Pumunta ako sa pantry para kumuha ng maiinom na tubig. Bigla kasi parang natuyo ang lalamunan ko at nakaramdam ako ng uhaw dahil sa biglaang pagpunta dito mg mommy ni Travis. Siguro dahil kinabahan talaga ako kanina ng di pa nakaalis ang ina ng binata.
Pagpasok ko sa pantry ay naroon ang dalawang office mates kong si Mylene at Carol. Nakilala ko sila dahil sa pagiging machika nila. Karamihan ng mga kaopisina namin ay palaging kachikahan ng dalawa. Masyadong friendly ang dalawang ito pero binalaan ako ni miss Mae Ann sa dalawang ito noong unang araw ko pa lang dito. Nakita niya akong kinakausap nitong dalawa. Sinabihan niya akong wag masyadong magtiwala sa dalawang ito dahil ang dalawang ito ay mga numero unong chismosa daw dito sa opisina. Hindi daw mataguan ng sekreto ang dalawang ito dahil once na nagkwento ka sa kanila ng about sa buhay mo kinabukasan buong opisina na ang makakaalam ng kwento ng buhay mo.
May ilang beses na nga daw na nag-away dito sa opisina dahil sa chismis ng dalawang ito. Ang mga ito din ang kinukuhanan ng mga bagong chismis ng mga office mates namin. Dahil mapa artista man o mapakapit-bahay ng mga ito ay ginagawa ng mga ito na topic. Everyday may bagong chismis na dala ang dalawa tuwing papasok dito.
Pag titingnan mo sila mukhang mga seryoso naman sa trabaho pero kapag wala pang oras ng trabaho o break time ang dalawang ito ang nangunguna sa pakikipag chismisan dito sa office. Kaya kina Ramer at Lorly ako pinapasama ni miss Mae Ann dahil ang mga ito daw ang nakilala niyang mabait na katrabaho dito kaso ngayon nasa baba na nag-o-office ang dalawa. Ayon kay Travis doon kasi na belong ang uri ng trabahong inaplayan ng dalawa. But i think nagpapalusot lang siya dahil may inis itong nararamdaman kay Ramer kaya niya ito inilagay sa office sa baba. Dumidilim kasi palagi ang hitsura ng binata everytime Ramer's talking or laughing with me.
"Hi Dahlia!"agad na bati ni Carol sa akin pagpasok ko sa pantry. Ngumiti ako sa kanila at pabalik ko rin siyang binati.
"Nakita namin kinausap ka ni maam Mavisse kanina. Anong sinabi niya sayo?"curious na tanong nito.
Saglit ko siyang tiningnan at lumapit sa water despenser saka nag refill sa water bottle ko.
"Tinanong niya lang ako kung nandyan si sir Travis."
"Ganun ba. Pero parang may iba pa siyang sinabi sayo e."ungkat ni Mylene.
"Yun lang naman ang sinabi niya sa akin at saka tinanong niya lang ako kung bago pa lang ba ako dito. Sinabi ko oo."Tumango sila sa sagot ko.
"Grabe no parang hindi tumatanda si maam?"sabi ni Mylene kay Carol. Tumango naman ang huli.
"Oo nga eh. Parang hindi halatang mommy ni sir Travis. Ang ganda-ganda niya at ang bata-bata pa ng hitsura. Pag magkasama sila ni sir parang kapatid niya lang si maam."humahanga sa ginang na sabi ni Carol.
"Alam mo ba Dahlia na habang kausap ka ni maam Mavisse kanina tinitingnan kayo namin. Grabe mabuti hindi ka nanginig sa uri ng titig niya sayo kanina?"sabi ni Mylene.
"Oo nga. Alam mo girl lahat ng naging secretary dito ay hindi niya nagustuhan mayroon nga na siya mismo ang nagpaalis dahil sa hindi niya nagustuhan ang ayos ng kasuotan. Paano kasi parang magka-clubing ang uri ng suot kaya ayon tanggal agad. Mayroon na kahit nandyan si maam lantarang nakikipag flirt kay sir kaya ayon tinanggal din. Mabuti na lang at hindi ka niya sinungitan. At saka mayroon din na sumipsip sa kanya dahil obsessed kay sir Travis. Ayon gustong sumipsip kay madam dahil akala niya mapapalapit siya kay sir pero ang nangyari sinungitan lang din siya ni maam pagka kinabukasan nalaman na lang namin tinanggal din."kwento ni Carol.
"Kahit nga si miss Mae Ann noong nandito pa siya. Alam mo sa tuwing pumupunta dito si maam Mavisse natataranta yun."natatawang kwento ni Carol na ikinatawa din ni Mylene.

BINABASA MO ANG
The Boss
RomansaWarning:Mature Content⚠️⚠️ Rated🔞🔞🔞 Dahlia Perez ang babaeng palaban sa lahat ng hamon ng buhay. Lahat gagawin para sa kanyang may sakit na nanay. Kahit ang magbenta ng katawan ay gagawin niya basta mapagaling lang ang kanyang ina. At nangyari yu...