Kabanata 7

132 7 0
                                    

"May we now hear for Lynxy Kate Salcedo."





Agad akong nagtungo sa kung nasaan ang mic- sa tabi ni Densier kung saan siya naka-upo.





"Okay, so, wala akong na-ready na kodigo ko, but, firstly, happy birthday, Sierra!" Paninimula ko.





"Sierra's a good friend and good sister as well, though we aren't blood related. She treated me as if I'm her real Ate, as well as Ninang Lidia and Ninong Paolo. I'm grateful to have them and to be part of their family." Tumingin ako kina Ninang Lidia at nakangiti sila sa'kin. "Going back... Sierra, thank you for all your help. Sa materyal man na bagay o sa pagmamahal na ipinadama mo sa'min ng kapatid ko. I could only wish for you is to keep moving forward with your dreams. Chase your dream and be authentic always."





"Again, happy birthday, enjoy your day. I love you always."





Sierra mouthed 'thank you' so I smiled and nodded. Bumalik na ako sa table namin at pinanood ang mga nagbibigay pa ng massage nila para sa debutant.





Limang araw na ang lumipas mula nang mangyari 'yung gabing 'yun. Hindi ako nakatulog no'n. Pero pinagluto ko na lang sila bago sila umuwi noon. Baka kasi magutom si Zelle.





At sa limang araw na lumipas, hindi ko pa rin nakikita si Riegzuel. Kahit pa messages, wala akong natanggap. And that makes me feel bad.





At aaminin ko, namimiss ko ang presence niya.





"Lynxy, attend ka after-party, ha?" Pag-aaya ni Densier nang makarating siya sa table namin.





"Pero-"





"Kesa naman mag-isa ka sa room. Kailangan mo rin mag-enjoy, uy."





Ngumiti na lang ako saka tumango. Ipagpipilitan niya rin naman kapag humindi ako. Nagmana sa nanay.





Sa isang five-star hotel dito sa BGC ginanap ang debut ni Sierra.





At nang matapos nga ang party ni Densier, sumama na sina Laze kina Ninang Lidia habang kami naman ni Densier ay dumeretso sa inokupa niyang kwarto para sa'ming dalawa at nagpalit na.





"Here, suot mo 'to," sabi ni Densier sabay latag ng two-piece na swimsuit.





"Uhm..."





"Ah right, hindi ko nasabi, pool party."





Napatango na lang ako saka kinuha 'yun.





"May mga damit ako sa cabinet, pwede mong gamitin, and I have an extra cover-up there. You can use it." Rinig kong sabi niya pagkapasok ko ng banyo.





That's what I really like about Sierra. She's willing to share her things to me. Even to Laze. Only daughter lang si Densier kaya lahat ng gusto niya, binibigay nila. And hindi siya gaya nu'ng iba na sobrang spoiled. Alam niya kung paano limitahan ang hinihingi niya sa mga magulang niya.





Nang maisuot ko na, itinali ko muna ang buhok ko into a ponytail saka na lumabas.





"Bagay nga talaga sa'yo 'yang red." Aniya habang pinapasadahan ng tingin ang katawan ko. "Ang sexy mo! Sana all."





"Sexy ka rin naman, ah!"





"Mas sexy ka."





"Payat lang 'to." Sabi ko kaya sabay kaming natawa.





HE'S SERIES #1: Riegzuel Vin MarianoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon