Chapter 32

30.7K 343 4
                                    

Dinala kami ni Travis sa isang sikat na waffle house. Pagpasok namin sa restaurant kaagad kaming sinalubong at binati ng nakangiting waiter. Iginiya kami nito sa bakanteng table na nasa dulo.

"Son we'll gonna eat here first gutom na kasi ang mommy mo. But later we'll gonna eat in jollibee is that okay?"kausap ni Travis sa anak

Tumango naman si Aciano."Opo."

Umorder si Travis ng breakfast food na nasa menu at two coffee's for us while orange juice for Aciano.

It feels like we're having a breakfast date but with our son. Lalo at magkakaterno kami ng suot na tatlo. Kaya siguro nakangiti ang mga empleyado pagpasok namin maybe because they think we're having a family date.

Pagkalapag ng waiter ng pagkain namin ay tuwang-tuwa si Aciano at agad nagpasubo sa daddy niya ng bacon and egg. Kahit sabi nito ay nagpancake at milk na ito kanina pag-alis namin mukhang gutom na naman ang baby ko. Kaya tuwang-tuwa si Mariyah dito kapag ito ang kasamang kumain dahil nakakagana daw kumain kapag si Aciano ang kasama kahit wala siyang gana minsan kumain pag nakikita niyang tuwang-tuwa ang baby ko at sarap na sarap sa kinakain napapagana din siyang kumain.

Natapos na kaming kumain ni Travis pero si Aciano nilalantakan pa rin ang waffle at bacon. Nagmamantika na ang kamay niya dahil kinamay lang nito ang mga kinakain. Sa una lang nito ginamit ang spoon and fork pero kalaunan nakatabi na at nakakamay na lamang na sinubo ang mga pagkain. At habang nagpapatunaw kami ng kinain namin ni Travis at hinihintay matapos ang matakaw naming baby nagkakape kami.

"Habang tulog ka pala kanina nag-usap kami ni Mariyah."biglang sabi ni Travis kaya napatingin ako sa kanya.

"Tungkol saan?"

"We actually talk about you. I'm sorry kung napag-usapan ka namin. Gusto niya daw kasi na maging maayos na tayo lalo na at may anak tayo. Kinuwento niya sa akin lahat ng pinagdaanan mo noong nagbubuntis ka kay Aciano at noong pinanganak mo ang anak natin. Nakwento niya rin na nag-iisa ka na lang daw sa buhay at wala ng mga magulang at pamilya. I'm so sorry baby."tumayo siya mula sa tabi ni Aciano at umupo sa tabi ko saka ako niyakap at hinalikan sa noo.

Napayakap din ako sa kanya at malungkot na ngumiti dahil naalala ko na naman ang nanay ko. Tumulo ang luha ko ng maalala ang inay sobrang namimiss ko siya. Nakamove on na ako sa pagkawala niya pero mayroon pa ring mga times na kapag naaalala ko siya di ko mapigil na mamiss siya at maiyak.

"Habang nakikinig ako kay Mariyah kanina lalo akong humanga sayo. Sobrang tatag at lakas mo sa mga pinagdaanan mo. Napakatapang mo na nagawa mong palakihin mag-isa ang anak natin sa dami ng pinagdaanan mo. I'm so sorry baby at nagalit ako sayo dahil sa hindi mo pagsabi sa akin ng tungkol sa anak natin noong nagkaunawaan na tayo. I was hurt ng malaman kung nauna pang nalaman ng parents ko ang tungkol kay Aciano at hindi man lang nila sinabi sa akin. I hate the feeling na pinaglilihiman ako ng parents ko. But now i understand everything and i feel like i'm such a selfish jerk for getting angry at you. I'm sorry baby."

Di ko napigilan ang pagtulo ng luha ko dahil sa madamdaming sinabi ni Travis. Napayakap at napasobsob ako ng mukha sa dibdib niya.

"May kasalanan din ako sayo dahil naduwag akong sabihin kaagad sayo ang tungkol sa anak natin. Noong pinanganak ko kasi si Aciano never kong inasahan na magkikita pa tayong muli but fate brought me to your company. And here we are now."

Mahigpit akong niyakap ni Travis saka dinampian ng halik sa labi sa noo at sa ulo. Nakangiti kong ninamnam ang yakap at nakaka inlove na mga halik ng nobyo ko.

Finally, okay na kami ulit!

Nakapikit akong yumakap ng mahigpit sa kanya at bigla din napamulat ng mga mata dahil biglang sumampa si Aciano sa kandungan ko at ipinaikot ang mga braso nito sa leeg ko. Napahiwalay ng yakap sa akin si Travis at napayakap naman ako sa baby ko at baka ito'y mahulog.

The BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon