“Lynxy, I’m telling you. Mahirap at nakakatakot kalabanin ang isang Riegzuel Vin Mariano.”
Napabuga ako ng hangin kasabay ng pagbagsak ng balikat ko.
Nandito kami ngayon sa kwarto nina Ninang Lidia. Naka-upo ako sa kama nila habang siya nakatayo sa harap ko, pinagsasabihan ako as if isang maliit na bata na nakabasag ng isang mamahaling vase.
“Ninang, hindi ko naman po siya kakalabanin, eh. Actually, I’m already planning to distance myself from him. Kaso ayun nga po, nagpumilit po siya.”
Kanina pa ako nagpapaliwanag pero sige pa rin siya nang sige sa pangangaral sa’kin.
“Mom can I borrow— oh, Lynxy, nandito ka pala?” Pareho kaming napatingin ni ninang kay Sierra na kapapasok lang ng kwarto.
She alternately looked at me and ninang. “May nangyari ba?”
“Ito kasing kinakapatid mo, kasamang dumating dito si Mr. Mariano.”
Tuluyang pumasok si Densier saka humalukipkip. “I don’t see anything wrong about it, Mommy.”
Hindi makapaniwalang tinignan ni ninang ang anak niya.
“Densier Jae Vanderlipe.”
“What?” Humarap si Sierra sa mommy niya matapos kunin ang laptop nito.
“Mom, nagkakilala sila sa after-party ko so don’t worry. I know naman na inalagaan siya ni prof nu’ng gabing ‘yun.”
Pinanlakihan ko siya ng mata.
“Ano?!” Nerbyos na tanong ni ninang.
I’m really doomed.
“Anong inalagaan noong gabing ‘yon?!” Tumingin si ninang sa’ming dalawa ni Sierra. “Densier Jae, Lynxy Kate.”
Tumingin ako kay Sierra. Tinanguan ako ng gaga.
“Ganito po kasi ‘yan ninang,” humugot ako ng hangin saka nagsimulang mag-kwento.
Kwinento ko lahat ng nangyari mula umpisa. Kung paano kami nagkita, nagkakilala, kung ano’ng dahilan, hanggang ngayon.
“Gosh, akala ko sa after-party kayo nagkakilala.” Kumento ni Sierra.
BINABASA MO ANG
HE'S SERIES #1: Riegzuel Vin Mariano
RomanceGirls mostly fell for their crushes. Sometimes at their suitor, the one they interact through online platforms such as: dating apps, Facebook, Instagram, Snapchat, Twitter, etc. Meron din 'yung iba na sa maling tao nahuhulog, meron din sa sure na si...