Chapter 33

30.3K 318 11
                                    

Mabilis kong hinawakan si Travis sa kanyang braso at iginiya palabas sa women's undergarments store. Ayaw pa nitong umalis pero pinanliitan ko siya ng mga mata at ipinakita ko na galit ako. Halos suntokin na nito ang baklang manager. Kaya bago pa nito magawan ng hindi maganda ang inosenteng manager ay lumabas na kami sa store.

"Really Travis? Pati ba naman ang taong walang ginagawa kundi gusto lang mag-assist sa akin habang namimili ako dahil yung size ng bra na gusto ko ay wala sa mga nakadisplay? Narinig mo namang sinabi niya na may kinuha pa sa stock room ang sales lady na talagang nakabantay doon. For goodness sake! Don't you see that he's a gay? And he is the manager of the store syempre nakita niyang nangangailangan ng assistance ang customer nila which is me at bilang manager ng store mabait niya akong inassist habang ang sales lady na nakabantay ay may iba pang ginagawa. Nakakaloka ka talaga!"

"I don't care if he is a gay baby. He is still a man and it is improper for a women's undergarments store to let a man assist to a lady customer. Wala bang ibang sales lady sila na pwede niyang utusan para mag-assist sayo habang namimili ka ng bra mo? Fuck him! Even the size of your--"

Matalim ang mga mata na tiningnan ko siya kaya di niya naituloy ang sasabihin. Karga nito si Aciano at mukhang di niya na naisip na may batang nakakarinig sa mga pinagsasabi niya. Umiigting ang panga at nandidilim pa rin ang mukha nito. Naiinis na kinuha ko sa kanya si Aciano dahil halatang natatakot ito sa nakikitang galit sa hitsura ng daddy niya.

"Mommy angey ang daddy ko. Tatakot po ako."sabi kaagad ni Aciano pagkakarga ko sa kanya at alam kong narinig iyon ni Travis dahil medyo malakas ang pagkakasabi ng bata.

Biglang lumambot ang nag-iigting na mga panga nito at marahas na bumuntong-hininga saka napahilamos para alisin ang galit na expression sa mukha.

"I'm sorry. I forgot that Aciano is with me. Bigla kasing uminit ang ulo ko nang makita kong masaya kang nakikipag-usap sa lalaking yun habang pareho niyong hawak ang bra. Tapos maririnig ko pang tinatanong ka niya ng bra size mo at sinabi mo naman sa kanya."sensero ang paghingi nito ng pasensya pero ng huli ay nakita kong mariin na ikinuyom nito ang mga palad at halatang pinipigil ang galit dahil nakatingin dito si Aciano.

"Syempre sasabihin ko ang size ko. Paano siya hahanap ng bra para sa akin  kung hindi ko sabihin ang size ko."halos pabulong pero may inis sa boses na sabi ko dahil nakikinig sa amin si Aciano.

"Fuc---"

Masama ko siyang tiningnan."Isang mura pa talaga Travis sinasabi ko sayo hinding-hindi na kita palalapitin sa amin ng anak mo."

Bigla siyang napalunok at natakot. Parang bata na pinagalitan ng ina na napakamot sa batok. Pilit na pinapalambot nito ang galit na mukha. At dahan-dahan na hinaplos ang buhok ng anak saka tumingin sa akin.

"Baby naman wag mo naman akong takutin ng ganyan."

Tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Sa tingin mo tinatakot lang kita? I'm serious Travis."sabi ko sa seryosong boses.

Napalunok at mahina itong napabuntong hininga. Halatang natakot ng marinig ang kaseryosohan at galit sa boses ko.

"O-okay."nautal na sabi nito. Narinig ko pa ang mahinang mura nito pero di ko na pinansin.

Tinalikuran ko siya at mabilis na naglakad papunta sa escalator. Mabilis naman siyang sumunod sa akin at kinuha sa mga bisig ko si Aciano. Wala kaming kibuan habang naglalakad.

"Daddy ko bili na po tayo ng toy ko?"narinig kong tanong ni Aciano kay Travis. Napakunot-noo akong lumingon at humarap sa kanila dahil nasa likuran ko lang sila ni Aciano. Natakot yata sa galit ko kaya imbes na  katabi ko itong maglakad nakasunod lang ito sa likuran ko habang karga si Aciano.

The BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon