Chapter 3

31.4K 386 3
                                    

Unang araw ko sa trabaho. Maaga akong nagising at nag-ayos. Tamang-tama at pagliwanag ng paligid ay tapos na akong magluto at maligo.

Pagpatak ng alas sais y medya ay nagpaalam na ako sa kaibigan ko.

"Bes ikaw na bahala muna sa anak ko ha?"Kaka-off lang ni Mariyah sa trabaho nito.

"Okay bes. Ingat sa byahe and good luck sa trabaho. Wag kang mag-alala kay Aciano ako na ang bahala sa kanya."nakangiting sabi ng kaibigan ko.

"Bes thank you talaga at lagi ka lang nandyan para sa amin ng anak ko."madamdamin kong sabi.

"Hay naku! naku! Ayan ka na naman. Ano ka ba papasok ka na lang sa trabaho magdadrama ka na naman. Sige na umalis ka na baka mamaya mabura pa yang make-up mo sa kadramahan mo."at mabilis niya akong hinatid palabas. Natawa ako sa kanya.

Sa tuwing magdadrama ako sa kanya pinuputol niya kaagad. Ayaw na ayaw niya talagang nakikita akong malungkot. Kaya mahal na mahal ko rin ito at parang magkapatid na ang turingan naming dalawa. Palagi itong nasa tabi ko sa tuwing madadapa ako at halos hindi na makabangon sa buhay. Ito ang tumutulong sa akin para bumangon at magpatuloy sa buhay. Kaya sobrang nagpapasalamat ako at siya ang naging kaibigan ko.

"Sige na lumayas ka na at wag mo na kami alalahanin ng anak mo ako na ang bahala dito. At wag na wag ko ng maririnig ang word na nahihiya ka na sa akin dahil hindi ko alam ang ibig sabihin niyan okay?"parang nanay na sabi nito kaya natawa ako.

"Okay po ma'am."natatawa kong sagot. Pinaikotan niya ako ng mga eyeballs niya.

"Enjoy your work bes."sigaw niya pagtalikod ko.

"Okay bes. Thank you!"

Sigurado pag gising mamaya ni Aciano ay hahanapin ako ng anak ko. Di pa naman sanay yun na paggising ay hindi ako kaagad ang nakikita. Sana hindi pahirapan ng anak ko ang bestfriend ko mamaya. Tatawag naman ang kaibigan kong yun pag nagloko ang anak ko. Mabuti na lang talaga at may kaibigan akong laging nandyan at maaasahan.

Nung una nag-aalangan pa akong magtrabaho dahil wala akong maiiwanan na magbantay kay Aciano. Alam kong pagod si Mariyah sa magdamag nitong pagta-trabaho. Pero ito mismo ang nag-push sa akin na maghanap ng trabaho dahil naaawa na ito sa sitwasyon namin ng anak ko. Alam kasi nito na palagi ako kapos sa pera. At nahihiya na ako dito dahil ito palagi ang gumagastos sa mga pangangailangan namin sa bahay. Akala siguro nito hindi ko alam. Di man nito sabihin pero alam kong ginagawa niya yun dahil naaawa na siya sa amin. Sobrang nahihiya na ako kay Mariyah dahil imbes na sarili lang nito ang dapat iniisip pati kami ng anak ko pinoproblema pa nito.

Malakas akong napabuntong hininga bago pumasok sa building na pagtatrabahuhan ko.

Dumeretso ako sa elevator pagpasok. May mga nakasabay ako sa pagsakay. Pumwesto ako sa likod. 

Pagdating ko sa floor na pagtatrabahuhan ko ay marami na ang mga taong naroon at nag-uumpisa na sa kanya-kanyang mga trabaho. Wala pang alas siete y medya ng umaga pero ang iba ay busy na sa harap ng computer.

Dahil bagohan ako at wala pang experience sa trabaho medyo nag-aalangan ako sa kung ano ang gagawin ko at kung sino ang lalapitan ko. Sobra kasing mga seryoso ng mga taong nakikita kong nagtatrabaho.

Naglakad ako papunta sa office ng babaeng nag-interview sa akin kahapon. Nasa kabilang dulo ito ng fifteenth floor. Sakto lang na kakatok sana ako ng biglang bumukas ang pinto ng office nito at bumungad siya sa akin.

"Miss Perez mabuti at nandito ka na."agad na sabi ng babae pagkakita sa akin.

"Follow me."sabi nito at naunang maglakad. Dinala niya ako sa dulong bahagi at tumigil ito sa mismong  pintuan na may nakalagay na CEO.

The BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon