Pagkatapos namin kumain ay niligpit at hinugasan ko ang kinainan naming tatlo habang naglalaro ulit sa sala ang mag-ama.
Mag ten o'clock na nang gabi pero naglalaro pa rin ang dalawa. Mukhang walang balak ang anak ko na matulog. Nag half-bath na ako dahil inaantok na ako pero ang mag-ama ay hindi yata dinadatnan ng antok. Di ko na napigilan at pinuntahan ko na silang dalawa.
"Baby aren't you sleepy yet?"tanong ko kay Aciano.
Napaangat silang dalawa ng tingin sa akin.
Nakanguso na tumingin si Aciano sa daddy niya at halatang nilalabanan nito ang antok.
"Dito po ang daddy ko mag sleep mommy?"
Nakita kong napalunok si Travis at napakamot sa kilay. Parang nahihirapan sa isasagot sa anak.
"No son uuwi muna si daddy sa house ko. But don't worry i will come back here tomorrow."
Biglang napanguso si Aciano at parang gustong umiyak. Tumayo ito at tumakbo sa akin saka nagpakarga. Pagkabuhat ko sa kanya kaagad niyang niyakap ang mga braso sa leeg ko at isinubsob ang mukha.
"Baby are you okay?"
Naramdaman ko ang pag-iling niya habang nakasobsob sa leeg ko. Nilayo ko ang mukha niya sa leeg ko at pinaharap siya sa akin.
"Why are you sad? Are you sleepy na?"malungkot siyang umiling.
"No? Then why you look sad?"
Kumisap-kisap ang mga mata niya at nanginig bigla ang mga labi.
"I want daddy to sleep heye."halos pabulong niyang sabi at nangislap ang mga mata sa mga luhang gustong pumatak.
Napakagat-labi ako at tumingin kay Travis. Nagulat yata sa sinabi ng anak dahil napatitig ito kay Aciano at napapalunok.
"But baby wala na tayong extra room na patutulugan sa daddy mo. At saka baka may gagawin pa ang daddy mo doon sa house niya. He can come back here naman tomorrow so you'll see him again."
Bigla niyang isinobsob ulit ang mukha sa leeg ko. Naramdaman kong may mainit na likidong pumatak sa leeg ko. Malalim akong napabuntong hininga at napalunok na sumulyap kay Travis.
"Anak why are you crying akala ko ba hindi ka na iiyak kasi big boy ka na?"masuyong sabi ko sa kanya.
Napamasahe si Travis sa kanyang baba halatang apektado sa pag-iyak ng anak. Lumapit siya sa tabi ko at kinausap si Aciano na nakasobsob sa leeg ko.
"Hey big boy can you look at daddy?"masuyong pakiusap ni Travis.
Umangat ang ulo ni Aciano mula sa leeg ko.
"Why are you crying son? Hmm?"
Naramdaman kong pinahid ni Travis ang luha sa pisngi ni Aciano. Napalunok ako at halos matuod nang maramdaman ko ang mainit na hininga niya sa batok ko. Kahit pa nakatakip ang mahabang buhok ko at nakalugay sa aking likuran. Nakayuko ito kay Aciano na nakapatong na ngayon ang baba sa balikat ko.
"I want you mag sleep sa dito sa house daddy ko."umiiyak na sagot nito kay Travis.
Naestatwa ako ng biglang halikan ni Travis si Aciano sa noo. Kumiskis ang gilid ng pisngi niya sa pisngi ko. Nakiliti ako ng biglang dumampi sa leeg ko ang ilalim ng baba niyang may bagong tubo na mga bigote. Bigla nag-init ang mukha ko. Mahina akong napasinghap ng matapos niyang halikan sa noo si Aciano naramdaman kong parang inamoy niya ako sa leeg.
"Then you have to ask your mommy for that son if it's okay with her that i will sleep here." paos na sabi ni Travis. Napairap ako dahil pakiramdaman ko parang hindi naman siya kay Aciano nagsasabi kundi sa akin. At saka pwede naman siyang magsalita ng malayo ang mukha niya sa batok ko. Bakit ba dyan siya sa likuran ko at malapit sa batok ko nakikipag-usap kay Aciano? Umeepal na naman tuloy ang kulang sa pansin kong puso. Ang lakas na naman ng kabog.

BINABASA MO ANG
The Boss
RomanceWarning:Mature Content⚠️⚠️ Rated🔞🔞🔞 Dahlia Perez ang babaeng palaban sa lahat ng hamon ng buhay. Lahat gagawin para sa kanyang may sakit na nanay. Kahit ang magbenta ng katawan ay gagawin niya basta mapagaling lang ang kanyang ina. At nangyari yu...