Pagkalabas ni Dahlia sa opisina ni Travis ay agad siyang napaupo sa kanyang upuan. Parang hindi niya mapaniwalaan na simula umpisa ay nakilala na siya nito. At ngayon baka nga tinitingnan na naman siya nito dahil nararamdaman niya na naman na may nakatitig sa kanya.
'iba din talaga ang mga teknolohiya ngayon pati glass wall tinted na rin.' anang isip niya.
Gusto niyang mag concentrate sa kanyang trabaho ang kaso naiilang siya habang nakaupo. Simula kasi ng sabihin ng binata na tinitingnan siya nito mula sa loob ng opisina nito ay parang di na siya mapakali. Lalo na at sinabi nito na palagi siyang pumapasok sa isipan nito simula nung may nangyari sa kanila at hanggang ngayon. At napapanaginipan rin siya nito palagi parang katulad niya din. Kaya ang bilis nitong nakilala siya kahit pa ibang-iba ang mukha niya ngayon kaysa noong nag meet sila. Napabuntong hininga na lang siya sa mga naisip.
Pinili niyang maging busy ng sa ganun mawala sa isipan niya ang mga sinabi ng boss niya sa kanya.
Nagulat si Dahlia ng biglang tumunog ang telepono na nasa tabi niya. Agad niya itong inangat sa tainga niya at sinagot ang caller.
"I want you to have lunch with me later and i don't accept a no answer."maawtoridad na sabi ng nasa kabilang linya hindi man lang muna siya pinagsalita ng 'hello'.
Napaikot na lang ng eyeballs niya si Dahlia. 'Ano pa nga ba ang magagawa ko eh ikaw na mismo ang nagdesisyon. Tauhan mo lang naman ako at boss kita kaya wala akong karapatan sa desisyon mo.' anang isip niya. Napabuntong hininga muna siya bago sumagot "okay."
"Good. " saka ibinaba nito ang telepono. Napataas na lang ang kilay ni Dahlia sa ginawa ng kanyang boss. Unti-unti na siyang nasasanay sa ugali nito na kapag tatawag ito ay hindi na nag hehello at agad na sasabihin nito ang kailangan at pagkatapos sabihin ang inuutos ay basta na lang ibaba ang telepono.
Ibinalik na lang ulit niya ang atensyon sa kanyang trabaho. Di niya na napansin ang oras na tanghali na pala. Dahil busy siya sa pagtatype ng mga documents sa kanyang computer.
Napahinto siya sa ginagawa ng maramdaman na may lumapit sa cubicle niya at may tumikhim. Napaangat ang tingin niya.
Ang nakangiti na si mister Ramer ang nasa harapan niya ngayon. Nginitian niya kaagad ito. Nakilala niya ito dahil kay Mae Ann. Masayahin ito at mukhang mabait. Simula ng ipakilala ito ni Mae Ann sa kanya ay araw-araw na siya nitong sinusundo sa kanyang cubicle sa tuwing maglulunch time na. Tatlo palagi sila ni miss Lorly at mister Ramer ang magkasama na kumakain sa canteen tuwing lunch.
"Busy?"agad na tanong ni Ramer sa kanya.
Nginitian niya ito. "As usual laging tambak ang trabaho."saka tumawa kaya tumawa rin ang kaharap.
"So, it's lunch time already ma'am maybe it is okay if you have your lunch first and proceed your work later? Mahirap magtrabaho ng gutom." nakangiti na sabi ni Ramer.
Sasagutin sana ni Dahlia si Ramer pero biglang nag ring ang telepono niya kaya nag excuse muna siya sa binata para sagutin ang telepono at tinanguan siya nito.
"Hel---"
Hindi naituloy ni Dahlia ang kanyang sasabihin dahil biglang sumingit ang taong nasa kabilang linya. "What's that guy wants from you?"seryosong tanong ng boss niya at mukhang nagpipigil sa galit ang boses nito.
Kinabahan bigla si Dahlia at the same time nahihiyang sumagot sa kausap dahil nasa harapan niya lang si Ramer at nakatingin sa kanya habang kausap niya ang kanyang boss.
"Tell him you're going to have lunch with me now and from now on he should stop inviting you to have lunch
with him everytime you're here. Understood?"utos nito sa kanya.Napalunok ng laway na tumango si Dahlia dahil alam niyang hindi niya man nakikita ang boss alam niyang nakatingin ito ngayon sa kanya. "Y-yes sir."saka ibinaba ang telepono.
"Oh! I'm sorry is everything okay?"nag-aalalang tanong ni Ramer dahil nakita nito ang pag-aalangan sa mukha ng dalaga.
Tinanguan niya lang ang binata saka tipid na nginitian. "Sorry hindi ako makakasabay sa inyo ni Lorly sa lunch. Maybe tomorrow na lang ako sasabay sa inyo may pinapagawa kasi sa akin ngayon si sir at kailangan matapos ko kaagad."
Tinitigan muna siya ng binata sa mukha saka ngumiti ito sa kanya. "It's okay i understand. Sasabihin ko na lang kay Lorly at saka dalhan na lang kita dito ng pagkain if it's okay with you baka kasi di mo na magawang bumaba mamaya sa canteen para makabili ng pagkain mo."
"Naku wag ka nang mag-abala oorder na lang ako at saka parang mas feel kong kumain ngayon ng burger lang marami kasi kanina ang kinain kong kanin pagkaalis ko sa bahay kaya medyo busog pa ako ngayon."pagsisinungaling niya.
Tumango naman ang binata sa kanya at saka ngumiti. "Okay. Sige maiwan na kita baka naghihintay na sa canteen si Lorly. Good luck sa trabaho mo. Just call me if you need anything."
Tumango siya dito. "Thank you. Pakisabi na lang kay Lorly bukas na lang ako sasabay sa inyo sa mag lunch."nakangiti niyang sabi dito saka tumalikod na ang lalaki.
Nagulat naman siya ng biglang tumunog ang telepono sa tabi niya habang nakatingin siya sa kakatalikod lang na bagong kaibigan niya dito sa kompanya.
"Come in to my office now."agad na sabi ng mukhang may tupak na boss niya at agad din nito ibinaba ang telepono. Napakunot ang noo niya na tinitigan muna ang hawak na telepono saka dahan-dahan na ibinaba.
'mukhang bad mood yata ang supladong boss ko ah.' anang isip ni Dahlia saka huminga ng malalim at tumungo sa office ng boss. Kumatok muna siya bago pumasok.
Mga matang parang bubuga ng apoy ang sumalubong sa mga mata niya ng tumingin siya sa boss niyang seryosong nakaupo sa swivel chair nito. Napalunok siyang lumapit sa harapan ng office table nito.
Ikinuyom niya ng mahigpit ang mga palad niya dahil sa kaba na nararamdaman. Hindi kasi nawawala ang nagtatagis na mga mata ng boss niya sa kanya.
"Anong sinabi ng bastard na yun sayo to make you smile at him sweetly?"inis na tanong nito.
Napakunot ang noo niya sa tanong nito. Ano ba ang paki niya kung ano ang sinabi ni Ramer sa akin. Biglang uminit ang ulo ni Dahlia. Kung kanina kinakabahan pa siya ngayon na napagtanto niya na mukhang hindi naman connected sa trabaho niya ang kailangan ng boss niya sa kanya. Wala itong pakialam sa kung ano ang sinabi o pinag-uusapan nila ni Ramer. Bakit naman magagalit ito.
"Kung naiinis ka dahil sa pag-uusap namin ni Ramer don't worry sir wala naman kaming nilabag sa oras ng trabaho dahil lunch break na. And you're asking me why did i smile at him sweetly? Because he talk at me sweetly sir."
Biglang tumayo sa kanyang swivel chair si Travis and just a blink of an eye nasa harapan na siya kaagad ni Dahlia. Napasinghap ang dalaga ng bigla na lang kabigin ng isang kamay ng binata ang baywang niya at ipaikot dito ang braso nito saka walang sabi-sabi na bigla na lang inangkin ang bibig niya.
Mapagparusa ang pag-angkin nito sa mga labi niya. At dahil nakanganga siya sa pagkabigla sa ginawa ng binata sa kanya kaya agad na naipasok ng binata ang dila nito sa bunganga niya. Ayaw niyang sabayan ang ginagawa nito sa labi niya at parang mawawalan na siya ng hangin kaya ang ginawa niya ay itinutulak niya ang binata pero parang balewala lang dito ang pagtulak niya hanggang sa siya na mismo ang sumuko at nakipagsabayan dito.
Halos higopin ng binata ang mga labi niya. Ginagalugad ng dila nito ang bawat sulok ng bunganga niya at ganun din siya sa binata parang kumukuha sila sg hangin sa hininga ng bawat isa. Umuungol sila pareho at parang walang may gusto na maghiwalay ang mga labi nila hanggang sa halos maubusan sila pareho ng hangin saka lang napatigil ang mga dila nila at bibig pero kahit hingal na hingal sa pakikipaglaplapan ng bibig ay nagawa pang kagatin ni Travis ang bibig ng dalaga bago ito pinakawalan.
Napasandal si Dahlia sa mesa dahil parang biglang nahilo siya sa ginawa nilang pakikipaghalikan ng boss niya. Muntik na siyang matumba mabuti na lang at nasa tabi niya lang ang mesa nito at nakapulupot pa ang isang braso nito sa baywang niya. Hinihingal siya na tiningnan ang mukha ng binata na ngayon ay naka smirk sa kanya.
ACSCYNTH

BINABASA MO ANG
The Boss
RomanceWarning:Mature Content⚠️⚠️ Rated🔞🔞🔞 Dahlia Perez ang babaeng palaban sa lahat ng hamon ng buhay. Lahat gagawin para sa kanyang may sakit na nanay. Kahit ang magbenta ng katawan ay gagawin niya basta mapagaling lang ang kanyang ina. At nangyari yu...