Kabanata 28

130 3 0
                                    

"Naks, ang sexy, ah?"





Mahina akong natawa saka umiling. Inilagay ko ang takip ng flask ko saka tumingin kay Zeryne. 5 AM pa lang pero gising na kami nina Zeryne para mag-exercise sa gym, malapit dito sa condo.





I'm wearing a black sports bra, a pair of black leggings and white sneakers. Nakasuot rin ako ng headband habang nakatali ang buhok ko into a high ponytail.





"Matagal na,"





Mahina siyang tumawa saka naglagay ng tubig sa flask niya.





Zeryne's wearing a pink and black sports bra, pair of black leggings and white sneakers. Nakatali rin ang buhok niya into a high ponytail.





Si Selena, pareho kay Zeryne pero green ang kulay ng bra niya. Okay lang sa kaniya na umalis dahil dumating naman 'yung hinire nu'ng ina ni Selena na magbabantay kay Cly dahil may business trip sa Sydney. Magaling naman na si Clylene. Nagpupumilit na ngang pumunta sa seaside.





When we're already settled, we went out the unit. Nagpa-duplicate ng susi si Selena at ibinigay 'yun sa'min para makapasok pa rin kami kahit wala siya.





Monday ngayon at maya-maya makikita ko na naman siya. Iniisip ko pa lang, kinakabahan na 'ko. 'Yung past secretary niya, ibinigay niya lahat ng mga sched niya for today mula kahapon. Kailangan ko pang gumawa ng ibang email para du'n mag-set ng appointment ang iba.





Bumukas ang elevator at agad na bumungad sa'min sina Livo, Syl at JL na nakasuot ng white shirt, pair of black athletic shorts and white sneakers. May hawak din silang flask.





Gulat silang napatingin sa'min.





"Gago, ano'ng ginagawa n'yo rito?" Mabilis na tanong ni JL. Hindi pa kasi nila alam na nandito kami.





"Huh? Wala, nandito kami para maglaro, 'no, Lynxy?" Pambabara ni Zeryne kay JL. Natawa kaming tatlo nina Syl at Livo dahil nagsama na naman 'tong dalawa.





Sumakay na kami ni Zeryne. Tumabi ako kay Livo habang si Zeryne kay JL at si Selena kay Syl.





"Hoy, Lynxy," napalingon ako kay JL.





"Kawawa si Boss Livo sa ginawa mo," sabi niya kaya nangunot ang noo ko.





"Ano'ng ibig mong sabihin?"





"Kasi kapag nakahaharap niya si Sir Riegzuel, napaka-seryoso niya kay Livo." Sabi niya saka tumawa at bahagya pang hinampas si Syl sa braso.





Napatingin ako kay Livo. "Seryoso?" Tanong ko.





Mahina lang tumawa si Livo bago lumabas nang bumukas ang elevator.





Mabilis ko siyang sinundan.





"Uy, totoo nga?"





"Oo," tipid na sabi niya. Hinawakan ko ang braso niya para bagalan niya ang paglalakad. Matangkad ako, oo pero mas matangkad siya!





"Sorry," napayuko ako. Tumingin siya sa'kin saka ngumiti at umakbay.





"Ano ka ba, okay lang 'yun. Ito naman," Tipid lang akong ngumiti. I missed this man, to be honest.





I wrapped my left arm around his waist hanggang sa makarating kami sa gym.





Wala masyadong tao gaya kahapon kaya mas maayos. We all start our warm up before nagkanya-kanya.





HE'S SERIES #1: Riegzuel Vin MarianoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon