Simula

581 13 1
                                    

He's Series #1: Riegzuel Vin Mariano



DISCLAIMER: This word of fiction, names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events is purely coincidental.



Expect grammatical errors, typographical and loopholes in every part of this story, but I will edit it if I have a spare time. Thank you for your understanding.



CONTENT WARNING: This story contains strong language and explicit situation that are not suitable for very young audiences. Reader discretion is advised. Read at your own risk.



All Rights Reserved 2022

•••

"Zeryne, seryoso ka ba?"





"Bakit? 'Di ba nagpapatulong ka sa'kin na hanapan kita ng company na pagtatrabahuhan mo? O, ayan." Aniya saka inilatag ang iPad niya, saying they're looking for a secretary.





I looked at her iPad. Hindi ang mga requirements ang tinitignan ko. It's the name of the owner of that company na siya ring naghahanap ng secretary. Sobrang yaman talaga niya. Kahit saan kami magpunta, makikita at makikita ang pangalan niya.





Parang napansin ni Zeryne ang pagkakatitig ko sa pangalan kaya bumuntong hininga ito at hinawakan ang magkabilang balikat ko at pinaharap niya ako sa kaniya.





"Past is past, Lynxy Kate Salcedo. Why are you being affected?" Tanong niya kaya napabuntong hininga ako saka umupo sa upuan.





"Hindi ko kasi alam kung makakaya ko..."




"Makakaya mo 'yan. Ikaw pa ba? Dumaan ka na sa napakaraming pagsubok. Malalagpasan mo 'yan. If matanggap ka, just put on your mind, tra-ba-ho-lang-to."





"Pero-"





"Walang mawawala kung susubukan mo. If matanggap ka, then magkakaroon ka pa ng maayos na trabaho na pagkukuhanan mo ng pera pangtustos sa pag-aaral ng kapatid mo at para hindi mo na po-problemahin ang babayaran mo sa abogado."





Napahilamos ako sa mukha ko gamit ang palad ko. Tumingin ako sa kaniya saka huminga nang malalim.





"Ano? Gusto mo ba or hindi? Mahirap na'ng maghanap ng trabaho these days." Aniya kaya nakatikom ang bibig kong tumango.





Zeryne sat beside me. "Sasamahan kita sa interview mo, okay? Best friends tayo. Susuportahan kita sa bawat desisyon mo. Nasa likod mo lang ako, okay?"





"Nasa tabi kita." Walang ganang sabi ko kaya agad niya akong binatukan. Natawa na lang ako.





"Ready mo nalang mga requirements mo. Bukas na 'yung interview." Napairap ako saka tumayo.





"Yes, Madam." Sabi ko saka dumeretso sa kwarto at iniwan siya sa dining.





Nang gumabi na, hindi ako mapakali. Prina-practice ko ang mga isasagot ko pero napapatunganga ako sa kisame habang iniisip kung anong mararamdaman ko bukas.





What if nandu'n siya? Sana human resources ang mag-interview...





Napabuntong hininga ako saka umupo at sumandal sa headboard ng kama. Nasa tabi ko si Laze- kapatid ko.





HE'S SERIES #1: Riegzuel Vin MarianoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon