Chapter 16

26.7K 295 8
                                    

NPagbukas ko ng pinto nanuot kaagad sa ilong ko ang mabangong amoy ng mamahaling perfume ni Travis.

Tangina ang gwapo talaga ng lalaking ito. Nakakapanliit ang makapangyarihan nitong awra. Naka blue suit ito at mukhang papasok na sa opisina. Ang hirap talaga makipag eye to eye sa lalaking ito dahil pakiramdam ko tinutunaw niya ako sa mga titig niya. Nakakatuyo ng lalamunan pag kaharap siya.

"Hi Good morning!"nakangiting bati niya sa akin.

Napatikhim muna ako bago sumagot sa kanya.

"Good morning too. Napadaan ka?"

Napakamot ang binata sa batok nito saka inabot sa akin ang dala nitong paper bag. Di ko napansin may dala pala siyang paper bag.

"Ano yan?"

"Food. May nadaanan kasi akong restaurant tapos naalala kita kaya bumili ako at idinaan na lang dito."

"Oh."

Tinanguan ko siya saka kinuha ang paper bag na inaabot niya.

"Kamusta ang pakiramdam mo? I texted you this morning but you did not reply."

"May konting sinat lang pero okay naman ako. At saka kagigising ko lang kaya di ko pa naoopen cellphone ko."

"Oh okay. I have to go now. Hinatid ko lang yan sayo. May meeting pa kasi ako this morning. Don't forget to drink your medicine and eat the food."saka hinalikan niya ako sa gilid ng bibig.

Pumintig ang puso ko at napanguso ako para maitago ang biglang naramdaman saka ngumiti at tumango sa kanya.

"Thank you for this."namumula kong sabi.

Ngumiti siya sa akin.

"You're welcome. Message me if you have something in mind that you want and I'll buy and bring it here to you."

Tumango ako sa kanya at umalis na ito. Ako naman ay pumasok na rin sa bahay dala ang pagkain na hinatid ni Travis sa akin.

"Ay kabayo!"gulat na sambit ko. Pagpasok ko kasi ay nasa likuran ng pintuan ang bestfriend ko. At base sa hitsura nito ay nakikinig ito sa amin kanina ni Travis.

"Hmmn... Sa nakikita ko ngayon lang mukhang hindi simpleng boss at secretary ang nasaksihan ng mga mata ko ah. Mukhang may something e dahil may pahalik ang bossing."nakataas ang isang kilay na sabi ng  bestfriend ko.

Namula ang pisngi ko sa sinabi niya kaya lalong tumaas ang isang kilay nito habang tinititigan ako sa mukha. Alam kong wala talaga akong kawala sa kaibigan ko kaya kinuwento ko na lang sa kanya ang mga nangyari sa amin ni Travis.

"So you mean wala ka pang isang buwan sa trabaho mo bumigay kaagad yang pichi-pichi mo sa boss mo?"napakagat labi ako at namumula ang mukha dahil bigla ako nakaramdam ng hiya.

Inilapag ko ang paper bag sa mesa at umupo sa upuan ganun din ang bestfriend ko.

"Ay iba din! Sabagay di kita masisisi kahit ako din siguro ang nasa sitwasyon mo bubukaka din ako agad. Aba! Ang makatikim ng ganun ka hot at ka yummy'ng pogi ay malaking blessing na. Dagdag pang siya mismo ang humarot sayo. Iba din ang ganda mo bes nakakahaba ng hair ha."

Natawa ako sa kaibigan ko. Akala ko magagalit siya sa akin dahil di ko kaagad sinabi sa kanya. Pero ang nangyari ay kabaliktaran. Masaya siya para sa akin kaya nakakatuwa lang dahil siya ang tipo ng kaibigan na support palagi sa kung anong ginagawa ko sa buhay. Hindi siya katulad sa ibang kaibigan na huhusgahan ka kaagad o kaya naman ay pagbabawalan. Si Mariyah ang tipo ng bestfriend na may pagka open minded as long as alam niyang wala naman akong inaapakang tao at ginagawan ng masama talagang support siya sa akin. At ganun din ako sa kanya. Pareho kaming may respito sa mga desisyon sa buhay ng bawat isa.

The BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon