Chapter 40

40.2K 558 78
                                    


"Good evening everyone! Before this  night ends i want to thank you all for coming here tonight especially to my parents for organizing this surprise birthday party for me. Mom,dad thank you!"sabi ni Travis at nakangiting tumingin sa table ng kanyang mga magulang. Ngumiti naman ang mga magulang nito sabay taas ng mga wine glass ng mga ito sa binata.

"And of course to the most special woman in my life aside from my mother. To my beautiful and lovely  girlfriend, baby thank you so much. Mom told me that it is you who puts all the efforts to make this surprise birthday party wonderful. And tonight i want everyone here to know that i am the luckiest person on earth for having you in my life baby."seryosong naglakad si Travis palapit kay Dahlia. Malapad naman ang ngiti na sinusundan ng tingin ni Dahlia ang boyfriend.

Tumikhim si Travis pagkatapat sa harap ni Dahlia. Agad na tumayo ang dalaga paglapit ni Travis. Katabi nito sa table ang mga magulang ni Travis at ang anak nilang si Aciano.

"Baby thank you for always understanding me. I know sometimes you feel irritated because of my possessiveness to you but i am not sorry about that. Sobra kasi kitang mahal na ang titigan ka lang ng ibang lalaki ay nagpapainit na agad sa ulo ko. Ayokong may ibang tumititig sa babaeng mahal ko maliban sa akin."nakasmirk na sabi ng binata at seryosong nakatitig sa kanya. Biglang sumipol at naghiyawan ang mga kaibigan sa sinabi ng nobyo. Natawa ang mga taong naroon. May kaibigan pang sumigaw ng 'idol' na lalong ikinatawa ng mga taong nakapaligid at nanonood sa kanila.

"Baby i want you to know that the day you came into my life you become my air that I can't live without. You become my sunshine that makes my day beautiful everytime i wake up in the morning and your face is the first thing that i saw. You're the only woman who can make me smile everyday. Only your smile can capture my eyes and make me mesmerized. And everyday you make my heart beats fast. Thank you for giving birth to our son. Having you and Aciano in my life is the best thing that god has given me."madamdaming sabi ni Travis. Saglit itong pumikit at tumingala sa mga bituin. Ipinasok nito ang kamay sa bulsa ng pantalon sabay mahinang bumuga ng hangin na parang kinakabahan. Bigla rin itong pinawisan.

Biglang lumuhod si Travis sa harap niya sabay bukas ng maliit na pulang kahon. Napasinghap siya at ang mga tao sa paligid nila. Hindi niya inasahan ang pagluhod ng kasintahan. Travis slowly open the box while his kneeling in front of her. And inside the box is a fifteen carat graff diamond ring. Napanganga at napatakip siya sa bibig. Nanlaki ang mga mata niyang tumitig sa nobyo at biglang tumulo ang luha sa pisngi niya.

"You are the only woman that i want to spend my life with forever, baby. Will You Marry Me?"nangungusap ang mga matang tanong ni Travis sa kanya.

Hindi napigilan ni Dahlia ang sunod-sunod na pagtulo ng kanyang mga luha. Hindi niya inaasahan na magpopropose ngayon ang kasintahan niya sa kanya. Na shock siya.

"Mommy say yes to my daddy po."biglang malakas na sabi ni Aciano sa tahimik na paligid dahil nakaabang ang mga tao sa magiging sagot niya. Nagtawanan tuloy ang mga bisita sa biglang pagsigaw ng anak.

"I'm sorry!"biglang nasambit niya mula sa pagkabigla saka pinunasan ang luha sa pisngi. Biglang  rumehistro ang takot sa mukha ni Travis pagkarinig sa dalawang salitang lumabas sa bibig niya.

"I mean YES! Yes babe i will marry you."masaya at tumatango na sagot  niya habang namamasa sa luha ang mga mata niya. Masayang  nagpalakpakan ang mga tao sa paligid nila.

Kaagad namang tumayo si Travis at mapusok na hinalikan ang mga labi niya.

"Daddy stop eating mommy's mouth!"sigaw ni Aciano na ikinatawa nila at ng mga bisita.

Mabilis na isinuot ni Travis ang singsing sa left ring finger ni Dahlia. At pinatakan ng halik sa noo ang ngayon ay fiancee na.

"I love you so much baby."

The BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon