Chapter 20

26.9K 284 7
                                    

Pagpasok ko kinabukasan nasurpresa ako sa nadatnan sa aking mesa. Mayroong flower bouquet na nakapatong sa harap ng aking computer. Napakagat labi akong kinuha ang message na nakalagay at binasa.

'Good morning beautiful! I don't know your favorite flower but then i saw these beautiful Dahlia's and i was mesmerized by their beauty just like yours. I know nothing about flowers except roses. But now i think i already had a favorite flower. And that flower is you baby.'

T.S.

                                     
Malapad akong napapangiti at kinikilig habang binabasa ng paulit-ulit ang message na kasama sa bouquet. Ang aga-aga pero ang saya-saya ng feeling ko. Pakiramdam ko nakalutang ako sa alapaap sa sobrang kilig.

Shit! Ganito pala ang feeling ng nakakatanggap ng bulaklak mula sa manliligaw. Nakakakilig at di mo maitago ang ngiti sa mga labi.

Inangat ko ang bouquet at nakapikit na inamoy-amoy ang mga bulaklak habang may malapad na ngiti sa mga labi. Pagmulat ko ng mga mata ay ang nakasmirk na mukha ni Travis ang nabungaran ko at halata ang aliw sa mga mata nito. Nakatayo siya sa harap ng cubicle office ko habang may nakaukit na ngiti sa mga labi. Napataas ito ng kilay ng makita ang biglang pamumula ng mga pisngi ko.

Shit! Ang swerte ko naman ngayong umaga. May pa flowers at kilig message na nga may mabubungaran pa akong napakapoging nilalang. Hindi lang basta pogi kundi isang hot and super handsome man. Tripleng kilig tuloy ang feeling ko ngayon. Tangina first time in my life na makaramdam ng ganito. In my twenty one years of life never akong nakaramdam ng tinatawag na kilig pero ngayon heto at hindi lang kilig kundi tripleng kilig talaga.

Dalawang beses na tumikhim ang binata para kunin ang atensyon niya dahil namagnet na yata siya sa kapogian ng binata.

Napakurap-kurap ako at nag-init ang mukha ng mapansing may mapaglarong ngiti ito sa mga labi. Natutuwa ang binata dahil sa pagkatulala niya sa kagwapohan nito. Ikaw ba naman ngitian ng may mga asul na mga mata, matangos na ilong, mapupulang mga labi, makakapal na kilay at mahahabang pilik mata. Idagdag pa ang makapal at blonde nitong buhok. Ang malapad at matigas nitong chest at malalaking mga braso. Shit! Parang gusto ko na lang malunod sa mga titig niya at ngiti. Ano kaya kung bawiin ko na lang ang sinabi ko kahapon na hindi ako mabilis mapa oo pag nililigawan? Ano kaya kung sagutin ko na siya ngayon?

Tangina Dahlia maghunos dili ka. Mahiya ka naman sa sarili mo. Gusto mo na naman yata magpakabayo sa lalaking ito eh. Pasalamat ka talaga at hindi ka fertile nang may nangyari sa inyo dahil pag nagkataon magkakaroon talaga ng kapatid si Aciano.

"I need you in my office baby."sabi ni Travis saka ako kinindatan at pumasok na sa office nito.

Napaupo ako sa office chair ko dahil nanghina bigla ang mga tuhod ko. Pakiramdam ko pana ni kupido ang kindat niya at sapul na sapol ang puso ko dahil bigla na lang nagrigodon sa pagtibok ang puso ko. Tangina! Inlove na ba ako? Shit! Baka bumaba lang ang sugar level ko kaya ako nanghina bigla. Pero ang malandi kong puso ba't kung makatibok parang nakikipag karerahan?

'Hoy Dahlia umayos ka nga! Pumasok ka na sa office ni Travis at may kailangan daw siya sayo.' Biglang sigaw ng isip ko.

'Baka molestyahin niya ako pag pasok ko. Wag na muna. Marupok pa ang katawan ko sa ngayon. Baka mamaya magpamolestiya ako sa kanya. Ang hilig pa naman nun manghalik kaagad pag papasok ako sa office. Ayoko! Sigurado bibigay kaagad ang malanding katawan ko sa kanya. After five minutes na lang siguro ako papasok.' sabat ng isang isip ko.

The BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon