Kabanata 30

128 5 5
                                    

"Zeryne, 'wag ka ngang magulo! Kapag 'to hindi sumakto ipapakain ko sa'yo 'tong tempered na 'to."


Tumawa lang nang malakas si Zeryne, not minding my threat. Nagbabasa siya dito sa kwarto. Nakahiga sa kama habang nasa vanity table ako, naglalagay ng tempered glass sa phone ko. Tapos kapag kinikilig, binabato ako ng unan. Napakawalanghiya.


"Lynxy Kate!" Agad akong napa-tingin sa may pinto nang pumasok si Lena sa kwarto.


"Ano na naman?"


"Ano na naman ang mga pinamili mo para kay Clylene?" Lumapit siya sa'kin, glaring.


"I bought her sweets." I said in monotone.


Hinila niya ang buhok ko kaya napa-tingin ako sa kaniya. "Sabi ko sa'yo 'wag mong pinagbibigyan, eh!"


"Lena, minsan na nga lang 'yun, eh. Isa pa, pinaalalahanan ko naman siya na tatlo lang ang kunin niya. Malay ko ba na bibigyan pa siya ni Riegzuel ng limang box ng chocolates."


Kanina kasi, kumuha siya ng chocolates at ibinigay kay Clylene. She refused but then Riegzuel insisted. Ibinigay niya sa'kin 'yung bayad nu'n saka na umalis.


"Riegzuel?" Tanong ni Zeryne.


"Oo." Nagpatuloy ako sa


"At hindi mo pinigilan?"


"I did, pero ang sabi gift daw. Ewan ko ba du'n. Ang sabi, I raise her well," I looked at Lena. "So you raise her well," wala sa mood kong sabi saka umirap at idinikit na 'yung glass sa phone ko. Buti na lang at maayos.



Inilagay ko na sa basurahan ang dati kong tempered glass pati na rin 'yung mga ginamit ko.



"Oh my god! Kawawing Papi Riegzuel," sabi ni Zeryne, may pasapo pa sa bibig. "Inakala niyang sa'yo si Cly."



"Siguro, kasama ko pa naman si Livo kanina." Sabi ko saka tumayo at nagtungo sa banyo para mag-hugas ng kamay at mag-skin care na rin.



"Buti 'di nagkagulo?" Tanong ni Lena. Pareho silang natawa.



"Boket nomon mogkokogolo?" I said while brushing my teeth.


Pumunta si Lena sa may bakuna ng pinto at sumandal doon. "Girl, 'di ba obvious? Inirason mo si Livo, paniguradong 'yun ang paniniwalaan niya."


I rolled my eyes. "Hindi naman ganu'n si Riegzuel. I know him." Naalala ko 'yung ngiti niya kanina. "He knows how to accept his defeat."



Nagmumog na 'ko saka tumingin kay Lena nang hindi siya nagsalita.



"Oh bakit ganyan mukha n'yo?" Tanong ko nang makitang parang nakasimangot silang dalawa.



"Sorry, Lynxy." Nagsalubong ang kilay ko habang naglalagay ng cleansing soap sa kamay ko. Tumingin ako kay Lena mula sa salamin.



"Para saan?"


Ilang sandali siyang natahimik. "Sa pagbulyaw ko sa'yo. I didn't know."


HE'S SERIES #1: Riegzuel Vin MarianoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon