"Apat na taon na po simula noong namatay sina mama't papa,"
Napatango ako nang nagsimula nang magkuwento si Anthony tungkol sa buhay nila.
Naka-uwi na 'ko, kanina pa. Maaga ring nagsara ang Café kaya naman saktong hapunan, nakarating ako sa apartment.
"Pareho lang pala tayo," pabulong na sabi ni Laze pero sakto lang para marinig naming lahat.
"Pati po kayo wala ng magulang?" Inosenteng tanong ni Sean.
Tumango ako.
"Apat na taon na rin ang nakararaan nang namatay sila." Sagot ko. "Anong ikinamatay nila?" Tanong ko pa.
"Kay mama, cardiac arrest po. Habang kay papa, nabangga po ng truck pagkatapos malaman na namatay si mama." Sagot ni Anthony.
Nasa loob na ng kwarto sina Herbert at Aliyah. Inantok na kasi si Aliyah kaya naman sinamahan na ni Herbert. Pansin ko rin na mas close si Herbert kay Aliyah.
"Kayo po?" Na-conscious ako sa tanong ni Sean. Hindi namin pinag-uusapan ang pagkamatay nina mommy at daddy. Mas lalo lang sumasakit.
Mapait akong ngumiti. "Car accident." Simpleng sabi ko.
Napansin kong napa-iwas ng tingin si Laze para itago ang nagbabadyang luha. Katabi ko lang siya kaya kita ko ang pagkinang ng mata niya dahil sa luha na natamaan ng ilaw.
"So apat na taon kayong nasa lansangan?" Pag-iiba ko ng topic. Feeling ko mas matibay pa 'tong mga bata kesa sa'min ni Laze. Pero siguro tanggap na nila, habang kami, hindi pa.
"Tumakas po kami sa tiyahin namin dalawang buwan mula ngayon." Sagot ni Sean. "Sobrang salbahe po kasi niya. Ni minsan hindi kami pinagbuhatan ng kamay ng mga magulang namin tapos sila, kahit walang kalaban-labang bata, sinasaktan nila." Si Aliyah ang tinutukoy niya.
Kita ko kung pa'no kumuyom ang mga kamao nila habang napupuno ng luha ang mga mata. Nang mahulog ang luha nila, nakakuyom pa rin ang kamay nilang pinunasan ang luha nila.
Napabuntong hininga na lang ako saka tumabi sa kanila sa sofa na kinauupuan nila saka sila inakbayan.
"Don't worry, hangga't nandirito kayo sa'min, hinding-hindi kayo makararanas ng pagmamaltrato." Sabi ko kaya napangiti sila. Yumakap sila sa'kin kaya yumakap din ako pabalik.
Nagkwentuhan pa kami tungkol sa nangyari sa kanila at ang masasabi ko, pare-pareho lang kami ng pinagdaanan. Naulila, tumira sa kamag-anak, minaltrato, tumakas, naging palaboy sa daan, natulungan. 'Yan ang nangyari sa'min.
"Ate bakit ganoon?" Tanong ni Laze sa'kin habang papasok kami sa kwarto, katatapos lang naming isara lahat ng pinto.
"Ang alin?" Tanong ko.
"Bakit napakaraming taong mapagmaltrato?" Tanong niya. I looked at her and I saw how her eyes shine because of her tears. "Ang sasama nila. Kahit pa kamag-anak sinasaktan nila," and her tears started to stream down her cheeks.
Bigla akong nakaramdam ng awa sa kapatid ko kaya niyakap ko ito. Niyakap niya ako sa bewang ko saka isinandal ang ulo sa dibdib ko.
Hinaplos ko ang buhok niya saka bumuntong hininga. Mabilis lang umiyak ang kapatid ko, pero alam niya kung pa'no solusyonan ang mga pinoproblema niya.
BINABASA MO ANG
HE'S SERIES #1: Riegzuel Vin Mariano
RomanceGirls mostly fell for their crushes. Sometimes at their suitor, the one they interact through online platforms such as: dating apps, Facebook, Instagram, Snapchat, Twitter, etc. Meron din 'yung iba na sa maling tao nahuhulog, meron din sa sure na si...