Chapter 29

28.8K 345 4
                                    

"Mommy bakit ikaw niiyak?"tanong ni Aciano nang kargahin ko siya.

"Mommy's just happy baby."

Naguguluhan na tumitig sa mukha ko si Aciano saka nag pout. Ngumiti ako at hinalikan ang malusog niyang pisngi.

"Mommy who is he?"maya-maya ay tanong ni Aciano. Tinuro nito si Travis na nanonood lang sa amin.

Napalunok ako saka tumingin kay Travis. Malamlam ang mga mata nito at nakangiti sa anak namin. Naalala kong nakatayo pala kami kaya niyaya ko si Travis na umupo sa sofa na naroon. Buhat si Aciano umupo din ako sa sofa at kinandong si Aciano.

Huminga ako ng malalim at napalunok na sumulyap kay Travis.

Kinuha ko ang atensyon ni Aciano at kinausap ko siya.

"Baby di ba si Peppa at George mayroong mommy at daddy?"

"Opo."

" Ikaw di ba mayroon ka rin mommy?"

"Opo."

"Sino ang mommy ng baby ko?"

"Ikaw po."malambing na sagot nito saka yumakap sa leeg ko at sinobsob ang mukha sa dibdib ko. Napangiti ako at hinalikan siya sa ulo.

"May sasabihin sayo si mommy okay?"tumango si Aciano na nakayakap pa rin sa akin.

"Di ba may mommy si George at si Peppa, si mommy pig? At saka mayroon din sila daddy si daddy pig. Ikaw mayroon ka rin mommy at ako yun. Tapos like Peppa and George mayroon ka rin daddy."tumingin siya sa akin at nginitian ko siya.

"You want to know who's your daddy?"mabilis siyang tumango.

Hinarap ko siya kay Travis saka hinalikan sa noo.

"He is your daddy baby."pakilala ko kay Travis.

Saglit na tumitig si Aciano kay Travis at pagkatapos biglang inangat nito ang mga braso at gustong magpakalong sa ama. Napangiti ng malapad si Travis at naluluha na kinuha si Aciano at hinagkan sa noo saka niyakap. Malambing na yumakap din sa leeg ni Travis si Aciano at hinilig nito ang ulo sa dibdib ng ama. Dahil siguro sa lakas ng lukso ng dugo ng mag-ama kaya di man lang nag-alinlangan si Aciano na maglambing kaagad at yumakap kay Travis.

Naluluha akong pinapanood silang dalawa. Pinunasan ko ang luhang tumulo sa aking pisngi at sinuklay ng mga daliri ang buhok ni Aciano dahil namamasa ito sa pawis.

Mabilis na naging komportable si Aciano kay Travis at parang ayaw na nitong umalis sa ama. Nakasobsob lang ang mukha nito sa dibdib ni Travis.

"Are you happy that you have a daddy baby?"masuyong tanong ko habang inaalis ang mga takas na buhok sa kanyang noo.

Tumango si Aciano at malapad na ngumiti sa akin. Nakasandal pa rin ang ulo sa dibdib ng ama parang walang balak umalis sa kandungan nito.

Hinihimas lang ni Travis ang likod at mga braso ng anak habang kandong ito. Halos ayaw niyang alisin ang titig sa bata. Paminsan-minsan ay hinahalikan niya ito sa noo at ulo. Biglang naalala ni Travis pagpasok nila kanina sa bahay galing sa pag-iyak ang anak kaya tumingin siya kay Dahlia at tinanong ang dalaga.

"Bakit nga pala umiiyak siya kanina pagdating natin?"

"Nasira kasi ang laruan na binili ng-"saglit na napalunok si Dahlia bago ulit nagsalita. "- mommy at daddy mo sa kanya."

Napakunot ang noo niya na tumingin kay Dahlia.

"What do you mean na binili ni mommy at daddy? Nakilala na nila si Aciano? Alam na ba ng mga magulang ko ang tungkol sa anak ko?"sunod-sunod na tanong ni Travis. Hindi makapaniwala sa narinig.

The BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon