Kabanata 2

160 4 0
                                    

"Kahit talaga disente ang pananamit pagsasamantalahan n'yo?"

Sabay-sabay kaming tatlong napatingin sa likod ng kaharap ko nang may nagsalita mula roon. Sir Riegzuel. "Men are saying, 'ayusin kasi ninyong mga babae ang pagsusuot n'yo ng damit para 'di kayo mabastos' yet I can see that was not the solution to prevent rape." Dagdag pa niya.

"Bakit sino ka ba?" Tanong ng lalaking nasa harap ko.

"Taong nagmamalasakit."

"Kilala mo ba kung sino tatay ko?" Tanong ulit nang lalaking nasa harap ko.

"Anong pakialam ko sa tatay mo? At bakit mo tinatanong sa'kin? 'Di ba sinabi sa'yo ng nanay mo?" He said with full of sarcasm.

"Aba bastos 'to, ah-"

"Bakit, sino ba nananamantala sa isang babaeng walang kalaban-laban ngayon?"

"'Wag ka na lang maki-alam kung ayaw mong masaktan."

"Malas n'yo, may malasakit ako." Aniya saka humakbang.

Agad na sumugod ang lalaking may hawak sa'kin.

Naka-ilag si Sir Riegzuel sa suntok ng lalaki saka binatukan kaya nawalan ng malay.

Bigla kong naramdaman ang paghawak ng lalaki sa braso ko saka umakbay sa'kin at itinutok sa may leeg ko ang patalim na hawak niya.

"Sige, lumapit ka pa, gigilitan ko ng leeg 'to." Aniya.

Mas lalo akong naiyak para sa buhay ko. Naramdaman ko ang pagkabaon ng patalim sa leeg ko kaya napatingin ako kay Sir Riegzuel.

"Drop that,"

"Para saan?" Aniya saka diniinan pa ang pagkakalapat ng kutsilyo sa leeg ko hanggang sa naramdaman ko ang pagdaloy ng dugo. "Bakit, ano ka ba niya? Boyfriend ka ba-" hindi na niya natapos ang sasabihin niya at agad na bumulagta sa sahig.

Bumagsak ako sa lupa dahil sa sobrang nginig ng tuhod ko. Napahawak ako sa leeg ko.

Tinignan ko ang kamay ko at sobrang dami ng dugo ang nandoon.

"Halika dito,"

"Napakaganda mo talagang bata ka."

"Masakit lang sa una, Lynxy. Masasanay ka rin."

"Wala ka nang magagawa! Nasa amin na kayo, kaya susundin n'yo ang mga gusto namin! Ngayon, hubad!"

"H-Huwag, p-please..." Sabi ko saka tinakpan ang tenga ko.

Naramdaman ko ang paglapit ni Sir Riegzuel sa'kin.

"Lynxy, okay na." Sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya. Malambing ang pagkakasabi niya no'n. Hindi gaya kanina na sobrang lamig ng pananalita niya. Ngayon, soft ang boses niya. "Halika na, kailangan nating ipagamot 'yang sugat mo." Dagdag pa niya saka nilagyan ng panyo ang kamay ko at siya mismo ang nang-guide sa kamay ko na ilapat sa leeg ko.

Inalalayan niya akong tumayo saka agad na binuhat.

"Thank you, bro." Sabi niya kaya napatingin ako sa harap.

"Yeah, whatever." Aniya nang makasakay sa Ducati niya saka na umalis.

Nang makaalis na ang lalaki, agad akong isinakay ni Sir Riegzuel sa Audi niya.

"S-Saan tayo p-punta?" Tanong ko.

"Sa hospital."

"Sa hospital? 'Wag do'n." Sabi ko habang naiiling pa.

HE'S SERIES #1: Riegzuel Vin MarianoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon