I was on my cubicle office preparing and arranging my things on my table ng dumating si Travis. It's only quarter to seven when i look at my watch. Ang aga naman yata ngayon ng boss ko.
"Good morning! Please come inside my office."agad na bungad nito.
Tinaasan ko siya ng kilay pero kaagad din akong umayos dahil nakikita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin sa amin ang mga office mates ko. Sigurado kunting mali lang na kilos ko dito pagchichismisan na nila. Marami pa naman mga chismosa dito.
Nauna siyang pumasok sa office niya at sumunod ako.
Pagkasara ko ng pinto ay agad niya akong hinila at mapusok na hinalikan sa mga labi. Di ko napaghandaan ang ginawa niya kaya nagulat ako at napanganga na siyang ginawa niyang pagkakataon para maipasok ang kanyang dila sa bibig ko.
"Uhmmm..."ungol ko habang naghahalikan kami. Ikinawit ko ang dalawang kamay ko sa leeg niya at sinagot ang mga halik niya.
Habol ang hininga namin ng pakawalan niya ang mga labi ko. Sinobsob ko ang mukha ko sa dibdib niya at sunod-sunod na huminga. Pakiramdam ko biglang naubos ang hangin sa katawan ko dahil sa tagal ng halikan namin. Halos hindi niya man lang binigyan ng hangin ang mga labi namin at parang hayok sa mga labi ko.
"I miss you."bulong niya sa tainga ko.
Biglang nag-init ang mukha ko pababa sa katawan ko dahil sa biglang pagdampi ng mainit niyang hininga sa tainga ko. Isinobsob ko ang mukha ko sa dibdib niya ng maramdaman ang biglang pagpintig ng puso ko at pag-init ng mga pisngi ko. Sa kanya ko lang naramdaman ang ganito lalo na tuwing nasa tabi ko siya o kaya marinig ko lang ang boses niya.
"I miss you too."nahihiya kong sagot sa kanya. First time kong makipag lambingan sa isang lalaki kaya parang hindi ako sanay at nahihiya pa. Naramdaman kong humigpit ang yakap niya sa akin.
Maya-maya pa ay pinakawalan niya rin ako sa mga yakap niya. Ginawan ko siya ng kape bago bumalik sa table ko at nag-umpisa sa aking trabaho.
Busy ako sa harap ng computer ng mapansin kong biglang tumahimik ang mga kaopisina ko. Kanina may naririnig pa akong mga nagkukwentohan habang nagtatrabaho sila pero ngayon naging seryoso ang lahat. Tiningnan ko ang dahilan ng biglang pagtahimik ng mga officemates ko.
Then i saw a beautiful and sophisticated woman walking with a powerful aura to Travis' office. Bawat galaw nito ay halatang may class. Bumabati ang lahat ng empleyadong nadadaanan ng ginang. Napalunok ako ng tumingin ito sa kinaroroonan ko at deretso ang lakad nito papunta sa office ni Travis ngunit bigla itong tumigil sa harap ng cubicle ko.
"Hi! Are you the new secretary of my son?"seryosong tanong ng magandang ginang sa akin habang tinititigan ako sa mukha. Napalunok ako at napakurap.
My son daw? Ibig sabihin mommy ito ni Travis? Parang di naman siya mukhang nanay. Mas mapagkakamalan ko pa nga siyang ate ni Travis. Di makapaniwala na sabi ng isip ko.
Tumikhim muna ako bago sumagot. "Y-yes po ma'am. I am M-mister Smith's new s-secretary."nauutal kong sagot.
Tumaas ang isang kilay ng ginang. Naramdaman yata na kinakabahan ako. Paano naman kasi na hindi ako kakabahan? Katulad ni Travis may makapangyarihang awra din ito. Halata ang pagiging maawtoridad at istrikta nito. Kung makatitig ang ginang parang binabasa nito ang laman ng isipan mo.
"What's your name hija?"seryosong sabi ng ginang at hindi man lang inaalis ang pagtitig nito sa mukha ko na lalong nagpapakaba sa akin. At hindi ko maintindihan kong bakit ba ako kinakabahan sa ginang gayong ngayon ko pa lang ito nakilala.
Hindi kaya dahil sa ina siya ni Travis at takot kang makitaan niya ng mali?sabi ng isip ko at napalunok ako.
"I'm Dahlia Perez po ma'am."magalang kong sagot.
![](https://img.wattpad.com/cover/312005761-288-k193991.jpg)
BINABASA MO ANG
The Boss
RomanceWarning:Mature Content⚠️⚠️ Rated🔞🔞🔞 Dahlia Perez ang babaeng palaban sa lahat ng hamon ng buhay. Lahat gagawin para sa kanyang may sakit na nanay. Kahit ang magbenta ng katawan ay gagawin niya basta mapagaling lang ang kanyang ina. At nangyari yu...