Chapter 38

32.3K 339 4
                                    

MATURE CONTENT!!

READ AT YOUR OWN RISK ⚠️⚠️


Today is Travis' thirty second birthday. Kinuntiyaba siya ng mommy ni Travis na gumawa ng birthday surprise para sa nobyo at ito'y gaganapin sa mansion.

Pinadalhan ng secret invitation ng ina ni Travis ang lahat ng kaibigan ng binata. Simple lang ang celebration na inorganisa nila para sa birthday party ng kasintahan. Mga kaibigan lang at ilang malalapit na kakilala ang inimbitahan nila sa party nito.

Maaga siyang gumising at hinanda ang cake na pasekreto niyang pinadeliver kahapon. Mag-aalas siete na ng umaga at masarap pa rin ang tulog ng mag-ama. Dahan-dahan niyang binuhat si Aciano palabas sa kwarto at dinala ito sa sala para doon gisingin. Ayaw pang gumising ng baby niya. Paulit-ulit niyang hinalikan ang malulusog na pisngi at leeg ng anak hanggang sa nagising ito.

"Good morning my baby!"

"Good moyning mommy!"kumukusot sa mata na bati ni Aciano pabalik. Nakasimangot ang mukha nito dahil sa pang-iisturbo niya sa tulog nito.

"I'm sorry baby that mommy woke you up so early. May gagawin kasi tayong surprise for daddy because today is daddy's birthday!"biglang nawala ang antok ng bata pagkarinig sa sinabi niya. Napanganga ito at nanlaki ang mga mata na parang nasurpresa.

"May cake po ang daddy ko mommy tapos blow po siya ng candle sa cake?"nakangiti na tanong nito at tuluyan nang nagising.

"Yes baby. Pero dapat quiet muna tayo para hindi kaagad magising si daddy. Okay?"nakangiting tumango si Aciano

Tuwang-tuwa at tumatalon-talon si Aciano habang dala niya ang cake papasok sa kwarto para surpresahin ang tulog na tulog pang nobyo.

"Okay baby let's sing happy birthday to daddy. And while we're singing you clap your hands louder para magising si daddy at ma surprise okay?"pabulong niyang sabi.

Malapad na ngumiti at tumango si Aciano sa kanya. Halata ang excitement sa mukha ng anak. Nagbilang siya ng one to three saka malakas na kumanta ng happy birthday. Pasigaw naman siyang sinasabayan ni Aciano sa pagkanta. Tumatalon pa sa kama ang anak at pumapalakpak habang kumakanta.

Nakakunot ang noo na biglang nagising si Travis sa lakas ng boses nila ni Aciano. Ang unang namulatan ni Travis ay ang cake na nasa harapan nito at hawak niya. Biglang nawala ang pangungunot ng noo ng binata at napangiti ng malapad ng mapagtanto ang surpresang ginawa nilang mag-ina. Kaagad na sumandal ito sa head board ng kama at napakamot sa kilay. Hindi maalis ng binata ang malapad na ngiti sa labi habang pinapanood sila ni Aciano na masayang kumakanta ng happy birthday.

Pagkatapos nilang kumanta ay mabilis na umupo si Aciano sa hita ng daddy nito.

"Daddy blow po atin(natin) ang candle."excited na sabi ni Aciano.

"Okay son let's blow daddy's birthday candle."

"But daddy will make a wish first before blowing his birthday candle."paalala niya.

Mabilis naman na pumikit si Travis at nag-usal ng kahilingan saka sabay hinipan ng dalawa ang birthday candle. Tuwang-tuwa na pumalakpak si Aciano pagkatapos.

"Happy birthday daddy!"masayang bati niya pagkalapag ng cake sa side table.

Ngumisi naman ng may kamanyakan si Travis kaya tumaas ang isang kilay niya dito.

"Happy beytday daddy ko!"masayang bati din ni Aciano at hinalikan nito ang ama sa magkabilang pisngi.

"Thank you son." Masayang niyakap ni Travis si Aciano at pinaulanan ng halik sa buong mukha ang bata. Tawa ng tawa si Aciano ng makiliti sa bagong tubo na mga bigote ng ama.

The BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon