Kabanata 15

128 6 1
                                    

“Tara na, kain tayo.”

 

Gulat akong napatingin kay Riegzuel kaya nagsalubong ang kilay niya.

 

“Okay ka lang ba?” Tanong niya kaya tumango ako.

 
 


“Gutom lang ‘to.” Palusot ko. “Tapos ka na ba?” Pag-iiba ko ng topic. Tumango siya. “Tara na?” Tumango ulit siya kaya ngumiti ako.

 
 


Hindi pa rin nawawala ang pagtataka sa mukha niya. I cupped his face and smiled.

 
 


“Okay lang ako, don’t worry.” I assured and kissed the tip of his nose.

 
 


Nasasanay na ‘ko na humalik sa kaniya.

 
 


Bumuga siya ng hangin saka na hinapit ang baywang ko saka na pumasok sa loob dahil kanina pa ako dito sa veranda.

 
 


Nagsuot lang ako ng jacket at cap saka na kami lumabas.

 

Nagtungo kami sa isang restaurant. Si Riegzuel na ang nag-order ng pagkain namin habang ako naman ay umupo na sa bakanteng table at napatingin sa labas.

 
 


Hindi ako mapakali. Kanina ko pa iniisip ang nakita ko kanina.

 
 


Guni-guni ko lang siguro.

 

Pero parang hindi, eh. ‘Yung titig niya, ‘yung ngisi niya.

 
 


Nakaramdam na ‘ko ng kaba at halos namamawis na ang palad ko.

 
 


Kailangan na naman ba naming lumipat? Para sa’kin hindi na safe, eh.

 
 


Gulat akong napa-tingin kay Riegzuel nang hawakan niya ang kamay ko kaya ko ‘yun nahugot.
 


Huminga ako ng malalim.

 

Breath, Lynxy. I inhaled. Hold. And I exhaled.

 

Tumabi si Riegzuel sa’kin saka hinawakan ang kamay ko. “Ayos ka lang ba?”

 

Tumango ako. “Okay lang ako, may iniisip lang.”

 
 


“Ano?”

 
 


“Something that I’m not sure about.”

 

HE'S SERIES #1: Riegzuel Vin MarianoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon