Chapter 24

28.7K 383 2
                                    

Araw ng linggo walang pasok sa trabaho kaya alas otso na ng umaga nagising si Dahlia. Kaagad siyang pumasok sa banyo pagkabangon sa kama.

Paglabas niya sa banyo gising na ang anak at nakaupo na sa gitna ng kama na nakasimangot at parang iiyak. Pero pagkakita nito sa kanya kaagad na lumiwanag ang mukha at ngumiti. Mabilis na bumaba sa kama si Aciano at tumakbo papunta sa kanya. Kaagad itong yumakap sa mga binti niya.

"Good morning baby ko. Why you look sad kanina?"

"Because wala po ikaw sa dito. Niiiwan mo ako palagi. I miss you mommy."saka mahigpit niya akong niyakap sa binti.

Parang tinusok bigla ang puso ko sa sinabi ng anak ko at kaagad na binuhat ko ang baby ko at mahigpit na niyakap.

"Miss na miss ka rin ni mommy everyday baby kapag nasa work si mommy." Naaawa ako sa anak ko. Ganito palagi ang nangyayari kahit pa sobra dalawang buwan na akong nagtatrabaho. Sa tuwing magigising siya sa umaga umiiyak ito at hinahanap ako kaya palaging tumatawag sa akin ang bestfriend kong si Mariyah para makausap ako ng anak ko at tumahan ito. Kapag hindi kasi ako nakakausap ni Aciano ay hindi ito tumatahan. Nasanay kasi ang anak ko na sa tuwing paggising niya mukha ko kaagad ang nakikita simula ng ipanganak ko siya.

"Hindi mo ako niwanan mommy?"nabulol na naman ang baby ko.

"Never na iiwanan ko ang baby Aciano ko. Di ba sabi ko kaya lang naman ako umaalis dahil kailangan ni mommy mag work para may pang bili tayo ng milk at toys mo? Bumabalik naman si mommy at night di ba? Magkasama naman tayo pag night na at pag natutulog ka."

Tumango si Aciano na parang naintindihan ang sinabi ko.

"Mommy i won't dyink milk na po. At hindi na ako mag toys."nakanguso na biglang sabi nito.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Why baby? Why you don't want milk and toys na?"malambing na tanong ko.

"Paya hindi na po ikaw mag woyk."nakanguso nitong sabi.

Napangiti ako at nanggigil na hinalikan ang nguso niya. Ang cute kasi niya kapag nakanguso.

"Hindi pa rin pwede baby. Kahit na hindi ka na mag drink ng milk kailangan pa rin mag work ni mommy dahil kailangan natin ng pambili ng pagkain. Kasi kapag wala tayong food magugutom tayo. At saka pambayad ng kuryente kasi kapag di tayo magbabayad ng kuryente hindi mo na mapapanood sa tv si Peppa at George. At alam mo ba na kapag hindi ka na magdidrink ng milk hindi ka kaagad lalaki. Di ba gusto mo nang maging big boy?"

Tumango ito. "Opo."

"Then you still need to drink your milk at kahit big boy ka na kailangan mo pa rin magmilk para magkaroon ka ng strong bones. Di ba strong ka?"Tumango ito at tumataas pa ang dalawang kilay.

"That's because you drink milk everyday baby."saka hinalikan ko siya sa pisngi.

"Now, what do you want for breakfast?"tanong ko kay Aciano paglabas namin sa kwarto.

"Pancake at milk!"masayang sigaw nito.

Natatawa ako na dinala siya sa kusina at pinaupo sa mesa habang naghahanda ako ng ilulutong pancake. Gusto niyang tumulong sa akin kaya siya ang pinaghalo ko ng ginagawa naming pancake. Nilagyan ko lang ng itlog at evaporated milk ang pancake mix flour saka kunting tubig para di masyadong dry. Inulit ko na lang ang paghalo dahil may mga buo-buo pang flour ng pancake mix saka pinrito sa butter.

And as usual tuwang-tuwa ang anak ko na akala mo ay napaka espesyal ng niluto kong pancake. Masagana niyang kinain ang pancake at uminom ng gatas pagkatapos. Niligpit ko muna ang kinainan namin at tinakpan ang para kay Mariyah. Sigurado tulog na ngayon ang kaibigan ko at baka mamaya pa ito gigising pag nakaramdam na ng gutom.

The BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon