Pagdating namin sa apartment kaagad akong bumaba para kunin si Aciano kay mister Smith. Nakakandong kasi dito ang bata at nakatulog sa byahe.
Nang kunin ko na si Aciano hindi ito binigay ni mister Smith. Ito na ang nagbuhat sa apo papasok sa apartment. Hinayaan ko na lang siya at pinagbuksan na lang ng pintuan para makapasok sila. Saka tinulungan ang driver sa pagpasok ng mga dala namin sa bahay.
Saktong paglabas ni Mariyah sa kanyang kwarto pumasok naman ako sa bahay. Bagong paligo ito at nakasuot ng uniform ng pinagtatrabahuang kompanya. Actually t-shirt lang ng kompanya ang suot nito at sa baba naka pajama dahil dito lang naman siya sa kwarto niya nagtatrabaho at nakaupo lang sa harap ng laptop nito.
"Good evening po!"narinig kong bati ni Mariyah sa mag-asawa. Kaagad na ngumiti ang mag-asawa dito at binati din ito pabalik.
Iginiya ko muna si mister Smith sa kwarto namin ni Aciano para doon dalhin ang bata dahil tulog ito. Napagod ang bata sa kakaikot kanina sa mall.
Maya-maya ay nagpaalam din ang mag-asawa.
"Hija uwi na kami para makapahinga ka na. Sigurado napagod ka ngayong araw. Tatawag na lang ako sayo."paalam ng ginang at nakangiting tinanguan ko ito.
Nagpaalam din ang mag-asawa sa kaibigan ko.
Pinasalamatan ko sila at hinatid hanggang sa kotse nila.
"Ingat po kayo. Kuya drive safely po."magalang na tumango ang driver sa akin. Hinintay ko muna na makaalis ang kotse nila bago ako bumalik sa loob ng bahay.
Nakapamaywang si Mariyah habang tinitingnan ang mga pinamili ng mag-asawa kay Aciano ng pumasok ako sa bahay.
"Nakakainggit naman maging apo ng mayaman. Ang swerte ng baby loves Aciano ko. Sana wag niya akong makalimutan pag mayaman na siya."parang naiiyak na sabi ni Mariyah.
"Ang oa bes ha. Paano ka makakalimutan nun e second mommy ka nun."
"Malay natin. Syempre di ko kaya bigyan siya ng ganito kagaganda at kamamahal na laruan kita mo oh presyo lang nitong toy car na nagtatransform into robot pang isang buwang sweldo ko na."nakanguso na sabi nito.
Natawa ako sa kanya.
"Don't tell me bes nagseselos ka?"
Tiningnan niya ako ng nakanguso.
"Actually yes but very slight lang naman."saka tumawa ang loka-loka.
"But seriously i am so happy that finally, na meet na ni Aciano ang lolo at lola niya. Sa wakas may tatawagin na siyang lolo at lola. Di mo na kailangan magpaliwanag kung bakit wala siyang lola at lolo. Shocks! Naiiyak ako bes!"saka pinahid nito ang naluluhang mata. Niyakap ko siya dahil na touch ako at ramdam ko ang totoong pagmamahal niya sa baby ko.
"Thank you so much bes for always being here for me and my son."
"You're always welcome bes. Alam mo naman na maliban sa tiyahin kong madre kayo na lang din ni Aciano ang tinuturing ko na pamilya ko. At saka mahal ko na rin kayo. Parang kapatid na kita at pamangkin ko naman si Aciano."
"We love you too bes."
"By the way maiba ako. Ngayong alam na ng magulang ni Travis ang tungkol kay Aciano kailan mo pala balak na sasabihin sa kanya ang tungkol kay Aciano?"
Napabuntong hininga ako.
"Ganyan din ang tanong kanina ni ma'am Mavisse sa akin. Gusto niyang sabihin ko na kay Travis ang tungkol kay Aciano. Ayaw niyang patagalan ko pa dahil baka daw mas magalit si Travis."
"So anong plano mo ngayon?"
Napabuga ako ng hangin.
"Bahala na. Siguro yayayain ko siya sa isang relaxing place at doon ipagtapat ko sa kanya lahat. Wish me luck bes. Alam kong magagalit siya sa akin pero i still pray na sana maintindihan niya ako kung bakit hindi ko kaagad ipinaalam sa kanya ang tungkol kay Aciano at itinago ko ito." Malakas akong napabuga ulit ng hangin.

BINABASA MO ANG
The Boss
RomanceWarning:Mature Content⚠️⚠️ Rated🔞🔞🔞 Dahlia Perez ang babaeng palaban sa lahat ng hamon ng buhay. Lahat gagawin para sa kanyang may sakit na nanay. Kahit ang magbenta ng katawan ay gagawin niya basta mapagaling lang ang kanyang ina. At nangyari yu...