Chapter 15

25.1K 261 8
                                    

Pinaupo ko sa upuan sa kusina si Aciano at binuksan ang nakatakip na pagkain sa mesa. Ngayon ko lang naalala na hindi pala ako nakakain ng tanghalian kanina at ngayon nararamdaman ko na ang sobrang gutom.

Kumuha ako ng pinggan, kutsara at tinidor. Saka nilabas ang pitsel na may malamig na tubig mula sa maliit naming fridge. Biglang tumunog ang tiyan ko ng malanghap ang mabangong amoy ng adobong manok. Kaagad akong sumandok ng kanin at ulam.

"Mommy i want to eat also."

"Okay baby. But mommy will subo you para hindi magkalat ang food okay?"

Masaya itong pumalakpak at natawa ako sa kanya. Sinubuan ko muna siya bago ako kumain.

"Mukhang gutom din ang baby ko ah. You did not eat ba kanina?"

"I eat mommy like this oh"at ipinakita niya sa akin ang dalawang kamay niya saka tinuro isa-isa ang mga daliri.

"Like that po ang nikain ko. Tita-ninang said vely good daw po ako."proud nitong sabi saka ngumiti ng matamis kaya di ko napigilan na panggigilan ng halik ang malulusog niyang pisngi.

"Wow very good na naman ang baby ni mommy. It means you make tita-ninang happy na naman kanina kasi you eat a lot. Ayaw kasi ng tita-ninang na mabawasan ang chubbiness ng baby namin e."

Tumango naman ang bata na parang naintindihan niya ako. 

"Mommy ahh.." napangiti akong sinubuan ulit siya ng kanin.

Simula ng matutong kumain si Aciano ng kanin ay palagi na itong sumasabay sa akin kahit pa minsan ay tapos na itong kumain kasama ng tita-ninang nito pero kumakain ulit ito kasama ko. Lumalaking matakaw ang baby ko kaya ang lusog niya. Halos hindi na namin siya minsan mabuhat ni Mariyah kapag lumalabas kami at namamasyal. May time kasi na kapag napagod na ito sa paglalakad gusto nito ay magpabuhat na lang sa amin. Kaya sa tuwing lalabas kaming tatlo pag-uwi namin sa bahay ay parang binubugbog sa pagod ang katawan namin ni Mariyah. Kapag hindi namin kasi siya bubuhatin magwawala ito at iiyak ng malakas kaya talagang mapipilitan kami ng kaibigan ko na buhatin siya.

"Mommy i'm full."naka anim na subo din ang anak ko ng sabihin nitong busog na siya kaya pinainom ko na ito ng tubig at nagpatuloy na sa pagkain  ko habang nasa tabi ko lang siya at naglalaro ng dinosaur toy niya.

Matapos kong kumain ay niligpit ko kaagad ang mga kinainan ko at hinugasan saka uminom ng coke at gamot.

Pagpasok namin sa kwarto ay nilapag ko si Aciano sa kama at kumuha ng pajama niya. Mabuti na lang talaga at mukhang effective ang pinainom kanina ni Travis na gamot sa akin dahil hindi ko na masyadong nararamdaman ang sakit sa gitna ng mga hita ko.

"Let's take a bath muna baby para masarap ang sleep mo mamaya."kaagad niyang inangat ang mga braso niya para hubarin ko ang kanyang damit at tumayo siya para mahubad ko na rin ang short niya saka nagpababa siya sa kama.

Natatawa ako na pinanood siyang tumatakbong nakahubad papunta sa banyo. Kumuha muna ako ng damit ko sa drawer at ipinatong sa kama katabi ng kay Aciano saka pumasok na rin sa banyo.

Naabutan ko ang baby ko na nakatayo sa harap ng toilet bowl at umiihi. Pagkatapos nitong umihi ay kinuha niya ang tabo at binuhusan ng tubig ang toilet . Walang flush ang toilet bowl namin kaya ginagamitan na lang namin ito ng tabo. Napangiti ako sa baby ko dahil big boy na talaga siya alam niya nang mag flush ng toilet. Nakikita niya kasi kami ng tita-ninang niya na ganyan ang ginagawa kaya ginagaya niya rin kami.

"Mommy i want to take a bath na."

"Okay. You open the faucet first baby."binuksan din agad nito ang gripo at mabilis na nagbuhos ng tubig sa katawan. Ito ang isa sa pinakagusto ni Aciano ang palaging nasa tubig. Dahil siguro bata at madaling naiinitan kaya gusto niya palaging naliligo katulad ngayon kahit gabi na naliligo pa rin. Hinayaan ko na lang siya na magbuhos at naghubad na ako ng mga suot ko. Nakapanty lang ako kapag naliligo kaming dalawa. Pero pag gabi hindi na ako naliligo half-bath na lang ang ginagawa ko dahil ayokong matulog na basa ang buhok. Okay lang si Aciano na maligo dahil mabilis naman matuyo ang buhok niya.

The BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon