong ihatid sa tinitirhan ko ay balewala.
Shit! Di pa naman alam ng bestfriend ko na ang lalaking nakasiping ko four years ago at ang amo ko ngayon ay iisa. Wala na kasi kami halos oras na makapag-usap dahil pareho kaming busy sa trabaho. Pag-umuwi ako sa bahay oras naman ng trabaho niya kaya ang nangyayari ibibigay niya lang sa akin ang anak ko at kukulong at magtatrabaho na siya sa loob ng kwarto niya magdamag. Nagkikita lang kami pag paalis na ako papuntang trabaho at pag-uwi para iwan at kunin ko sa kanya si Aciano.
Sana e-drop niya lang ako at aalis kaagad siya. Piping dasal ko.
"Saan banda ang bahay mo?"tanong ni Travis ng nasa street na namin kami.
Itinuro ko ang isang may kalumaan na na apartment. Tumango lang siya at ideneretso ang sasakyan sa harap ng lumang gate.
"So this is where you stay?"sabi nito pagkapara sa harap ng lumang gate saka tiningnan ang bahay.
Tinanguan ko lang siya saka namomoroblema kung paano alisin ang seatbelt. First time kung sumakay sa ganitong kotse kaya hindi ko alam kung saan banda ang pindotan ng seatbelt para matanggal ito.
Napansin niyang nahihirapan ako sa pagtanggal ng seatbelt. May pinindot siya sa dashboard at bigla na lang naalis ang seatbelt ko. Kaloka pati kotse hi-tech din. Hindi agad-agad mabuksan hangga't hindi ang binata ang magbubukas. De-remote ito at nakakatakot kapag gusto ka niyang ikulong dito sa loob ng kotse niya walang may makakahalata hangga't walang may nakakakita na pumasok ka dito. Tinted ito at ang mga glass window ay hindi katulad sa ordinaryo na kung gusto mong basagin kaagad magkacrack at mababasag kahit siguro bombahin hindi ito agad mababasag.
Pagkatanggal ng seatbelt ko ay binuksan ko ang pinto pero nakalock kaya napatingin ako sa kanya. Tinaasan niya ako ng kilay sabay smirk.
"Lalabas na ako. Pwede pakibuksan ang lock ng pinto?"
Agad niyang pinindot ang unlock at mabilis kong binuksan ang pinto.
"Are you not going to invite me inside your house and have a drink of coffee first before i go?"sabi niya pagkababa ko sa kotse.
Napalunok ako at kinabahan bigla.
"Sorry pero wala kaming kape na katulad ng iniinom mo. At saka bawal akong magpapasok ng ibang tao sa bahay baka magalit yung kasama ko."agad na pagdadahilan ko.
Biglang kumunot ang noo niya at seryoso akong tinitigan. Ayan na naman ang nakakapanghina ng tuhod na titig niya. Tangina feeling ko parang hinihigop ako ng mga mata niya. Agad kong iniwas ang tingin sa mga mata niya. Saka nagkunwaring di naaapektuhan ng titig niya.
"Ilan ba kayo ang nakatira dyan sa bahay?" tanong niya.
"Tatlo."
"Oh! You're living with your parents?"
"Nnn-no."sagot ko na nagpakunot sa noo niya.
"So kung hindi ang mga magulang mo ang kasama mo dyan sino?"
"Bestfriend ko at isang.... batang lalaki."mahinang sabi ko sa huli saka napalunok.
"Can i meet them."seryosong sabi nito.
Biglang parang nawalan ng hangin ang dibdib ni Dahlia sa sinabi ng boss niya. Natakot siya sa maaaring mangyari. Hindi pwede na pumasok ito sa tinitirhan nila. Come on Dahlia mag-isip ka ng paraan.
Mabilis siyang sumagot. "Hindi pwede pag ganito kasing oras may trabaho na ang kaibigan ko at saka baka tulog na ang anak niya." I'm sorry anak.
Napatitig sa mukha niya ang binata. Parang binabasa nito sa mukha niya kung nagsasabi siya ng totoo. Pagkatapos ay tumango ito saka nagpaalam sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Boss
RomanceWarning:Mature Content⚠️⚠️ Rated🔞🔞🔞 Dahlia Perez ang babaeng palaban sa lahat ng hamon ng buhay. Lahat gagawin para sa kanyang may sakit na nanay. Kahit ang magbenta ng katawan ay gagawin niya basta mapagaling lang ang kanyang ina. At nangyari yu...