Iba't ibang kulay ng ilaw ang bumungad kay Dahlia at sa kaibigan niyang si Mariyah pagkapasok nila sa loob ng isang sikat at pang mayamang club.
Agad niyang hinawakan ang kamay ng kaibigan at hinila ito papunta sa madilim na parte ng club. Simula kasi ng umalis sila sa bahay ay halos hindi na siya makahinga sa kabang nararamdaman dahil sa plano nila ni Mariyah.
"Pag di mo kaya bes pwede ka umurong. Hahanap na lang tayo ng ibang mapagkukunan ng pera para sa operasyon ng nanay mo. Wag mo pilitin ang sarili mo kung sa tingin mo di mo talaga kaya."nag-aalalang sabi ni Mariyah.
"Sa tingin mo bes maiisip ko bang gawin to kung alam kong may iba pa akong alam na pwedeng mapagkuhanan?"
"Okay sarry nemen bes. Nag-aalala lang ako kasi kanina ka pa parang natatae eh. Halata ka masyado na kabado. Dapat chill lang."
"Gaga sino ba naman ang hindi kakabahan first time kung gagawin to. Palakasin mo na lang ang loob ko kasi."
"Okay, para kay nanay Rosie kaya mo to."naaawang sabi ni Mariyah
"Wag kang ganyan bes. Ramdam ko ang ka oa-han mo kahit madilim nararamdaman ko ang pagdadrama mo."
"Eh kasi naman eh. Naaawa ako sayo bes."malungkot na sabi ng kaibigan.
Nalulungkot man si Dahlia sa plano niyang gagawin ngayong gabi pero kailangan niyang maging matatag. Binura niya na ang salitang pagsuko sa isipan niya at ang meron siya ngayon ay tapang para gawin ang sa tingin niya ay kailangan.
Huminga muna siya ng malalim at pinahid ang luhang pumatak sa pisngi saka hinila ang kaibigan papunta sa loob ng banyo.
Tiningnan niya ang kanyang hitsura sa salamin. Kailangan maganda siya at magmukhang matured dahil baka may makahalata sa kanya na isang desi-siete anyos pa lamang siya. Ilang araw din nila ni Mariyah inaral ang paglalagay ng make up para lang matakpan ang under age nilang mukha. Bawal kasi sa club na ito makapasok ang mga under age twenty. Kaya talagang inaral nila sa youtube ang maglagay ng make up na magpapamukhang matured sa hitsura nila. At ngayon nga ay success at nalusutan nila ang gwardiya na nagbabantay sa pintuan at ganun din ang mga bouncer. At idagdag na rin ang malaki nilang bulas ng katawan na di aakalain ninuman na mga teenager pa sila.
"Bes okay na ako pwede ka na umuwi. Tatawagan na lang kita."sabi ni Dahlia kay Mariyah ng masiguro na okay na siya.
"Sure ka na ba talaga bes at hindi na talaga kita mapipigilan sa plano mong 'to?"
"Oo bes sure na ako. Bahala na para sa nanay ko na gusto ko pang makapiling ng mahabang panahon. Gagawin ko to ng walang pagsisisi."
Napangiwi ang kaibigan sa kanya. "Okay bes susuportahan kita dito sa plano mo kahit pa sobra talagang labag sa kalooban ko ito."
"Wag kang oa bes please. Kinakabahan na nga ako e. Wag mo naman pahinain ang loob ko. Basta pagkatapos nito pinapangako ko sa sarili ko na hindi na ako mag-aasawa. Makakuha lang ako ng perang kailangan ko para kay nanay para gumaling siya okay na ako dun."
"Sana matulad ka sa ilang pulitiko na mapako iyang pangako mo sa sarili. Amen."sambit ng kaibigan na tumingala at nag sign of the cross pa.
"Hintayin kita sa bahay ha. Goodluck. I-enjoy mo lang ang gagawin mo mamaya kung matuloy man. Gayahin mo yung babaeng napanood natin na nag-eenjoy lang. Mahirap na baka magkatotoo ang sinabi mo. Enjoyin mo na para sa pagtanda mo may madala kang alaala na minsan sa buhay mo ay nakatikim ka ng tinatawag nilang langit."saka humalakhak si Mariyah.
Natatawa siyang hinampas ng mahina sa balikat ang kaibigan . "Sige na lumayas ka na baka mamaya tumawag pa sayo ang tiyahin mong madre madadagdagan na naman ang kasalanan mo sa langit sa mga pagsisinungaling mo."natatawang sabi niya.

BINABASA MO ANG
The Boss
RomantikaWarning:Mature Content⚠️⚠️ Rated🔞🔞🔞 Dahlia Perez ang babaeng palaban sa lahat ng hamon ng buhay. Lahat gagawin para sa kanyang may sakit na nanay. Kahit ang magbenta ng katawan ay gagawin niya basta mapagaling lang ang kanyang ina. At nangyari yu...